CHAPTER 24

1371 Words
Kinabukasan ay maaga pa lang umalis sila Immitis at Lux sa oasis ng Harenae upang maglakbay patungo sa Valle Mortis. Naisip nilang bumalik doon dahil baka sakali ay makahanap sila roon ng kahit na anong bagay na maaaring makatulong sa kanila para mailigtas si Acutus.   “Ginoong Lux, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nating bumalik sa Valle Mortis,” sabi ni Immitis habang nakamasid sa malayo sakay ni Volant.   “Baka may palatandaan kasi roon na maaaring magdala sa atin sa sinasabing yaman na siyang lunas sa sumpang dala ng kwintas,” tugon nito.   “Pero, Ginoong Lux, kayo na nga ang may sabi na sabi lang iyon ni Ginoong Gaza. Hindi tayo nakatitiyak na mayroon nga talagang ganoong alahas,” sabi niya.   “Pero maaaring mayroon.” Tila napaisip naman siya sa sinabi ni Lux kung kaya minabuti niya na lang na tumahimik.    *** Samantala, sa palasyo ng Stamen ay nananatili pa ring walang malay si Acutus matapos siyang ipahagupit ni Nitidus nang makailang ulit sa mga tauhan na naroon.   “Hindi pa rin ba siya nagigising?” tanong ni Nitidus habang nakaupo sa tronong dyamante ng kaniyang yumaong lolo.   “Hindi pa rin po, mahal na Regina,” sagot ng kaniyang kawal.   “Naiinip na ako. Hanggang kailan niya ba balak na matulog lang sa kulungang iyon?” Tumayo si Nitidus at nagsimulang maglakad patungo sa kaniyang silid nang maalala niya si Inxs.   “Ang walang h*yang si Inxs, nasaan siya?” tanong niya.   “Nasa kaniyang silid po, mahal na Regina.”   “Sabihin mong magtungo sa aking silid ay may importante akong ipag-uutos sa kaniya.” Muli ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad hanggang sa tuluyang marating ang kaniyang silid. Pagpasok niya roon ay pabagsak siyang nahiga sa kama at huminga ng malalim, pagkaraan ay hinubad ang kwintas ng Tractatio at matamang pinagmasdan ito.   Unti-unting naglandas ang luha mula sa mga mata ni Nitidus habang pinagmamasdan ito. Hindi niya mabatid kung bakit biglang bumigat ang kaniyang dibdib dala ng kalungkutan. Napapikit na lang siya at napayakap sa sarili habang ninanamnam ang sakit at lungkot na hindi niya malaman kung saan nagmumula. Sa isang iglap ay mukha ni Acutus ang bumalot sa kaniyang isipan dahilan para mapamulat siya at mabitawan ang kwintas.   “Hindi. Wala na siyang kaugnayan sa akin. Wala na akong kahit na ano pang pakialam sa kaniya.” Para siyang nasisiraan ng bait na tumayo at hinawakan ang sariling buhok pagkaraan ay nagpabalik-balik ng lakad mula sa pintuan pabalik sa kama. Lumapit siya sa salamin at nakita ang sariling repleksyon sa salamin.   “Nitidus, tandaan mo kung sino kang talaga.” Nagulat siya nang magsalita ang sarili niyang repleksyon sa salamin. Nakangiti ito na animo’y nanunukso.   Hinawakan niya ang mukha pagkaraan ay muling kinuha ang kwintas sa kama at hinaplos ito. Muli siyang humarap sa salamin at isinuot ito. Pagkaraan ay muling nagsalita ang kaniyang repleksyon sa salamin.   “Ganyan nga, Nitidus. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana ng Uchida. Ikaw ang dapat na humalili sa iyong lolo. Ipagpatuloy mo ang bagay na naudlot dahil sa kasakiman ng Sugatzu. Ikaw ang tatapos sa kanilang lipi. Paslangin mo ang binatang si Acutus.” Humalakhak ito at doon ay nagsimula namang tumawa si Nitidus nang marinig niya ang pagbukas ng pinto dahilan para mabaling ang atensyon niya rito.   “Anong kailangan mo sa akin, Nitidus?”   “Huwag  mo akong kausapin na para bang mas mataas ka sa akin, Inxs.” Lumapit siya rito at hinawakan ito sa panga. “Baka nakakalimutan mong utang mo pa rin sa akin ang buhay mo dahil binuhay kita.”   Kaagad namang tinabig ni Inxs ang braso ni Nitidus at pagkaraan ay inilapit ang mukha sa dalaga.   “Baka rin nakakalimutan mong ako na lang ang nag-iisang kakampi mo sa mga oras na ito. O baka naman umaasa ka pa ring ililigtas ka ng lalakeng pinakamamahal mo?” panunukso nito. “Hindi ka matutulungan ng lalakeng hanggang ngayon ay wala pa ring malay sa kulungan kinalulugaran niya ngayon.”   Kaagad siyang umatras at tiningnan ito nang matalim.   “Wala kang alam, Inxs. Wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganyan.”   “Tingnan natin, Nitidus, kung hanggang saan ka tatagal sa patuloy na pagtaliwas sa nais ko.” Akmang tatalikod na ito nang muli itong tawagin ni Nitidus.   “May ipagagawa ako sa’yo.”   “At sa tingin mo ay susunod aq sa mga utos mo?” pagkontra nito.   “Kapag sumunod ka sa mga utos ko ay ibibigay ko ang nais mo.” Seryoso lang siyang nakatingin kay Inxs habang binabasa ang maaaring isagot nito at sa tingin niya ay napapayag niya ito nang lumapit ito sa kaniya at animo’y naging maamong tupa na yumakap sa kaniya.   “Kung ganoon ay magsisimula na akong maningil ng mga pagkakautang mo sa akin, Nitidus.” Bulong nito sa gilid ng kaniyang tenga at tahasang hinawakan siya sa magkabilang balikat. Inilapit siya nito sa gilid ng kama pagkaraan ay itinulak siya roon. Pagkaraan ay pumaibabaw ito sa kaniya at inangkin ang kaniyang mga labi. Walang kareareaksyon niyang hinayaan lang ito sa ginagawa. “Tandaan mo, akin ka lang, Nitidus. Hinding-hindi kita ibibigay sa kinilala mong kapatid.”   Muli nitong sinakop ang kaniyang labi pagkaraan ay gumapang ang mga kamay nito sa pagitan ng kaniyang mga hita. Unti-unti ay natutulala na lang siya hanggang sa tuluyan na nitong matanggal ang mga damit sa kanilang mga katawan. Doon ay inangkin siya nitong muli kahit taliwas sa kaniyang kagustuhan. Paulit-ulit lang niyang naaalala ang mga araw na una siya nitong babuyin at kuhanin sa kaniya ang mundong minsan ay pinapangarap niya. Sa mga oras na iyon ay wala siya sa wisyong ibinigay lang ang nais nito sa kaniya. Iyon lang ang naiisip niyang paraan para mapasunod ito sa mga gusto niya kahit na sa kaibuturan ng kaniyang puso ay sukang-suka na siya sa mga ginagawa nito sa kaniya. Hanggang sa maramdaman niya na lang ang pagbagsak nito sa kaniyang tabi.   “Ano ang nais mong ipagawa sa akin, mahal kong Era?” tanong nito.   Tila walang nangyari sa pagitan nito nang bumangon siya at ibinalot ang kumot sa hubad niyang katawan. Dinampot nito ang isang susi pagkaraan ay inihagis kay Inxs.   “Magmula ngayon ay ikaw na ang inaatasan kong mamahala sa mga bihag. Paslangin mo ang mga walang pakinabang. Piliin mong mabuti ang maaari nating magamit bilang mga bagong tauhan lalo pa’t marami rin ang nabawas sa kanila dahil sa kapabayaan ni Adamas,” sabi niya bago nagsimulang damputin ang mga damit at muling isuot sa kaniyang katawan.   Tumayo naman si Inxs at niyakap siya mula sa kaniyang likuran. “Makakaasa ka, mahal kong Era. Basta siguraduhin mo lang na susunod ka rin sa kahit na anong kagustuhan ko,” sabi nito bago siya binitawan at nagsimulang isuot ang sariling damit. “Aalis na ako.”   Pagkalabas na pagkalabas ni Inxs ng kaniyang silid ay muli siyang humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili.   “Magaling, Nitidus. Pagbutihan mo lang ang iyong ginagawa at ituloy mo lang iyan. Kapag napasakamay mo na ang kapangyarihan ay maaari mo na rin naman siyang iligpit. Sa ngayon ay kinakailangan mo lang galingan ang pagpapanggap.” Nagsalita muli ang kaniyang sariling repleksyon sa salamin ngunit hindi na siya nagulat nang pagkakataong iyon. Ngumiti siya at saka humalakhak.   “Oo. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako at ako mismo ang tatapos sa buhay ni Acutus.”   Ilang sandali pa nang magkamalay si Acutus dahil sa lamig ng tubig na bumuhos sa kaniyang mukha.   “Hoy! Gumising ka na riyan. Limang araw ka na walang malay. Hanggang kailan mo balak na matulog diyan?” tanong ng kawal sa kaniya ngunit himbis na tumugon at tiningnan niya lang ito nang masama dahilan para mainsulto ito kung kaya sinuntok siya nito sa mukha. “Aba at ang lakas ng loob mong tingnan ako nang masama.”   Ngunit himbis na magalit ay ngumiti lang si Acutus at dinuraan ang kawal sa mukha.   “Walangh*ya ka!” Akmang hahagupit siya nito ng latigo nang may pumasok na isang kawal at inawat ito.   “Itigil mo ‘yan!” Napalingon ito sa isa na tila nagtatanong na kaagad namang naintindihan ng isang kawal kung kaya’t sinagot siya nito. “Lumabas ka na! Ipinag-uutos ng mahal na Regina na kalagan ang bihag at damitan ng maayos na kasuotan at dalhin sa kaniya.”   Napakunot naman si Acutus sa sinabi ng isang kawal kung kaya kahit na kaunti ay nabuhayan siya ng loob.   Pagkaraan ng ilang minuto ay unti-unting bumibilis ang t***k ng kaniyang puso habang papalapit sa silid-kainan. Ilanga raw ang lumipas at ngayon niya lang muling masisilayan ang babaeng dahilan ng kaniyang mga ipinaglalaban. Napayuko siya  dahil sa labis na kaba lalo pa’t nagkaroon siya ng kaunting pag-asa na maaaring magbago ito mula sa bagay na ginagawa nito ngayon.   At nang magtama ang kanilang mga mata ay unti-unting bumalik ang pag-ibig na kailanman ay hindi niya maitatanggi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD