Sumasabay sa ihip ng hangin ang paglipad ni Volant habang sakay-sakay si Immitis kasama ang lalakeng tumulong sa kanila. “Ginoo, si Acutus…” Halata sa boses ni Immitis ang panghihina dulot ng pinsalang natamo na kasalukuyan namang nilalagyan ng gamot ng lalake. “Masyado ka namang pormal. Lux na lang ang itawag mo sa akin,” sabi nito pagkaraan ay pinahiran ng zmegma, isang uri ng pamahid na animo’y pandikit na mabisang panlinis ng sugat, ang likod ni Immitis. “Sa ngayon ay kailangan na muna nating mag-isip at gumawa ng plano para mailigtas si Acutus. Sa ngayon kasi ay dehado tayo lalo na at marami ang kalaban sa loob ng Stamen.” “Kailangan nating bumalik at iligtas siya, Ginoong Lux,” sabi ni Immitis na tila wala sa sarili. Diniinan ni Lux ang paglalagay ng gamot sa sugat ng

