CHAPTER 12

1475 Words
"Master Adamas, patawarin ninyo po ako," sabi ng isang kawal habang nakaluhod at nagmamakaawa kay Adamas.   "Inutil! Wala kang silbi!" galit na sigaw niya sa tauhan, at sinipa pa ang baba nito dahilan para bumagsak ito pahiga sa sahig. "Napakasimple na nga lang ng iniutos ko sa iyo ay hindi mo pa rin nagawa."   "M-master A-Adamas. Bigyan mo pa po ako ng huling pagkakataon," pakiusap ng lalake sa kabila ng panginginig ng kaniyang boses.   Bumunot ng baril si Adamas at walang sabi-sabing pinaputukan niya ito kaagad sa ulo na siya namang umalingawngaw sa kabuuan ng kwarto.   "Master Adamas, ipinatatawag n’yo raw po ako," sabi ni Pecunia matapos pumasok sa silid.   "Magsama ka ng tauhan, at hanapin ninyo ang kwintas. Napag-alaman kong matatagpuan ito sa Valle Mortis, at isang lalake ang nangangalaga nito," utos ni Adamas kay Pecunia.   Tila nagtaka naman si Pecunia dahil inutusan pa siya nitong magsama ng mga tauhan. Kung tutuusin, isang lalake lang ang nangangalaga nito ay kayang-kaya niya na ito. Eto rin ang unang pagkakataon ni Pecunia na makatapak sa lugar na iyon. Ayon kasi sa usap-usapan ay walang sinuman ang nakalalabas ng buhay doon matapos pasukin ang lugar na iyon. Subalit hindi iyon sapat para kay Pecunia para kailanganin niya pang magsama ng tauhan dahil usap-usapan lang naman ang mga nasabi tungkol sa lugar na iyon at wala pang nakapagpatunay na kahit na sino. "Masusunod po, Master Adamas."  Yumuko ito bago nagsimulang umalis kasama ang sampung tauhan.   Tahimik naman na nakinig lang sa usapan si Nitidus at nagtatago sa kanila. Kailangan niya itong iparating kay Acutus at ang sunod naman ay ang paraan kung paano sila makakatakas dito.    *** Kinaumagahan ay maaga pa lang nang umalis si Pecunia patungong Valle Mortis kasama ang sampung tauhan. Habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang destinasyon ay narinig pa niya ang bulung-bulungan ng mga ito.   "Paano na ito? Sa Valle Mortis daw ang punta natin?" sabi ng isa sa tauhan niya.   "Ewan ko. Ganoon din naman e. Kung mananatili tayo sa Stamen at hindi sasama rito ay paniguradong papatayin din tayo ni Master Adamas. Ngayong sumama naman tayo ay ganoon pa rin ang kahahantungan natin, kamatayan," sagot naman ng isa.   Himbis na makaramdam ng takot at kaba ay lalo pang natuwa si Pecunia sa narinig. Mas nais niya pang mas mapaaga ang pagdating doon upang sa ganoon ay malaman niya na kung ano ang hiwagang bumabalot sa lugar na iyon. Ayon sa usap-usapan na naririnig niya ay marami nga ang namamatay doon. Kapag tumapak ka sa lugar na iyon ay katapusan na ng buhay mo. May isang tila lagusan ito na daan papasok sa lugar na iyon na napapagitnaan ng dalawang naglalakihang bundok na bato. Sa daanan naman bago makarating sa lagusan ay isang tulay na bato sa ibabaw ng dagat na hinahampasan ng naglalakihang mga alon. Marami ang nagtataka dahil sa walang hanggang kadiliman sa lugar. Kita naman ang kapaligiran ng lugar subalit animo'y laging nagbabadya ng malakas na ulan o bagyo ang buong kalangitan dahilan para mabalot ang lugar ng kadiliman at mumunting hamog.   "Bilisan na natin. Baka abutin tayo ng gabi sa paglalakad. Ayokong mawala ang tiwala sa atin ni Master Adamas," sabi ni Pecunia bago nagpauna sa paglalakad.   Sa kabilang banda naman, habang binabagtas nila Pecunia ang daan papuntang Valle Mortis ay maingat namang nagpunta si Nitidus sa silid kung saan nakapiit si Acutus.   "Acutus..." Lumapit siya rito at hinawakan braso nito.   "Nitidus, kamusta ka na? Anong ginagawa mo rito? Baka makita ka nila," nag-aalalang tanong niya.   "Alam ko na kung nasaan ang kwintas ng inyong angkan," sabi ni Nitidus. "At gagawa ako ng paraan para maitakas ka rito. Itatakas kita ngayon dito."   "Salamat, Nitidus," nakangiting sabi ni Acutus.   Maingat namang umalis si Nitidus sa silid kung saan nakapiit si Acutus at hinanap ang susi sa kadenang nakakabit sa magkabilaang kamay at paa nito. Nagtungo siya sa silid ng kanyang lolo at doon siya unang naghalungkat. Sinubukan niyang tingnan ito sa mga aparador maging sa ilalim ng kama at unan subalit bigo siyang makita ito. Nanlulumo siyang naupo sa kama ng kanyang lolo nang biglang may pumasok mula rito.   "S-sino ka?" Napatayo pa si Nitidus nang may pumasok na hindi niya kilala at ngayon niya lang nakita.   "Sshhh... Huwag kang maingay. Narito ako para tulungan ka." Iniangat nito ang kamay nitong may hawak na susi.   "Iyan ang susi," napabulalas ng dalaga.   "Oo. Nasaan si Acutus?" tanong nito.   Nag-aalala man ay batid ni Nitidus na mapagkakatiwalaan ito. Nararamdaman niya kasing hindi ito masamang tao kung kaya kaagad silang nagtungo kung saan nakapiit si Acutus.   Pagkarating doon ay kaagad na naalerto ang mga bantay ngunit sa tulong ni Nitidus ay kaagad niyang ginamitan ng sumpit na may pampatulog ang mga bantay dahil para mawalan ang mga ito ng malay at bumagsak sa sahig. Kaagad silang pumasok sa piitan ni Immitis upang iligtas ang lalaking kaniyang pinakamamahal.   "Immitis!" wika ni Acutus matapos mapagtanto kung sino ang kasama ni Nitidus.   "Mabuti na lang pala at pinuntahan kita rito. Nag-aalala kasi ako. Alam ko kasing hindi mapagkakatiwalaan si Pecunia kaya napagpasyahan kong sundan ka," paliwanag nito.   "Salamat, Immitis, pero paano ka nakapasok?" tanong ni Acutus.   "Mahabang kwento. Ang importante ngayon ay makaalis na tayo rito. Napag-alaman ko rin na papunta ngayon sa Valle Mortis sila Pecunia para kuhanin ang kwintas. Kailangan nating pumunta roon," sabi nito habang kinakalagan si Acutus.   "Sige. Tara na, Nitidus." Pagkasabi nito ay hinatak na nito si Nitidus subalit napahinto siya nang hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan nito.   "Hindi ako sasama sa inyo, Acutus," sabi nito sa kaniya.   "Nagpunta ako rito para iligtas ka tapos sasabihin mo sa aking hindi ka sasama? Nagpapatawa ka ba?" Napatawa pa ng mapakla si Acutus matapos marinig ang tinuran ni Nitidus.   "Walang dahilan para sumama pa ako sa'yo, Acutus. Eto ang angkang pinagmulan ko. Ang angkang pumatay sa buong pamilya mo," malungkot naman na tugon nito.   "At ano ang tawag mo sa akin? Hindi ba pwedeng maging sapat na dahilan ako para sumama ka sa akin?" Pagkasabi ni Acutus ng mga katagang iyon ay sakto naman ang pagpasok ni Adamas sa silid kasama ang ilang tauhan.   "Huwag silang hahayaan na makatakas!" pasigaw na utos ni Adamas at dali-dali namang nagsunuran ang mga tauhan sa kaniyang utos.   Batid nilang ang bintana sa loob ng silid na iyon na lamang ang tangi nilang malalabasan kaya kaagad silang tumakbo patungo sa bintana.   "Tara na, Acutus!" Pagtawag ni Immitis matapos huminto si Acutus sa pagtakbo.   "Nitidus..." tila nangungusap ang mga mata ni Acutus habang hinihintay ang tugon ni Nitidus pero tila wala itong narinig nang tumalikod ito at nagsimulang lumakad palayo sa kanila.   "Nitidus!" sigaw ni Acutus. Akma sanang hahabulin pa ito ni Acutus ngunit hindi na ito hinayaan ni Immitis at kaagad na hinila siya patalon sa bintana.   Nagulat ang lahat ng tauhan ni Adamas sa ginawang pagtalon ng dalawa sa bintana dahil batid nilang wala itong ibang malulusutan pa. Puro bangin na ang ilalim nito. Nakita nila kung paano bumulusok ang dalawa pababa sa malalim na bangin. Ang hindi nila alam ay ang tungkol sa kayang gawin ni Immitis.   "Volaaannnttt!" sigaw ni Immitis at isang sigaw pa lang niya ay mabilis pa sa limang segundong sumulpot si Volant mula sa ilalim ng bangin. Sinalo ng likod nito ang katawan ni Immitis ganoon rin ang kay Acutus. "Dito nananahan si Volant," paliwanag niya.   Hindi naman umimik si Acutus at tahimik lang na napahilamos sa mukha.   "Huwag kang mag-alala kay Nitidus. Magiging ayos siya. Ililigtas natin siya kapag nasa kamay na natin ang kwintas na hinahanap mo," sabi ni Immitis sabay abot ng baril kay Acutus. Napakunot naman ang noo ni Acutus nang makilala ang baril. "Kinuha ko iyan sa loob noong abala si Adamas sa pagpatay sa isa niyang tauhan. Kaya nga sa ngayon ay kailangan muna nating maunahan sila Pecunia na makuha ang kwintas sa Valle Mortis."   "Tama ka. Nag-aalala lang ako. Alam ko kasing umiiyak siya sa mga oras na ito," malungkot na sabi ni Acutus. Tinapik na lamang ni Immitis ang balikat nito para kahit paano ay mapanatag ang loob ng binata.   Sa silid naman kung saan nila iniwan si Nitidus...   "Magaling ang naging desisyon mo apo. Ang manatili sa piling ni lolo," sabi ni Adamas kasabay ang pagyakap nito kay Nitidus.   "Doon na lang po muna ako sa kwarto ko lolo. Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan kayo," sabi ni Nitidus sabay talikod.   Nang makarating si Nitidus sa kaniyang silid ay doon tuluyang bumuhos ang luhang kanina niya pa pinipigil. Batid niyang nag-aalala sa kaniya si Acutus subalit mas minabuti niyang manatili para protektahan ito. Sa ganitong paraan kasi mas malalaman niya ang mga pinaplanong masama ng kaniyang lolo kung malapit lang siya rito.   "Acutus..." bulong niya at unti-unting napaupo sa sahig kasabay ng mga luhang patuloy sa pag-agos. *** Valle Mortis - Valley of Death
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD