CHAPTER 15

1185 Words
Nitidus' POV Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking silid. “Nitidus!” Si Inxs. “A-anong nangyayari?” tanong ko. “Bilisan mo. Bumangon ka na. Sumama ka sa akin. Parating na ang lolo mo at may kasama siyang kawal. May pinaplano siyang masama sa iyo,” sabi nito. Kaagad namang bumalot ang kaba sa aking dibdib kaya dali-dali akong bumangon. Halos nakapantulog lang ako na yari sa manipis na seda. Hindi ko na nagawa pang magsuot ng kahit na anong balabal dahil sa labis na pagmamadali. Kung ganoon ay tama nga ang hinala ko. May masamang pinaplano ang matandang iyon sa akin. Hindi ko siya kahit na kalian mapagkakatiwalaan kahit na lolo ko pa siya. “Tara na!” Kaagad akong hinatak ni Inxs palabas ng aking silid. Mabuti na lang rin at walang nag-iikot na mga bantay ng mga oras na iyon. Halos madapa naman ako sa pagmamadali upang makatakas hanggang sa mamataan namin ang dalawang bantay na akma sana naming makakasalubong. Mabuti na lang at may isang bukas na silid roon sa tagong pasilyo kung kaya’t mabilis lang kaming nakapasok doon at nakapagtago. “Mabuti na lang at hindi tayo nakita ng mga kawal.” Habol hininga ako habang nakayuko dahil sa labis na kaba at pagod. Nang makatayo ako ng tuwid ay doon ko lang napagmasdan nang maigi ang kkabuuan ng lugar. Malawak ito ay malinis. May malaking ilaw na gawa sa diyamante sa may gitna at ang malaking kama sa may bandang gitna sa dulong bahagi nito. Lumapit ako roon at naupo pansamantala upang himasin ang kulay itim na tela nitong tila yari sa bulak. Mas malambot ito kumpara sa aking kama. Mas malaki rin ito kumpara sa akin. Parang pinasadya ito para sa dalawang tao. Ang haligi nito ay yari sa kahoy ng oak. “Nitidus…” Tiningnan ko siya nang marinig ang pagtawag niya sa akin. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa akin at nakaharap sa may pintuan. Nahimigan ko ng lungkot ang boses niya nang magsalita siya kaya naman kaagad akong nag-alala. “May problema ba?” tanong ko sa kaniya. “Alam mo bang itong silid na ito ang nakatakda sanang maging silid nating dalawa?” sabi niya na labis kong ikinagulat. Ang ibig sabihin ay inayos na talaga ng matandang iyon ang lahat para sa amin ni Inxs. Ngunit ano pa ang silbi nito kung wala na rin naming kasalang magaganap? “Inxs…” Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang tinig. Nakaramdam na naman ako ng konsensya dahil sa mga ginagawa ko ngayon. Pakiramdam ko ay ginagamit ko siya para lang gawin ang nais ko. Ni hindi ko na naisip ang mararamdaman niya. “Mahal kita, Nitidus at alam mo ‘yan. Alam mo ring handa akong gawin ang lahat para sa’yo,” sabi nito at sa isang iglap ay nagbago ang tono ng kaniyang boses. Ang kanina lang ay malungkot at maamo niyang boses ay naging malamig at puno nga pait. "Inxs, napag-usapan na natin ito hindi ba?” Tumayo ako upang harapin siya nang mas maayos. Humarap naman siya sa akin at nilapitan ako. “Hindi ko kayang ibigay ang nais mo, Nitidus,” deretsong sabi nito dahilan para kabahan ako. Hindi ko alam ngunit parang nag-iba ang dating ng mga salita niya sa sandaling iyon. “Matagal na tayong tapos, Inxs. Hindi na kita, mahal. Sana ay maintindihan mo.” “Hindi ako pumapayag, Nitidus!" pasigaw na sabi niya. Nagitla naman ako dahil sa biglaan niyang pagsigaw sa akin. Hindi ko inaasahan ang ganoon mula sa kaniya. "Pero, Inxs, matagal na panahon na ang lumipas. Hindi na kita mahal," paliwanag ko. "At sino na ang mahal mo? Ang kinalakhan mong hambog na kapatid? Nang malaman mong hindi pala kayo magkadugo ay kaagad mo na lang naramdaman na gusto mo siya? Pwes! Hindi ako makapapayag na maging kaniya ka. Akin ka lang, Nitidus, sa ayaw mo at sa gusto," at tahasan niyang hinawakan ang aking magkabilang braso kasabay ng paglapit ng kanyang mukha sa aking leeg na siyang naging dahilan para mapasigaw ako sa labis na takot. "Bitiwan mo ko!" "Patawad! Pero akin ka lang! Akin lang!" Kasabay ng mga katagang iyon ay ang pagtulak niya sa akin sa kama at kaagad na pagpatong niya sa aking katawan. "Huwag, Inxs! Bitiwan mo ako," at nanghina na lang ako nang maramdaman ang pagkirot ng aking sikmura mula sa malakas na suntok na naramdaman kong tumama rito. "Hindi mo ako mapipigilan!" Mabilisang niyang pinunit ang aking damit dahilan upang malantad sa kaniyang harapan ang aking dibdib. "Hindi! Huwag! Maawa ka, Inxs." Ngunit tila hindi niya ako naririnig. Pilit akong nanlalaban subalit lubhang malakas siya kaya tumulo na lang ang aking mga luha nang maramdaman ko ang kaniyang mga kamay na sumakop nang tuluyan sa akin. Hindi maaaring makuha niya ako kung kaya't tinuhod ko ang kaniyang pagkalalake na siyang labis niyang ininda kaya nakatakbo ako papunta sa may pinto ngunit laking gulat ko nang hindi ko ito mabuksan. “Tulong! Lolo! Palabasin n’yo ako rito!" sigaw ko subalit tila walang nakakarinig at nagulat na lang ako nang isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi. Bumuwal ako sa sahig habang hawak-hawak ang pisnging namumula pa sa sakit. "Pinapahirapan mo pa ako. Wala namang tutulong sa'yo." Iyon ang sabi ni Inxs bago niya ako binuhat mula sa pagkakasalampak sa sahig at inihagis sa kama. “Hindi ko akalaing napakadali mong linlangin, Nitidus.” “Hay*p ka! Bitiwan mo ko!” Pilit na pagpupumiglas ko subalit sadyang malakas siya.   “Alam mo bang planado na ang lahat ng ito, Nitidus. Napakabuti talaga ng lolo mo dahil hindi siya nagdalawang isip na tulungan akong maging akin ka habangbuhay,” sabi nito dahilan para tuluyang maglandas ang luha sa aking pisngi. Kung ganoon ay nilinlang niya rin ako. Umasa ako na muling makikita at makakasama si Acutus ngunit isa lang palang pagpapanggap ang lahat. Napakalaki kong tanga. Mula noong linlangin ako ni lolo hanggang ngayon ay ganoon pa rin. "Hindi ka na ulit makakaisa sa akin, Nitidus," at isang malakas na suntok muli sa sikmura ang kaagad niyang ibinigay sa akin kung kaya't nanghina na ako nang tuluyan. Nawala ang lahat ng lakas ko para lumaban pa. Tanging luha mula sa aking mga mata na lang ang natitirang meron ako. Naubos na nang tuluyan ang natitirang pag-asa sa puso ko. Marahil ay eto talaga ang tadhanang nakatakda sa akin. Ang tadhanang kahit na kailan ay hinding-hindi ko kayang talikuran. Nanlalambot na ako kung kaya’t hinayaan ko na lang na makuha niya ang nais niya habang ako ay tulala na lang na nakatingin sa kawalan. Nitidus, gising na kakain na tayo," wika ni Acutus habang nilalaro pa ang aking buhok. "Inaantok pa ako," sabi ko. "Kapag hindi ka pa gumising diyan iiwanan kita ritong mag-isa sa bahay," malambing pa ring sabi niya kaya bumangon na ako at nagkusut-kusot ng mga mata. "Nitidus, kahit na anong mangyari, babalik ako. Babalikan kita at magsasama na tayo," sabi niya na labis na nagpakalabog sa aking dibdib. Dahan-dahan akong bumangon sa aking kama at naramdaman ang pagkirot mula sa pagitan ng aking mga hita. Napatingin ako sa aking tabi at nakita si Inxs na himbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang aking sarili at nakita ang nababalot kong katawan ng kumot. Kahit ayoko man tanggapin ay nangyari na. Nakuha niya na ako. Ano pang mukhang ihaharap ko kay Acutus? Niyakap ko na lang nang mahigpit ang dulo ng kumot kasabay ang paghikbi. "Acutus... Patawad…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD