CHAPTER 14

1414 Words
Nitidus’ POV   "MGA INUTIL!" bulyaw ni lolo matapos bumalik ang kaniyang dalawang tauhan kabilang na roon si Pecunia. "Hindi ba't sinabi kong huwag kayong babalik dito nang wala sa inyo ang kwintas!" tiim bagang na wika niya.   "Master Adamas, ipagpaumanhin n’yo po subalit, hindi namin kakayanin ang lakas ng pwersang pumapaloob sa Valle Mortis," matapang na saad ni Pecunia habang nakayuko.   Isang malakas na sampal naman ang kaagad niyang natanggap mula kay lolo na labis kong ikinagulat.   "Ang sabihin mo ay naduwag ka!" galit pa ring wika ni lolo bago tumalikod at nagsimulang maglakad. "Patayin ang dalawang 'yan," walang awang utos ni lolo kasabay ng pagpasok ng ilang tauhan.   "Sandali, Master Adamas, may mahalaga akong impormasyong dala-dala," mabilis na sabi ni Pecunia kung kaya't kaagad ding napahinto sa paglakad si lolo, at nilingon ang huli.   Kaagad na naglakad pabalik si lolo sa kinatatayuan ni Pecunia at doon ito nagsimulang magsalita na siya namang nagpanginig sa buong katawan ko. "Kasalukuyang naroon si Acutus sa Valle Mortis at hinahanap ang kwintas," panimula nito. "Tiyak ko pong dadalhin niya rito ang kwintas kapalit ng inyong apo." Kaagad napatingin sa aking gawi si lolo kasabay ang isang nakakalokong ngiti.   "Kung ganoon, hihintayin natin ang kaniyang pagbabalik!" at isang malakas na halakhak ang siyang namayani sa kabuuan ng silid. "Talaga ngang isa kang Sugatzu, Acutus, tanga ka pa rin!"   Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nababalisa ako. Paano kung mapahamak siya sa lugar na iyon? Paano kung makaligtas nga siya at magtungo rito? Ganoon pa rin ang naghihintay sa kaniya. Kapahamakan. Nakagat ko na lang ang aking ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng mga luha mula sa aking mga mata. Sana ay maging ligtas siya at iyon na lang ang aking mahihiling.   Napaupo ako sa gilid ng aking kama matapos kong tunguhin ang aking silid. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang aking gagawin. Oo, nagpaiwan ako rito para alam ko ang mga magiging hakbang ni lolo subalit ano naman ang magagawa ko para iparating sa kanila ang mga nalaman ko. Naputol naman ang aking malalim na pag-iisip sa pagpasok ni lolo kasama ang hindi ko inaasahang panauhin.   "Apo, kamusta ka na?" maligayang bati ni lolo.   "Ayos lang po. Kayo po?" Kung nagiging mapagkunwari man ako ay kailangan.   "Ayos lang din, apo. Ano mang oras ay mapapasa atin na muli ang kapangyarihan at karangyaan," nakangising wika ni lolo sabay hawak sa aking mga kamay bago nagsalitang muli. "Si Inxs pala, apo, nabanggit niya na sa akin na siya ay iyong nobyo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Oo, pinangarap kong maikasal sa kaniya at totoong naging kami pero napakatagal na panahon na rin nang lisanin namin ang Harenae, at nawalan na ako ng balita pa sa kaniya. Isa pa, iba na ang nilalaman ng puso ko ngayon. Marahil ito na rin siguro ang tamang panahon para matapos ang lahat nang namamagitan sa amin.   "Mabuti pa ay maiwan ko na kayo para masarili ninyo ang bawat isa." Pagkasabi noon ay umalis na ang matanda at isinara ang pinto.   "Ang tagal kitang hinanap, Nitidus," panimulang wika ni Inxs.   "Pasensya ka na, Inxs, kung hindi na ako nakapgpaalam sa biglaan naming paglisan,” sabi ko.   Naupo naman siya kaagad sa aking tabi at hinawakan ang aking mga kamay. “Naiintindihan ko, Nitidus. Mabuti na rin at nasa Mabuti kang kalagayan. Alam mo bang labis akong nag-alala sa iyo noong makita kong sunog na ang bahay ninyo sa Harenae at hindi na kita matagpuan sa kahit na saan,” sabi nito. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa mga biglaang pangyayari. “Hanggang sa isang araw ay may dumating na panauhin sa aming tahanan at sinabing siya ang lolo mo. Natutuwa ako ngayon na nakaharap na kita.”   Napayuko ako dahil sa pagkabalisa. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako kay Acutus nang mga oras na ito. Maisip ko pa lang na tila nakikipagmabutihan akong muli kay Inxs ay nababagabag na kaagad ang aking kalooban.   “May problema ba, Nitidus.” Nakita ko naman ang pag-aalala sa mga mata nito. Pilit ko mang itago sa kaniya ang lahat ay alam kong malalaman at malalaman niya rin.   “Ang totoo kasi niyan, Inxs, ay hindi ayos ang lagay ko rito. Si Acutus, kailangan niya ang tulong ko. Kailangan niya ako,” sabi ko at tila nag-iba namanag bigla ang itsura ni Inxs. Naging seryoso ang itsura nito at tila nag-iisip. Ilan pang sandal nang ngumiti ito sa akin.   “Tutulungan kita. Basta sabihin mol ang sa akin ang lahat nang sa gayon ay alam ko kung anong hakbang ang gagawin natin.” Tila nabuhayan naman ng pag-asa ang aking puso matapos marinig ang sinabi nito.   Tumingin ako sa kaniya sa kaniyang mga mata at hinawakan nang mahigpit ang kaniyang mga kamay. “Ang totoo niyan ay nagmula kami sa magkalabang pamilya ni Acutus. Kailan lang namin nalaman ang totoo. Ang lolo ko, nais niyang paslangin si Acutus. Nais niyang makuha ang isang mahalagang kwintas.”   Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Inxs kasabay ang pagtayo nito. Naglakad-lakad ito nang pabalik-balik bago ako muling nilingon. “Naguguluhan ako tungkol sa kwintas na sinasabi mo, pero ano ba talaga ang nais mong gawin?”   “Tulungan mo akong umalis sa lugar na ito.” Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Tiwala naman akong mapagkakatiwalaan si Inxs lalo na at minsan rin naman siyang naging parte ng buhay ko. “Kailangan nating iligtas si Acutus sa Valle Mortis.”   Sandali itong huminto sa paglalakad. Kasalukuyan itong nakatalikod sa akin habang ako naman ay naghihintay ng kaniyang isasagot.   “Sige, Nitidus. Iaalis kita sa lugar na ito,” sabi nito at saka humarap sa akin. Hinawakan nito ang aking magkabilang balikat at akma akong hahalikan kung kaya’t nabigla ako at naitulak ko siya.   “A-anong?” Tila nagulat naman ito sa naging reaksyon ko.   “Patawad, Inxs. Gusto ko rin sanang tapusin na ang ano mang relasyon ang mayroon tayo noon.” Bakas sa mukha nito ang pagkabigla ngunit sandal pa ay bumalik na ito sa maamo nitong pakikitungo sa akin.   “Naiintindihan ko ang iyong pasya.” Nakayuko ito nang magsalita. Tumalikod itong muli sa akin at naglakad palapit sa pinto. “Bukas ay maghanda ka, babalik ako para sa’yo.” Pinihit nito ang seradura ng pinto at saka lumabas.   Tila nabunutan naman ng tinik ang aking dibdib dahil sa sinabi nito. Kung ganoon ay bukas na bukas rin ay ililigtas niya na ako. Makakaalis na ako sa malaimpyernong lugar na ito. Magkakasama na kaming muli ni Acutus. Magiging masaya na kaming muli gaya ng dati.   Nang gabing iyon ay magkakasabay kaming nkumakain sa hapag nang magsalita ang matanda.   “Inxs, kamusta naman ang inyong muling pagkikita ng aking apo?” tanong nito.   “Maayos naman po, Master Adamas,” tugon nito.   “Napakapormal mo naming bata ka, tawagin mo na lang rin akong lolo. Tutal ay doon din naman tayo patutungo.” Tumawa ito na siya naming kinairita ko.   “Kung iyon po ang inyong nais, lolo,” sabi nito sa mata bago ako nilingon. Tumingin ito nang makahulugan sa akin na kaagad ko naming sinang-ayunan na lang. Tingin ko ay sinasabi nitong sakyan ko na lang ang lahat ng kaniyang palabas.   “Sa susunod na linggo pala ay nakatakda na ang inyong pag-iisang dibdib kung kaya’t nais kong maghanda ka, apo.”   Napatayo naman ako dahil sa tinuran ng matanda.   “Hindi po ako pumapayag sa nais n’yo, lolo. Tinapos ko na po ang ano mang namamagitan sa aming dalawa at naintindihan naman po iyon ni Inxs,” sabi ko at binalingan ang dati kong katipan, “hindi ba, Inxs?”   “Katunayan ay tama po si Nitidus, lolo,” sagot ni Inxs. Mabuti na rin at nakahanap ako ng kakampi sa kaniya sa palasyong ito.   Tila nabingi naman ako nang sang-ayunan ni lolo ang sinabi ko at sinabi ni Inxs.   “Ganoon ba? Kung iyan ang napagdesisyunan ninyo ay wala na akong magagawa,” sagot nito. “Tapos na akong kumain. Maiwan ko na muna kayo, apo.” Tumayo na ito at nagsimulang umalis.   Nakapagtataka lang na ganoon lang kadaling pumayag si lolo sa naging desisyon ko? Namin? Pakiramdam ko ay may mali ngunit isinantabi ko iyon sa pagbabakasakaling baka dahil na rin sa pag-aalala niya sa akin bilang kaniyang apo. Ngunit minsan niya nang sinabing kapag hindi ako sumunod sa kaniya ay papatayin niya rin ako kagaya ng mga magulang ko. May ginawa kaya si Inxs na hindi ko alam?   “Nitidus…”   Napalingon ako kay Inxs nang tawagin niya ang pangalan ko. Doon lang din naputol ang malalim kong pag-iisip.   “May ginawa ka ba?” tuwirang tanong ko.   “Wala. Nagulat nga rin ako at hindi naman pala ganoon kasama ang iyong lolo.   Kung ganoon ay wala ring alam si Inxs? Isa kaya itong plano? O baka naman nais lang niyang ipakitang mabuti siya upang makuha ang aking loob? Marahil ay ganoon na nga. Kung ganoon ay kinakailangan kong mag-ingat pa nang husto lalo na at hindi ko alam ang kaniyang mga na hakbang laban sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD