CHAPTER 16

1364 Words
Acutus' POV Dahan-dahan akong napamulat ng aking mga mata dahil sa lamig ng simoy ng hanging tumatama sa balat ko. Madilim ang paligid at animo'y nasa loob ako ng isang silid. Dahan-dahan akong tumayo at napansin ko si Immitis na natutulog sa tabi ng tila isang pintuan.   Inalala ko ang mga nangyari ngunit wala akong matandaan. Nakapagtataka tuloy.   "Immitis." Niyugyog ko pa siya kapagkuwan. Kailangan na naming magpatuloy.   "Hhmm... gising ka na pala," sabi niya habang pupungas-pungas pa ng mga mata.   "Anong nangyari?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang kuhanin ang mga gamit niya.   "Huwag mo na alamin. Malamang epekto ng gamot ang paglimot mo sa mga nangyari kanina. Maaalala mo rin iyan mamaya. Kailangan na nating magmadali. Ilang araw na lang ang mayroon tayo," tugon niya sabay sabit ng maliit niyang supot sa kaniyang bewang.   Ilang araw na lang daw ang mayroon kami. Ibig sabihin ay ganoon na rin pala ako katagal na walang nagagawa. Naging pabaya ako. Paano pala kung hindi pa ako nagising? Malamang ay kung ano na ang nangyari kay Nitidus.   Lumabas kami at tumambad sa harap ko ang isang malawak na damuhan ngunit ang kulay nito'y itim at nababalutan ng makapal na hamog. Nilingon ko si Immitis at nabakas ko sa kaniyang itsura ang labis na pagtataka.   "Bakit?" tanong ko.   "Kanina kasi bago tayo pumasok sa kubong ito ay isang malawak na bukal iyan. Kaya nakapagtataka lang na ngayong lumabas tayo ay isang malawak na damuhan na iyan," paliwanag niya.   Hindi na nakapagtataka. Malamang nababalutan ng mahika ang buong lugar na ito. Kaya talagang mahihirapan kaming hanapin ang kuta ng bantay na iyon. Ngunit buhay ni Nitidus ang nakasalalay rito kaya kailangan naming makita iyon.   "Acutus..." muli ay narinig ko ang tinig na iyon, ang Veneficus.   "Magpakita ka! Huwag kang magtago!" sigaw ko.   Napalingon naman si Immitis sa gawi ko at sa isang saglit lang ay nakaramdam ako ng mga kamay na pumatong sa balikat ko. Kaagad ko itong nilingon subalit walang sino man ang nasa tabi ko.   "Hayop ka! Huwag mo 'kong paglaruan!" Sa inis ko ay binunot ko ang baril na lagi kong dala.   "Hindi mo ako mapapatay ng sandatang iyan," at mula sa makapal na hamog ay unti-unti itong nagkorteng tao ay lumitaw sa harap ko. Kaagad ko itong pinaputukan ng baril ngunit kaagad ring tumigil ang bala sa harap ng lalake bago tuluyang bumagsak sa sahig.   "Acutus, sundan mo ako. Bagtasin mo ang diretsong daan patungo sa aking palasyo." Sa sinabi nito ay muli unti-unti itong naglaho at nahawi ang makapal na hamog.   Sa aming harapan ay isang patag na daan ngunit hindi ganoon kadali ang lahat para makadaan dito. Ang kanina'y damong itim na nakalatag ay tila naging mga kutsilyo na may tulis at talim na ngayo'y nakausli at nakaharang sa aming daraanan.   "Mukhang hindi ganoon kadali ang papasukin natin, Acutus," sabi ni Immitis.   "Kahit hindi madali ay kailangan nating kayanin. Hindi ako makapapayag na mapahamak si Nitidus dahil lang sa bwisit na kwintas na iyan." Sa inis ko ay pinasok ko na lang ang bukana ng daanan at nakakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman ang pagkislot ng aking kanang tagiliran at nang mapansin ko ito ay may dugong lumabas mula rito, mayroon ring punit ang damit ko at nang lingunin ko ang dinaanan ko ay laking gulat ko dahil wala na akong nakikitang kahit na ano rito. Tanging itim na usok na lang. Maging si Immitis ay naglaho na rin. "Immitis!" sigaw ko ngunit wala akong narinig na pagtugon mula sa kaniya. Minabuti ko na lang na magdire-diretso ng lakad hanggang sa ilang oras lang ay narating ko rin ang dulo nito subalit punung-puno naman ang buong katawan ko ng mga sugat mula sa mga damong matatalin na yaon. Daig ko pa ang naliligo sa sarili kong dugo sa itsura ko. Ang kulay puti kong damit ay nagkulay kalawang na dahil sa mantsa ng dugo ganoon rin ang suot kong pantalon ay nagkalasug-lasog na. Ipinagdasal ko na lang sa Bathala na sana ay ligtas si Immitis. Napaluhod ako sa sahig sa labis na panghihina. Marami na rin yatang dugo ang nawala sa akin hanggang sa tuluyang bumagsak ang buo kong katawan sa sementadong daan. "Acutus…" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kilala ko ang boses na iyon. "Nitidus…" "Acutus, hindi ka pwedeng mamatay," sabi niya kung kaya kahit hirap na hirap ay pinilit kong bumangon at nakita ko sa aking harapan ang anyo niya. Hindi nga ako nagkamali. Hindi ito isang panaginip. Nasa harap ko ngayon ang babaeng aking sinisinta ng lubos. "Nitidus, paanong?" Nagtataka naman ako dahil parang malabong makarating si Nitidus dito. "Acutus…" nakita ko ang pag-aalala sa maamo niyang mukha at dali-daling humakbang palapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang mga bisig niya na ngayon ay nakayapos sa akin. "Nitidus," at unti-unting bumagsak na lang ang katawan ko sa mga balikat niya. Naramdaman ko naman ang pag-akay niya sa akin papasok sa loob ng isang malaking palasyo at doon tumambad sa akin ang mga gintong kagamitan, mamahalin at antigong alahas, korona, at estatwa. Pumasok kami sa loob ng isang silid at dahan-dahan niya akong inihiga sa isang malambot na kama. Hinubad niya ang duguan kong damit at ang punit-punit kong pantalon hanggang sa wala ng saplot na natira sa aking katawan maliban sa aking pang-ibaba. "Hayaan mong gamutin ko ang mga sugat mo," at pagkasabi ay hindi ko alam kung paano at kailan pa siya nagkaroon ng kapangyarihang manggamot dahil sa isang pagdampi lamang ng kaniyang kamay sa aking mga sugat ay kaagad itong naghilom na animo'y walang nangyari. "Kailan mo pa natutunan ang bagay na iyan?" tanong ko sabay hawak sa kaniyang kamay. "Noong mga panahong binabagtas ko ang lugar patungo rito," tanging tugon niya bago nahiga sa mga dibdib ko. "Nananabik akong makita kang muli Acutus. Ngayong kasama na kita ay wala nang makapaghihiwalay pa sa atin. Kalimutan na natin ang kwintas at manahan na tayo rito ng tayong dalawa lang." "Nitidus, pero--" ang paglapat ng kaniyang hintuturo sa aking labi ang nagpatigil sa aking pagsasalita bago niya unti-unting inilalapit ang kaniyang mukha sa akin. "Acutus, mahal na mahal kita," at sa mga huling katagang iyon ay naramdaman ko na lang ang mga labi niyang nakadampi sa aking mga labi. Unti-unti itong gumalaw kung kaya't hinayaan ko na lang ito hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng pagnanasa kong makapiling siya. Ang kanyang bawat halik ay aking tinutugon. Ang paggalaw ng kaniyang mga labi ay ramdam na ramdam ko. Tila hindi kami nauubusan ng hangin hanggang sa tuluyan na akong bumitiw sa halik na iyon. "Nitidus, mali ito. Hindi pa ito ang panahon para rito. Mas mabuti kung tapusin na muna natin ang lahat ng problema." Bumangon ako sa kama at naupo sa gilid nito. "Ayaw mo ba akong makasama? Ayaw mo bang kalimutan na lang ang lahat at magpakalayu-layo? Dahil ako, pagod na ako, Acutus. Ang gusto ko na lang ang mabuhay ng kasama ka. Hayaan mo na ang kwintas. Tutal naman ay hindi na nila tayo masusundan pa rito." Narinig ko ang pagdaramdam sa tinig niya at naramdaman ko na lang ang mga braso niya sa aking bewang. Humarap ako sa kaniya at nakita ang kanyang mga matang nangungusap sa akin. "Nitidus…" "Please, Acutus…" sa pakiusap niyang yaon ay tila nalimutan ko na ang mga ipinaglalaban ko. Tama siya, mas magiging maayos ang lahat kung hindi na namin pa iintindihin ang kwintas. Tutal nakaalis na rin naman siya sa poder ni Adamas at hindi na kailangan pang isipin ang pagbabalik ko roon at sa mga sandaling iyon at itinulak ko na siyang muli sa kama saka siniil ng halik. "Nitidus, mahal na mahal kita." "Mahal na mahal din kita, Acutus," at naramdaman ko na lang ang init ng mga halik niya. Tila nananabik sa matagal na pagtitiis kaya naman hinayaan ko na lang ang mga kamay kong maglakbay sa kanyang katawan. Hinubad ko ang kaniyang saplot at tumambad sa akin ang hubad niyang katawan. Kaagad kong dinampian ng halik ang kaniyang dibdib habang dinadama ang init ng kaniyang katawan. "Ahhhh!" Kumawala ang mga mahinang ungol mula sa kaniyang bibig. "Nitidus…" bumaba pa ang aking mga halik patungo sa kanyang perlas kung kaya't hinawi ko na ang magkabilaan niyang hita at siniil ng halik ang gitna nito. Naramdaman ko naman ang pagsabunot niya sa aking buhok na siyang lalong nagbigay ng gana sa akin para lalo siyang angkinin hanggang sa marinig ko ang pagtawag ng kung sino sa aking pangalan. "Acutus…"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD