CHAPTER 36

1308 Words
Acutus’ POV   Kasalukuyan akong nakasandal sa ulunan ng kama habang hindi mawaglit sa isip ko ang masamang panaginip. Kung isa iyong masamang pangitain, ipinagdarasal ko na sana ay hindi si Nitidus ang may gawa dahil hindi ko kakayaning isa na namang malapit sa akin ang mawawala at babawiin sa akin ng tadhana.   Napalingon ako sa may pinto nang may pumasok mula roon, si Nitidus.   “Huwag kang mag-alala dahil buhay pa naman ang mga itinuturing mong kaibigan. Salamat na rin sa kanila at natagpuan ko na ang taong matagal ko nang hinahanap,” sabi niya.   Himbis na kumibo ay nanatili lang akong tahimik. Naghihintay ng mga nais niya pang sabihin at iparating sa akin.   “Wala ka man lang bang sasabihin?” Naupo siya sa aking tabi at pinagmasdan ang sarili sa maliit na salaming hawak nito. Hinihimas-himas niya pa ang pisngi kapagkuwan ay ang kwintas naman ang pagtutuunan ng pansin. “Hindi mo man lang ba nais malaman kung sino ang tinutukoy ko?”   “Hindi ako interesado,” matipid na tugon ko.   “Talaga ba? Kahit na sabihin kong siya ang pumaslang sa iyong angkan?” Napakunot ang noo ko at kaagad na napatingin ngayon sa babaeng katabi ko. Nagsisimulang gumulo ang takbo ng utak ko at ang takbo ng lahat.   “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Si Adamas ang siyang may kagagawan ng pagkamatay ng aming angkan,” sabi ko dahil iyon naman talaga ang alam kong totoo.   “Gaya ng sabi ko sa’yo noon, mahal ko. Bulag ka sa katotohanan. Marami ka pang hindi nalalaman at hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ang siyang totoo,” sabi niya.   Nahiga siya sa aking tabi at ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan kung dapat ko pa ba siyang paniwalaan sa lahat ng sasabihin niya gayong parang lahat na lang ng sinasabi niya ay pawang kasinungalingan at pagpapanggap. Ngunit sa pagkakataong ito ay gusto kong malaman kung ano ang bagay na sinasabi niya. Posible kyang sa pagkakataong ito ay nagsasabi siya ng totoo?   “Gusto kong malaman ang nais mong sabihin,” sabi ko. Pumaling naman ito paharap sa gawi ko at pinagmasdan akong maigi sa mga mata. “Sino ang tinutukoy mo?”   “Noong dumating si Adamas sa Praespero ay naroon na ang siyang tinatawag nilang possessor. Unti-unti nitong nilalamon ang buong bayan gayon din ang mga nakatira doon.” Bumangon na ito upang maging magkalebel ang aming mga mata at sa pagkakataong iyon ay alam kong nagsasabi siya ng totoo. “Ang possessor na iyon ay may kakayahang kontrolin ang mga elemento ng ating mundo kabilang na roon ang apoy, hangin, lupa, tubig, maging ang kuryente. Sa tagpong nadatnan nila Adamas ang Praespero ay kalunus-lunos na ang kalagayan nito. Ito ay kasalukuyan nang nababalutan ng nagbabagang apoy. Ang mga gusali ay unti-unting gumuguho at ang mga tao ay pumapalahaw ng iyak habang humihingi ng saklolo. Hindi nila alam kung sino talaga ang possessor na iyon ngunit kamakailan lang ay muli siyang nakita ng mga tauhan ko sa tulong ng mga kinikilalang kaibigan mo,”   “Gusto kong malaman kung sino ang possessor na iyon,” tanong ko. Gusto kong malaman kaagad kung sino ang tinutukoy niya at ganoon na lamang ang pagkagusto niya na malaman ko ang tungkol ditto.   “Ang possessor ay walang iba kung hindi ang kapatid mismo ni Immitis,” diretsong tugon nito. Sa mga oras na iyon ay nagulat ako, ngunit hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinasabi niya gayong paanong mangyayari iyon kung nangyari ang lahat noong mga panahong sanggol pa lamang ako. Masasabi kong totoo ang mga nauna niyang pahayag ngunit hindi na ako sigurado sa ngayon.   HImbis na sagutin ay minabuti ko na lang sarilinin ang mga nasa isip ko. Ayokong pagtalunan pa namin iyon, mas lalo lang gugulo ang lahat. Nahiga na lang ako at humarap sa kanang bahagi ng kama kung saan tanaw ko ang salaming may kaugnayan sa lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon. Mabuti na lang din at hindi na ito muling nagsalita pa bagkus ay naramdaman ko na lang ang braso niyang yumakap sa akin mula sa aking likuran.   “Mahal ko…”   Hindi ko siya pinansin. Nagpanggap na lang ako na natutulog na upang hindi na siya mangulit pa.   Kinabukasan ay nadatnan kong muli si Inxs sa labas ng aming silid. Simula nang mamalagi ako rito ay nasanay na akong sa silid ako ni Nitidus natutulog na siyang lingid naman sa kaalaman ni Inxs.   “Mukhang masyado mo na yatang pinagbubutihan ang pag-angkin kay Nitidus,” sabi nito. Ngumiti pa ito at saka umismid.   “Natatakot ka na bang bigla siyang magbago at tuluyang bumalik sa akin?” pang-aasar ko naman sa kaniya.   “Nakatitiyak ka bang sasama siya sa iyo?” Nabobosesan ko pa rin ang sobra-sobrang determinasyon mula rito.   “Oo naman. Dahil higit kanino man, ako ang mas nakakakilala sa kaniya. Alam ko kung paano ibabalik ang dating kami, at ang dating siya,” ngumiti ako sa kaniya upang makaramdam siya ng inis at hindi nga ako nagkamali dahil kaagad niya akong hinawakan sa kwelyo ng aking damit habang nanggigigil sa galit.   “Kahit na kalian ay hinding-hindi mo na siya mababawi sa akin. Dito siya sa buhay na ito nababagay at ditto na siya mamamatay sa piling ko,” buong diin na sabi nito.   “Maghintay ka lang dahil konting panahon na lang at iiwan ka na rin niya.” Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa kwelyo ng aking damit at tinanggal iyon. Paalis na sana ako upang magtungo sa bulwagan nang marinig ko ang mga bagay na ayaw na ayaw kong marinig mula rito.   “Kahit na kalian ay hindi mo maiaalis ang katotohanang ako pa rin ang nakauna sa kaniya. Wala ka roon noong mga panahong ikaw sana ang nagpapaligaya sa kaniya sa kama himbis na ako!”   Sa galit ko ay hindi na ako nakapagpigil at kaagad na sinuntok siya sa mukha. Pinagsusuntok ko siyang muli hanggang sa tuluyan na siyang bumagsak sa sahig.   “Napakasarap niya nang gabing iyon. Hindi ko akalaing mapapaligaya niya ako nang husto!”   Kaagad kong binunot ang aking baril at itinutok iyon sa kaniya. Nagngangalit ang aking mga ngipin sag alit at handing-handa n asana akong paslangin siya nang dumating si Nitidus at mamagitan sa amin.   “Anong kalokohan ang ginagawa ninyong dalawa dito sa palasyo ko?”   Ngunit himbis na pansinin ay naramdaman ko na lang ang kamao ni Inxs na tumama sa aking mukha. Kaagad akong bumagsak sa sahig ngunit kaagad din akong tumayo at muling itinutok sa kaniya ang hawak kong baril. Halos ilang pulagad na lang ang layo ng mukha ko sa baril na hawak niya na ngayon ay nakatutok rin sa akin.   “Tandaan mo, Inxs. Magpakasaya ka na hanggang may oras ka pa dahil sinisiguro ko sa’yong ako mismo ang siyang kikitil sa buhay mo.” Ibinaba ko na ang baril at tuluyang iniwan ang dalawa. Hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras na lingunin sila. Ang kailangan ko lang ngayon ay makapag-isip upang masiguro ko ang kaligtasan ni Nitidus at nang mga taong malalapit sa akin.   Nang makarating sa bulwagan ay nagpasya akong magtungo sa lagi kong pinupuntahan upang makapagpahinga. Nakatanaw muli sa labas habang pinakikinggan ang pagbagsak ng tubig mula sa bangin. Humugot ako ng malalim na hininga at saka ibinuga ito sa kawalan. Pinagmasdan ko ang kalangitan at inalala ang mga napag-usapan namin ni Nitidus nang nagdaang gabi. Kung may katotohanan ang lahat ng sinabi niya, posible kayang alam na rin ni Immitis ang lahat ng iyon? Kung ganoon, paano naming magagawang harapin ang isa’t isa kung ganoong alam kong ang kapatid niya ang pumaslang sa aming angkan? Nakatitiyak akong malulungkot siya nang husto kapag nalaman niya ang lahat. Bagay na hindi ko lubos matanggap na makita mula sa kaniya.   Tila nagitla pa ako nang maalala rin ang bilin ni Gaza sa amin noon at doon ko lang naintindihan ang mga bilin nito sa akin, sa amin ni Nitidus. Kung ganoon ay sa una pa lang ay alam niyang darating ang araw na ito, ang araw na magbabago ang kapalaran naming dalawa ni Nitidus at magkakalayo ng tuluyan ang aming landas.   “Konting panahon na lang, Nitidus. Mababawi na rin kita.”                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD