Chapter 15

1457 Words
It was a fine day at sakto na rin para kumain nang tanghalian. Mauuna nang isang oras rito sa Korea kumpara sa Pilipinas kaya paniguradong nagluluto pa lamang si Mama roon. Tiningnan ko itong kasama ko habang tahimik na kumakain. Niyaya niya akong kumain ng Tteokbokki na hindi ko naman tinanggihan. Street foods nga sa Pilipinas hilig ko kaya hindi ko uurungan ang street foods sa Korea. Naupo kami sa isang komportableng pwesto kung saan ay nakaharap kami sa malawak na ilog. “You’re Maxim, right?” panimulang tanong ko bilang pagbubukas ng pag-uusapan habang kumakain. Nang malunok niya ang kaniyang nginunguya ay sinagot niya ako. Sabi niya, “Yes. How did you know?” Hindi ako sumagot bagkus ay tiningnan ko ang papel na kaniya pa ring hawak-hawak kaya’t napatango siya. Agad niya iyong naintindihan. Nakasulat kasi ang pangalan niya sa papel na iyon. “Ah. This,” sambit niya sabay tingin sa papel. “Why are you here in Korea by the way?” biglang tanong niya. Bago sumagot ay linunok ko muna ang aking nginunguya. Bahagya akong napasipol dahil sa anghang. Habang pinupunasan ang gilid ng aking labi, sabi ko, “Short vacation. I won a 7-day-trip here in a school debate. A good prize to take a break from stress in school and... and everything.” Ngumiti siya. Ang aliwalas ng mukha niya. Nakakainis kasi ang sarap niyang titigan. “Really? Well, they got you the right place to rewind and relax,” aniya sabay tingin sa ilog. Tama naman. Ang ganda kasi rito. Napatango pa ako saka pumaling sa kalawakan ng ilog. Paglingon niyang muli sa akin ay muli siyang nagbato ng tanong. “Are you... single?” tanong niya. “Just wanna know.” Nagulat ako roon nang bahagya kaya nasamid ako. Tila sinundot din ang puso ko kasi para iyong tumalon dahil sa tanong niya. Ngumiti ako bago ko siya sinagot. Wala naman sigurong masama sa tanong niya at kung sasagutin ko iyon? “I am,” sagot ko habang tumatango. “I’m single. You? How about you?” Ngumiti siya bago muling nagsalita. Mayamaya’y iwinagayway din niya ang hawak niyang papel kaya natutop ko ang aking bibig. Oo nga pala. Naalala ko ang nakasulat doon. Sumandal siya sa upuan saka bumuntong-hininga. “Honestly, it took me a long time to visit here again. I’m here to find someone because last summer, I met a fine girl here in Korea,” aniya. “Really?” namamangha ko namang sabi. “What happened then?” “Um...” Bigla niyang tiningnan muli ang papel. Sabi niya, “When we met at my last day last summer, she gave me this note. It was actually my 23rd birthday that time. Unfortunately, I’ve lost this note, but I’ve found it recently. I’ve been trying to translate it myself, but as you see, I haven’t managed to do it. Honestly, I think I know now what’s the meaning of this note she gave me.” It was nice that he had a little hint, pero nakakalungkot kasi hindi iyon masayang basahin. “What do you think?” tanong ko na lamang. He shrugged. “I’m just guessing, but I think it’s a farewell note since she just got married today. So basically, I’m single too.” Ewan ko pero parang may tumusok sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ngayon ay mas naintindihan ko na ang nakasulat doon. Pilit akong napangiti dahil sa isang pinagtagpo ngunit hindi tinadhanang kuwento na naman ito ng isang babae at lalaki. “Take care and always be healthy, Maxim. I’m sorry,” sambit ko saka muling sumubo ng Tteokbokki. “Huh?” “It’s the English translation of what’s written on the paper.” “Ah.” Yumuko siya saka umiling-iling. Tinitigan pa niya ang papel bago muling tumingin sa akin. “I thought it was a love letter at first,” he barely laughed. “I’m so stupid.” False alarm. Bigla akong nalungkot para kay Maxim. Sana naging honest na lang iyong babae at sinabi na lang niya ang totoo. Hindi iyong magbibigay ng motibo tapos sad ang ending. “I feel bad for you. It’s just so sad.” Tinapik ko ang kaniyang braso bilang pakikiramay sa sawi niyang puso. Dagdag ko, “Cheer up! Try to make new things amd memories here in Korea!” Bumuntong-hininga siya saka umiling. Pagkakuwa’y ngumiti rin. “I’m fine. I can’t change anything though. It’s just a sign that she’s not the one for me,” sabi niya. Napailing ako dahil naaalala ko ang nangyari sa akin. Isa rin akong sawi sa pag-ibig noon. “Akala ko nagkaintindihan na tayo before. I told you not to fall for me.” Malungkot ang naging tono ng kaniyang boses. Mas lalo iyong nakapagbigay ng kaba at takot sa akin. Takot na baka ito ang una kong maging kabiguan sa pag-ibig. “Ano ba kasing dahilan? Bakit ayaw mo? Hindi ba puwede? ‘Di ba single ka?” sunod-sunod kong tanong. “Bakit? Bakit ang bait mo sa akin? Bakit—” “Didn’t I tell you that you resembled my younger sister?” Parang may lumukot ng puso ko dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, para nga raw pala akong kapatid para sa kaniya. Ngumiti ako pero mapakla iyon. “Hanggang doon na lang? Ganoon na lang iyon?” I knew I sounded so desperate na parang siya na lang ang lalaki rito sa mundo. Pero siguro kahit sa huling pagkakataon, I deserved to know the reason why he couldn’t allow me to like him. “Why so stubborn?” Bahagya akong nagulat nang pagalit niyang sabihin iyon. Hindi ko masabi kung ano ang eksaktong iniisip niya pero alam ko, nasasaktan ako. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa mahinang paghikbi. “Alam kong duktor ka pero hindi ko kayang sundin ang bilin mo kung tungkol na sa feelings ko! Ano’ng magagawa ko? Na-developed, e!” pasigaw kong tugon. “Ayaw mo ba sa katulad ko? Bakit? Kasi bata ako? Hindi ako ang tipo mo? Wala ako sa standards mo?” “No.” Naging mabilis ang sagot niyang iyon sa akin. “Siguro kung nakilala kita years ago before I met my deceased wife and before I get ordained, baka ako na mismo ang nanligaw sa iyo. I don’t care about the age gap as well, but we can’t be together, Calli. That’s why I warned you.” Halos hindi ma-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na ganito na pala iyong pakiramdaman na halos pagbagsakan ka ng langit at lupa dahil sa mga pangyayari at mga nalaman mo. Sa dami ng sinabi niya, iisa lang ang pumasok sa utak ko. “So hindi tayo puwede?” Labag iyon sa kalooban ko. Sobrang bigat sa pakiramdam na sabihin na hindi talaga pala kami puwede. Na kahit siguro ano’ng gawin ko, walang magiging resulta kung hindi kabiguan. “Believe me, Calli. I already tried to tell you about this pero sa tuwing sasabihin ko, hindi matuloy-tuloy. Forgive me, I didn’t mean to hurt you. I... I’m really sorry.” Napasipol ako ulit hndi dahil sa anghang, kung hindi dahil sa pangit na alaalang tumatakbo ngayon sa isip ko. Una sa lahat, dapat kinakalimutan ko na ang nakaraan! “Tama. Hindi talaga sila para sa atin,” naibulong ko na lang na sa palagay ko ay hindi na umabot sa pandinig ni Maxim. “Anyway, I don’t know your name yet.” Nabaling muli ang atensyon ko kay Maxim. Nakatingin siya sa akin ngunit iba na ang hitsura niya. Ang ibig kong sabihin ay parang na-reset ang lahat sa ekspresyon niya. Nakangiti siya pero hindi napipilitan. “Oh,” bulong ko saka siya nginitian. “I’m Calli. Calli Silvallana.” “A Filipina, right?” sambit niya saka ngumiti nang malapad. “Yes,” sagot ko na may pagtango pa saka ko siya tinitigang maigi. Mukha kasing may gusto siyang sabihin. “This is random, okay? Don’t take it as a big deal, but what... what do you think about Russian guys?” Complicated mahalin, naisip ko habang nakatingin lang sa kaniya. Dagdag niya, “Would you like to date a Russian guy... like me?” Agad akong nasamid dahil doon. Wait, what?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD