Chapter 14 - Summer Written Note

1275 Words
Dalawang taon na ang nakalilipas. Wala namang nagbago maliban sa naging subsob ako sa pag-aaral matapos kong masaktan. Masuwerte nga ako dahil nanalo ako ng 1 week trip to South Korea the last time I won in a school debate. Ang galing lang kasi big time ang prize! Bunga siguro iyon ng matinding pagsusunog ko ng kilay at pagiging brokenhearted. I guess. “Calli?” Nilingon ko si Mama na nakasilip sa pinto ng aking kuwarto. “O, Ma? Bakit po?” sabi ko habang nagsusuot ng sapatos. Handa na ang lahat para sa pag-alis ko. “Mag-iingat ka sa South Korea. Sigurado ka bang magiging maayos ka lang na mag-isang pupunta roon?” tanong niya habang naglalakad palapit sa akin. “Ayaw mo na talagang ihatid kita sa hotel?” “Mama, ayos lang ako. Ako na lang, sayang ang pamasahe. Saka doon naman nakatira si Lola Yumi sa Korea, e. Natatandaan ko pa ang daan at kung paano makakapunta roon. Doon agad ako didiretso pagkarating ko doon,” sambit ko saka siya nginitian. Siyempre, joke lang iyon. Maglalakwatsa muna ako bago ako pumunta sa Itaewon kung saan naninirahan si Lola Yumi. I was 18 nang una akong makarating doon kaya natatandaan ko pa kahit papaano. Si Lola Yumi ay kapatid ni Nanay Yuri, ang biological mother ni Mama. Since si Mama ay unica hija ni Nanay Yuri na maagang namatay dahil sa colon cancer, Lola Yumi took care of my mother since she was 11. Lola Yuri became widow even before she had my mother. About South Korea, Lola Yumi married a Korean citizen. Doon na sila nanirahan sa Itaewon sa South Korea nang makapag-asawa na si Mama dito. Pagkatapos ng ilan pang paalala mula kay Mama ay bigla namang sumulpot si Line. As usual. “Calli!” naghuhurumentadong tawag sa akin ni Line habang tumatakbo papalapit sa akin. “Calli, huwag kang umalis!” Bago pa niya maipulupot ang mga braso niya sa katawan ko ay napigil ko na iyon nang tampalin ko ang noo niya. “Ang ingay mo,” reklamo ko. Habang nakanguso ay kaniyang sinabi, “Pasalubong ko ha?” Ngumiti naman ako. “Anong pasalubong?” “Oppa.” Napangiwi ako sa sinabi niya. Oo nga pala, K-Pop fan si Line. Unan, tumblers, posters, comforter, puro yata mukha ng Korean idols. “Standee, okay na?” Mas lalong humaba ang nguso niya kaya natawa ako pati na rin si Mama. Kapagkuwa’y lumingon ako kay Mama. “Mama, ingat kayo rito. Isang linggo lang naman ako roon e,” sabi ko sabay baling kay Line. “Line, bisitahin mo si Mama rito, ha?” Tumangu-tango naman siya. Bago ako tuluyang umalis ay nagyakap muna kaming tatlo. South Korea, please be good to me! It was a hot summer in July at Seoul, South Korea that moment. Paglapag ko sa South Korea ay dumiretso agad ako sa Yeouido Hanggang Park upang pagmasdan ang kagandagan ng Han River, isang sikat na ilog dito sa Seoul. People would visit here for biking, for cherry blossom in late April or early May. Running, dating, family picnic, for walking dogs, yachting, or ice-skating in winter. But most people would go here to eat. Dalawampu’t tatlong taon na ako rito sa mundo at masuwerte akong napuntahan ko na ang bansang minsa’y pinangarap ko lang na makita at malibot. Sa saglit na pagpikit ng aking mga mata upang damhin ang pabugsu-bugsong simoy ng hangin ay agad akong napamulat nang may isang pirasong papel na sa aking binti’y tumapal. Bahagya naman akong yumuko upang kunin iyon. “Ano ‘to?” bulong ko sa aking sarili saka ineksamin at binasa ang nakasulat roon. Dagdag ko, “Korean characters na nga, ang pangit pa ng sulat. Ang hirap tuloy basahin.” Minsan ko na ring tinangkang mag-aral ng Hangeul dahil sa Korean drama. Natuto naman ako... nang slight. Kalaunan ay nagawa ko namang iyong basahin nang ilang segundo pa’y may biglang sumigaw. “Izvinite!” Excuse me! Isang wikang Russian ang maya-maya’y aking narinig. Minsan na rin akong nakarinig ng ganoong lenggwahe at hindi ako maaaring magkamali. Isa pa, minsan ko na ring tinangkang pag-aralan ang lenggwaheng iyon at sa kabutihang-palad nama’y natuto na rin ako nang bahagya. Dahil doo’y naalala ko ang isang taong kalahating Russian na nakilala ko dalawang taon na ang nakararaan. Sa dami ng lahi sa mundo, bakit kailangang Russian? Hinanap ko iyon at paglingon ko sa gawing likuran ko ay doon ko nakita ang isang lalaking kumakaripas nang takbo patungo sa akin. Binata. I guess? Maputi siya’t halos magkulay rosas ang kaniyang balat habang nasisinagan ng araw. Nakasuot rin siya ng isang kulay asul na Hawaiian polo shirt, khaki shorts at sa tantiya ko’y anim na talampakan ang kaniyang taas. Nang makalapit siya sa akin ay kaniya pang sinabi, “Stoy.” Stop. Sapo niya ang kaniyang dibdib at habol ang kaniyang hininga. Sino ba namang hindi hihingalin sa pagtakbo? “Zdravstvuyte,” Hello, bati ko sa kaniya. Mabuti na nga lamang at kahit papaano ay may nalaman na ako tungkol sa wikang ito. “Kak ya mahgoo vahm pahmohch?” How can I help you? Bahagya namang kumunot ang kaniyang noo. “Vy govorite porusski?” You speak Russian? tanong niya. “Da, nemnogo,” Yes, a little, sagot ko naman. Basic lang ang alam ko. Kung matatanong pa siya ng iba ay baka hindi ko na iyon masagot pa. “English?” “Oh, yes,” tatango-tango ko pang sagot. “Better, so you can be comfortable.” Napangiti ako dahil fluent din siya sa Ingles. Nang makabawi na siya nang lakas ay saka siya tumayo nang maayos. Sa tangkad niya’y halos tingalain ko na siya. “Um... can you please,” sabi niya saka tumingin sa aking kamay, “hand me the sheet?” “Ha?” “I mean, the paper,” nahihiya-hiya pa niyang ulit. Nang mapatingin ako sa aking kamay ay naalala kong may hawak nga pala akong papel na nilipad sa aking gawi kanina. “So this is yours? You rushed going here just for a piece of paper?” tanong ko habang iniaabot sa kaniya ang papel. “Yeah, actually,” he answered, scratching his forehead, “it’s perhaps a big embarrassment for me if you see what’s written here.” “But I saw and read it already,” nangingiti kong sabi. His lips parted open upon hearing what I said. He asked, “You can understand Hangeul as well?” Nagkamot pa siya ng kaniyang batok na animo’y nahihiya. Tumango naman ako. “It’s pretty messed up, but I understand it,” sabi ko. Bigla siyang napabuga ng hangin sabay napatitig pa siya sa ibang direksyon. Dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataong titigan siya. Mukha siyang anghel na may problema. Mukha siyang nag-aalala. Sa kabila niyon ay napansing ko ang malaking kaibahan ng aming kulay. Nakakahiya ang kulay ko sa kaputian niya. Ibang klase ang pagkaguwapo niya, charismatic. “Why?” untag ko kaya muling bumalik ang tingin niya sa akin. “Ah.” Ngumiti siya. Pati ngiti niya, nakakadala. “You’re the first person who happened to know what’s written here.” Dahil sa bahagyang pagkagulat ay napaturo ako sa aking sarili sabay sabing, “Ako... pa lang?” “What?” Ngumiti na lang ako nang hindi niya ako naintindihan. He had this beautiful and attractive eyes na agad na humuli sa atensyon ko. Another stranger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD