Chapter 13

1694 Words
Ito na siguro ang araw na nakatakda para malaman niya ang nararamdaman ko at kung ano talaga ang nangyari sa kanila ng dati niyang asawa. “I like you. Hindi, mali. Mahal na kita, Doc.” Halata sa mukha niya ang pagkagulat matapos kong umamin sa kaniya. Malamang ay hindi niya talaga inaasahan na magco-confess ako sa kaniya. Ilang segundo rin siyang napatitig sa akin bago siya muling nakapagsalita. “I like you, Gaara,” ulit ko pa. Pansin ko kasing natuod siya. “Calli, listen to me.” Sa tono ng boses niya ay parang may mahalaga siyang dapat sabihin. “Bakit?” tanong ko kasabay ang pagkunot ng aking noo. “Ayaw mo ba sa akin? Ayaw mo dahil sa age gap natin?” Muli niyang hinawakan ang magkabila kong braso saka niya ako tiningnan sa aking mga mata. “No, it’s not like that, Calli.” “So ano’ng ibig mong sabihin?” Parang may construction sa loob ng dibdib ko. Sobrang ingay ng puso ko at sobrang kumakabog iyon ng mga oras na iyon. Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. “Honestly, I didn’t expect this from you.” I couldn’t help, but to squint my eyes. Sagot ko, “Alin? Na aamin ako sa iyo?” Tumango siya. “Akala ko nagkaintindihan na tayo before. I told you not to fall for me.” Malungkot ang naging tono ng kaniyang boses. Mas lalo iyong nakapagbigay ng kaba at takot sa akin. Takot na baka ito ang una kong maging kabiguan sa pag-ibig. “Ano ba kasing dahilan? Bakit ayaw mo? Hindi ba puwede? ‘Di ba single ka?” sunod-sunod kong tanong. “Bakit? Bakit ang bait mo sa akin? Bakit—” “Didn’t I tell you that you resembled my younger sister?” Parang may lumukot ng puso ko dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, para nga raw pala akong kapatid para sa kaniya. Ngumiti ako pero mapakla iyon. “Hanggang doon na lang? Ganoon na lang iyon?” I knew I sounded so desperate na parang siya na lang ang lalaki rito sa mundo. Pero siguro kahit sa huling pagkakataon, I deserved to know the reason why he couldn’t allow me to like him. “Why so stubborn?” Bahagya akong nagulat nang pagalit niyang sabihin iyon. Hindi ko masabi kung ano ang eksaktong iniisip niya pero alam ko, nasasaktan ako. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa mahinang paghikbi. “Alam kong duktor ka pero hindi ko kayang sundin ang bilin mo kung tungkol na sa feelings ko! Ano’ng magagawa ko? Na-developed, e!” pasigaw kong tugon. “Ayaw mo ba sa katulad ko? Bakit? Kasi bata ako? Hindi ako ang tipo mo? Wala ako sa standards mo?” “No.” Naging mabilis ang sagot niyang iyon sa akin. “Siguro kung nakilala kita years ago before I met my deceased wife and before I get ordained, baka ako na mismo ang nanligaw sa iyo. I don’t care about the age gap as well, but we can’t be together, Calli. That’s why I warned you.” Inalis ko ang mga kamay niyang humahawak sa mga balikat ko. Daig ko pa ang tinambakan ng sauluhing mga batas sa sinabi niya. “Deceased? Ordained? Ano? Hindi kita maintindihan.” Naguguluhan ako. Hindi ko agad magawang ipasok lahat sa isip ko iyon. Masyado akong nasasaktan sa ideyang hindi magawang ibalik ni Gaara ang nararamdaman ko para sa kaniya. “May asawa na ako bago ako naging pari, Calli. I was an Orthodox priest.” Nagpanting ang tainga ko. “Priest?” bulalas ko. “Niloloko mo ba ako? Puwede mo namang sabihin nang diretso sa akin na ayaw mo sa akin, hindi iyong... hindi iyong ganito na gumagawa ka pa ng kuwento,” nauutal ko pang sabi saka ako napaurong palayo sa kaniya. “Calli, I’m telling you the truth. I’m widowed, but I really can’t remarry, Calli,” aniya pa. Tiningnan niya ako nang may pag-aalala sa kaniyang mga mata. “It won’t make sense kung magkakagusto pa ako sa babae if I can’t marry her in the end.” Parang may bumara sa lalamunan ko. Halos mag-echo sa utak ko iyon. Ano ba’ng sinasabi niya? Priest? Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtakbo nang tama ng aking utak. Nangingilid na rin muli ang aking mga luha at kaunti na lang ay babagsak na muli iyon mula sa aking mga mata. “I am a licensed Gynecologist for three years before I realized my true calling as a priest. I once had a wife before I got ordained, but she already passed away two years ago because of cervical cancer. Hindi ako nagkaroon ng anak sa kaniya even though we tried to have one.” Hindi na ako nakapagsalita habang nakatitig sa kaniya at pilit na inuunawa ang mga sinasabi niya. Parang minamaso ang puso ko. “I was a married man before I got ordained. And under Orthodox rules, a non-celibate priest like me cannot remarry and remain as priest, even if the wife dies.” Halos hindi ma-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na ganito na pala iyong pakiramdaman na halos pagbagsakan ka ng langit at lupa dahil sa mga pangyayari at mga nalaman mo. Sa dami ng sinabi niya, iisa lang ang pumasok sa utak ko. “So hindi tayo puwede?” Labag iyon sa kalooban ko. Sobrang bigat sa pakiramdam na sabihin na hindi talaga pala kami puwede. Na kahit siguro ano’ng gawin ko, walang magiging resulta kung hindi kabiguan. “Believe me, Calli. I already tried to tell you about this pero sa tuwing sasabihin ko, hindi matuloy-tuloy. Forgive me, I didn’t mean to hurt you. I... I’m really sorry.” “Dapat pinilit mong ikuwento iyan sa akin noon pa, Gaara! Dapat hindi lang warning ang ginawa mo, dapat pinagbawalan mo ako nang todo!” humihikbing sisi ko sa kaniya. “Hindi mo sinabing nakakamatay pala ang dahilan mo kung bakit ayaw mong mahulog ako sa iyo. Nakakamatay sa sakit sa puso...” Hindi siya nakaimik. Kita ko rin ang pamumula ng kaniyang mga mata pero wala akong pakialam. Sinaktan niya ako! “I loved my wife so dearly before and to tell you honestly, for the past years, nagkagusto ulit ako sa isang babae. But I can’t love her dahil hindi ko siya magagawang pakasalan,” halos pabulong niyang sabi. I knew it was me pero wala na iyong silbi kung hindi pa rin puwede. Umiiyak akong tumalikod sa kaniya. Lumakad ako palayo kahit mabagal, kahit malabo ang paningin ko dahil sa tubig sa aking mga mata. After that day, hindi na ako nagpakita pa kay Gaara. Wala na rin namang dahilan. Isa pa, two weeks na ang nakalilipas at nakabalik na rin siya sa Russia. “Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, Calli! Talaga? Pari ang isang iyon? Tapos ang complicated pa ng Orthodox rules na sinasabi niya. Ano nga ulit?” aniya sabay tingin sa kaniyang telepono. Nanahimik siya habang kinakalikot iyon na parang may hinahanap. Naibaba ko naman ang hawak kong maliit na dictionary saka napabuga ng hangin. Russian-English dictionary iyon na binili ko noon pa. For the record, naunang dumating ang dictionary na iyon kaysa kay Gaara kaya walang kinalaman ang pag-aaral ko ng Russian sa Filipino-Russian na duktor na iyon. Umiling ako. Dapat kinakalimutan ko na iyon! “Ito,” sabi niya makaraan ang ilang segundo. “Ayon kay Gogol, Orthodox priests consist of both married clergymen and celibate clergymen. In the Orthodox Church, a married man maybe ordained to the priesthood. His marriage, however, must be the first for both him and his wife. If a single, or unmarried, or celibate, man is ordained, he must remain celibate to retain his service. A non-celibate priest cannot remarry and remain a priest, even if his wife dies. Widowers who remain celibate can become bishops, but that's happened just once.” Wala akong naintindihan. Basta ang alam ko, paulit-ulit pa rin sa utak ko na nasaktan ako dahil hindi pala kami puwede ni Gaara. Dagdag pa ni Line, “Sa Tagalog, kapag ang isang binatang lalaki ay naordinahan na, hindi na siya puwedeng mag-asawa. Kapag naman ang lalaking may asawa na ay naordinahan bilang pari at namatay ang kaniyang asawa, hindi na siya puwedeng mag-asawa ulit. Ang gulo! Bakit naman ganoon? Pero hayaan mo na, 21 ka pa lang naman, e at 2014 pa lamang ngayon. Marami pang panahon.” Tiningnan ko si Line na ngumunguya ng sitsiryang kinuha niya sa drawer ko. Agang-aga ay nangugulo na agad siya sa aking kuwarto. Paano kasi ay kinulit ako nang husto tungkol kay Gaara. “Huwag ka ng tsismosa, okay? Ang dami mong sinasabi e,” sambit ko saka humagilap ng unan saka iyon niyakap habang nakasampa sa ibabaw ng aking kama. “Saka akala ko ba, crush mo lang siya? Ayaw mong mag-asawa, ‘di ba? Bakit malungkot ka ngayon? O talagang nagbago na ang isip mo?” Inirapan ko na lamang siya bago lumingon sa bintana. Hindi ko kasi sinabing nahulog ako nang husto sa duktor na iyon kaya akala niya, simpleng crush lang ang naramdaman ko. “Basta huwag mo na lang sabihin kay Mama. Kapag nagtanong kung ano nang nangyari, ang sabihin mo, hindi ko siya type. Ganoon lang kasimple.” “Hindi type? Kaya pala parang kinagat ng ipis iyang mga mata mo dahil sa kaiiyak—” Agad akong lumingon sa kaniya saka siya sinamaan nang tingin. “Gusto mo ng friendship over?” Umiling naman ang gaga. Napabuntong-hininga ako. Dalawampu’t isang taong gulang pa lang ako at unang beses akong nakaramdam nang ganito tungkol sa isang lalaki. Isang pesteng heartbreak sa isang relasyon hindi naman nasimulan. Masakit. Pero wala akong magagawa dahil ang pinili niyang tahakin sa buhay ang dahilan kung bakit hindi ko na siya maaari pang mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD