“Good morning.”
Naalimpungatan ako sa bulong na iyon sa akin ni Sebastian. Ang bigat ng pakiramdam ko pero hindi ko na iyon ininda pa. Agad naman akong napangiti nang maramdaman ko pa ang paunti-unti niyang paghalik sa aking leeg at sa aking batok pababa sa aking hubad na likod.
Nakatalikod ako sa kaniya kaya’t ramdam ko ang kaniyang hininga.
“How are you? Did you have fun last night?” tanong niya sa garalgal niyang boses kasabay ang isa pang halik sa aking pisngi.
Nang pumihit ako paharap sa kaniya’y tumambad sa akin ang hubad niyang katawan. Matipuno siya at talaga namang may angking kaguwapuhan kaya naman ay paborito siya ng aking mga mata.
Nginitian ko siya na nagpapakitang sumasang-ayon ako sa kaniyang sinabi. Tunay na masaya nga ako kagabi dahil bukod sa siya ang aking kasama ay ramdam na ramdam ko na pareho kami ng pagtingin para sa isa’t isa.
“Of course,” nakangiti kong tugon sabay tango saka inabot ang kaniyang mga labi upang ito’y halikan.
Pagkatapos niyon ay nakita ko ang malaki niyang pagngisi dahilan para hampasin ko ang bandang dibdib niya.
“What are you thinking, huh?” tanong ko habang nagpipigil ng aking pagtawa.
Bago niya ako sagutin ay agad niyang isinubsob ang kaniyang mukha sa aking dibdib. Dahilan iyon para bahagya akong mapaungol sa kiliti.
“Sebastian!”
Pagtunghay niya ay agad kong sinapo ng magkabilang palad ko ang kaniyang mukha.
“Do you want another round, Calli?”
Napakurap ako nang ilang beses. “W-what?” namimilog na mga matang usal ko.
“Why? It’s still early. We can still,” aniya sabay patong sa aking ibabaw, “do more rounds. What do you think?”
“You are insane!” natatawa kong sabi bago nanumbalik sa aking isip ang mga nangyari kagabi.
All he did last night was to give me a pure pleasure that I had never experienced before. He was my first. Sa kaniya ko unang ibinigay ang buong ako.
Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago niya ako siniil ng kaniyang halik na agad ko rin namang tinugon.
Sino ba’ng makakahindi sa isang Sebastian Weiss na isang attorney, political commentator, isang jurist, at may-ari ng isang Law Firm sa New York?
Ngunit makalipas ang isang linggo matapos niyang bumalik sa New York ay hindi na siya nagparamdam pa sa akin.
Tinapos niya ang ugnayan namin sa isang email na ipinadala niya sa akin na nagsasabing hindi naman talaga niya ako mahal at mayroon na siyang planong pakasalang ibang babae doon.
Naging mitsa rin iyon upang mawalan ako ng pokus sa korte noong panahong may nililitis na kaso.
Dinamdam ko ang pang-iiwan niya pero mas dinamdam ko ang lahat ng nawala sa akin; oras, effort, pati p********e ko. Ni hindi ko iyon nabanggit sa aking mga magulang, ni kay Line man. Nanghihinayang ako at naiinis sa sarili ko. Hindi ko mahagilap ang sagot kung bakit iniiwan ako gayong naibigay ko na naman ang lahat.
Isinuko ko na ang lahat-lahat pero naisip ko, para akong batang walang sariling pag-iisip. Matanda na ako, naturingan pang abogado pero hindi ko ginamit ang utak ko.
Pagkatapos ng ilang linggong pag-iyak ay sinabi ko na sa sarili kong huwag na agad papatol sa lalaking kakikilala pa lamang. Kahit ilang beses ko nang binigo ang sarili ko sa mga katagang iyon ay muli ko iyong sinabi. Nakakapagod din pala.
Naging masaya ako noong mga panahong kasama ko siya at hindi ko pinagsisihan kung anuman ang nangyari sa aming dalawa. Ang tanging hiling ko na lang, sana ay hindi rin mauwi sa isang April Fools ang relasyon nila ng babaeng pinili niya.