“Mag-iingat ka riyan, Ma. Paalis na rin ako mamaya. Ibibilin ko na lang kay Line itong bahay natin mamaya,” sabi ko kay Mama sa tawag.
“Marami naman kami dito sa camp. Narito din si Tita Lily mo. Ayos lang kami. Basta mag-iingat ka. Hindi ka na siguro maliligaw.”
Natawa naman ako. “Opo, sige na. Enjoy!”
Ibinaba ko na ang tawag bago huminga nang malalim. I was inside my room folding my clothes when my eyes landed on a Sunflower enjoying the morning sunlight outside. Just as I stared at it through the transparent window of my room, a butterfly suddenly appeared flapping its wings around its petals. I smiled.
If ever there was magic powder, it was that iridescent glow of the butterfly wings. It casted a spell on my eyes so that my soul would be brought into the moment with a fullness, but with such apparent reason, my smile faded.
“What’s with the long face?”
Sa pagbukas ng pintuan ng aking kuwarto ay nakita ko agad si Line. Nakataas ang kaniyang kilay habang may nakasalpak na lollipop sa kaniyang bibig.
Napabuntong-hininga na lang ako saka ko sinabing, “Wala. May naalala lang ako.” Bahagya ko siyang nilingon.
“Anong ginagawa mo rito nang ganitong kaaga?” dagdag ko. Umagang-umaga kasi ay nangangapit-bahay na naman siya rito sa amin. Wala nang pinagbago.
“Sus! Masama bang bumisita sa kaibigan? Isang bakod lang naman ang layo ng bahay ninyo sa bahay namin e,” sagot naman niya. “Hindi ka na nasanay.”
“Araw-araw ka nang bumibisita.”
“Ayaw mo na ba akong makita, Calli?”
“Ewan ko sa’yo, Line.”
Hindi ko na siya pinansin. Maya-maya pa’y nilapitan niya ako saka umupo sa gilid ng aking kama.
“Alam ko na!” bulalas niya.
“Ano na naman?”
“Iniisip mo si Sebastian, ano? Iyong oh-so-perfect guy na isang bigating lawyer sa New York? American nga ba iyon?”
“American na may one-forth na lahing Russian. Dad niya ay American tapos ang mommy naman niya ay half American at half Russian,” mabilis na sagot ko.
Ngumisi siya. “Alam na alam, a. E, brand ng brief niya, alam mo rin?”
“Calvin Klein—letse.”
Doon ko lang napagtanto na wala ako sa sarili ko habang sinasagot nang tama si Line na ngayon ay malakas na tumatawa.
“Seryoso? Calvin Klein ang brief ni Sebastian? Nakita mo?” panay na tanong niya habang natatawa.
Bahagyang bumagal ang pagtitiklop ko ng aking mga damit dahil doon. Napakagat-labi rin ako bago ko siya tiningnan.
“Si Sebastian?” biglang maang na tanong ko. Para tuloy akong engot nito.
“Ay, biglang gano’n? Oo.” Tumigil naman siya sa kaniyang pagtawa. “Sino pa ba’ng Sebastian ang tinutukoy ko? Syempre ‘yong guwapo mong manliligaw. Ano na ba’ng nangyari sa inyo? Late-twenties ka na, kailan mo ba balak mag-asawa? Twenty-seven ka na, para dama.”
Dahil doon ay bumalik ang alala ko kung paano ko siya nakilala.
Hindi ko naman inakalang magkakaroon ng chemistry sa pagitan namin ni Sebastian na aksidente ko lang na natapunan ng kape noong mga panahong lutang ang aking isipan dahil sa kasong hawak ko.
Nasa isang coffee shop kasi ako noon at habang naglalakad ako pabalik sa aking table ay nabangga ko siya.
He really looked familiar to me at doon ko napag-alamang siya nga iyong sikat na lawyer sa New York na kilala rin dahil sa paghawak ng mga high-profile legal cases. Since he was alone that moment, he invited me to join him on his table. Unexpectedly, doon kami nagsimula at kalaunan ay nagkapalagayan na agad kami ng loob sa isa’t isa.
Gentleman at sweet. Narito siya for a short visit sa kaibigan niyang lawyer din.
“Good morning.”
Naalimpungatan ako sa bulong na iyon sa akin ni Sebastian. Agad naman akong napangiti nang maramdaman ko pa ang paunti-unti niyang paghalik sa aking leeg at sa aking batok pababa sa aking hubad na likod.
Nakatalikod ako sa kaniya kaya’t ramdam ko ang kaniyang hininga.
“How are you? Did you have fun last night?” tanong niya sa garalgal niyang boses kasabay ang isa pang halik sa aking pisngi.
Nang pumihit ako paharap sa kaniya’y tumambad sa akin ang hubad niyang katawan. Matipuno siya at talaga namang may angking kaguwapuhan kaya naman ay paborito siya ng aking mga mata.
Nginitian ko siya na nagpapakitang sumasang-ayon ako sa kaniyang sinabi. Tunay na masaya nga ako kagabi dahil bukod sa siya ang aking kasama ay ramdam na ramdam ko na pareho kami ng pagtingin para sa isa’t isa.
“Pero hindi pala,” bulong ko. “Nakakapagtaka lang kasi halos may iisang lahi sila kung saan nagkakapareho.”
Russian.
I knew to myself that my heart was already healed. I made a mistake as well, so it was my responsibility too. Nakaya ko. Babae pa rin naman ako. Ang mahalaga na lang ay walang naging bunga sa loob ng tiyan ko at maayos ako ngayon; walang marka ng lubid sa leeg o marka ng hiwa sa pulso nang dahil lang sa lalaki.
“Hoy, ano na? Kailan ka nga mag-aasawa?” Inismiran ko si Line saka ipinagpatuloy ang pagtitiklop ng mga damit.
“Sus! Nagsabi ang wala pa ring asawa. Bigyan mo muna ako ng boyfriend bago ‘yang asawa na sinasabi mo!” Tiningnan ko siya. “Wala na. Wala na si Sebastian,” sabi ko pa saka nagpatuloy sa pagtitiklop ng damit. “Babaero kasi.”
“Ano? Seryoso?” bulalas niya. “Kailan pa? Bakit? Tsk! Sayang naman iyon, Calli! Ano’ng nangyari? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”
Naghuhurumentado na naman siya.
“Huwag mo nang alamin at hindi na iyon mahalaga pa. Naka-move na ako.” Bahagya akong natawa. “More or less dalawang buwan na rin kaming walang komunikasyon. Saka alam mo, hindi ‘yon sayang. Para lang kasi siyang isang magandang paruparo,” sambit ko at muli ay napatingin ako sa paruparong sa ibang bulaklak na nakadapo.
“You mean, Sebastian? And why the hell would you compare Sebastian to a butterfly, Attorney Calli Silvallana?” nakatikwas na ngusong tanong niya sa akin.
Napataas naman ang aking kilay. Sabi ko, “Basta.”
“Bakla ba siya?”
“Sira! Hindi!”
“Ano kasi? Bakit?”
Imbes na bigyan pa siya ng sagot ay ngumiti na lamang ako. Sa huling pagkakataon ay inayos ko ang mga damit ko sa maleta saka iyon isinara.
“Never mind,” nakasimangot pa niyang sabi. “Narito ako to say goodbye. Hindi ba dapat masaya ka ngayon kasi mamaya na ang flight mo papuntang Korea? Bakit pala ngayon ka lang nag-iimpake niyang mga damit mo?”
Napabuntong-hininga ako sa katotohanang aalis ulit ako ng Pilipinas papuntang Korea hindi para magbakasyon kung hindi para bisitahin ang lola kong may dinaramdam.
“Dinadagdagan ko lang kasi baka magtagal pa ako roon. Pupunta ako roon para bisitahin ang lola kong may sakit, hindi para mamasyal lang.”
“Kahit na!” bulyaw niya. “Korea ‘yon, ano ka ba? Dream destination ko ‘yon, e,” kunwari ay naiiyak pa niyang sabi.
“Ewan ko sa iyo. Umuwi ka na nga sa inyo! Pang-abala ka sa may ginagawa, e!” pabiro kong usal saka siya mahinang hinampas.
“Bring me an oppa when you return,” sambit niya. Pinaglapat pa niya ang kaniyang mga palad na parang nagmamakaawa saka sinabing, “Jebal.” Please.
“Baliw! Tigilan mo ako! Ang pangit ng Korean accent mo. Hindi bagay,” singhal ko sa kaniya. Bigla namang naglagutukan sa loob ng kaniyang bibig nang nguyain niya ang lollipop.
“Nakakainggit ‘yong lola mo. Nakapangasawa ng Korean. Sana tayo rin,” sambit niya habang dinidilaan ang kaniyang labi.
“Puro ka lalaki!”
Bumungisngis lang si Line dahil sa sinabi ko.
“Aba, Calli! Hindi na tayo pabata! Kailangan na rin natin ng kabiyak na mag-aalaga sa atin habambuhay!”
“Kabiyak kamo? Magbiyak ka na lang pakwan doon sa kusina at dalhan mo ako rito. Bilis!” utos ko saka ibinato sa kaniya ang aking unan.
“Ang galing, e.” Sumimangot naman siya bago siya lumabas sa aking kuwarto.
It was month of July, year 2020 when I went to Itaewon-dong, Yongsan-gu, Seoul, South Korea, again with another twist.