Chapter 32

1120 Words
Tiningnan ko si Sebastian sa aking tabi na nakatingala sa may counter at abala sa pamimili sa kung anong kape ang bibilhin. Si Sebastian ay tatlong linggo nang nanliligaw sa akin. Simula noong natuto akong tumanggap ng lalaki sa buhay ko, hindi ko na ito naiwasan kahit panay kabiguan ang dala nila. If I wouldn’t take a risk, baka nga tumanda na lang akong dalaga. So far, pangatlo pa lang naman si Sebastian. Sana wala nang dumagdag pa. Hay. “Sebastian Latte, please,” natatawa kong sabi. “Alright. Sebastian Lat—oh wait!” Tiningnan niya ako nang may ngisi sa kaniyang mga labi. “When did I become Latte, Attorney Silvallana?” Napatakip ako sa aking mukha dala ng hiya dahil sa ginawa kong birong iyon. Napatingin kasi sa amin iyong crew na kaharap namin sa counter makaraang marinig nila ang pinag-uusapan namin ni Sebastian. This scene just brought me to the thought where I met the first man whom I loved for the first time. “Hello, Ma’am,” bati ng isang babae sa akin na sa tantiya ko’y kaedad ko lamang. Ngumiti ako saka tumingin sa menu na nasa taas para maghanap ng pwedeng order-in. “Frappe na Cappuccino flavor at isang order ng fries na cheese flavor,” sambit ko saka kinuha ang wallet ko sa loob ng aking bag. “Ano po’ng size ng frappe, Ma’am?” Nang mag-angat ako ng aking ulo para sabihin sa crew ang size ng binibili kong frappe ay natigilan ako bigla. “Med—” “Make it two, medium frappe in Cappuccino flavor.” Awtomatikong pumihit ang aking ulo sa gilid ko para tingnan kung sinong kurikong ang sumabat sa akin. Nang makita ko kung sino iyon ay namilog ang aking mga mata. Parang tumigil ang oras dahil bigla akong nanigas. “Yes, Sir?” Ultimo iyong staff ay bahagyang nautal at na-mesmerized sa kurikong—I mean, sa guwapong nilalang na nakatingala at nakatingin sa listahan ng mga what-to-order. Kita sa mukha niya na gusto niya ang hitsura ng nasa harapan niya. “Doc. Gaara?” sambit ko. Nilingon naman niya ako sabay ngiti. Hindi ko alam kung pagmamahal nga ba talaga iyong naramdaman ko years ago. But I was sure that I got hurt. “I’m just kidding!” Pabiro ko pa siyang hinampas sa makisig niyang braso bago sumagot nang matino. “I want Latte.” “There you are,” nakangiti niyang sambit bago binalingan ng tingin iyong crew na kanina pa ring naghihintay sa amin para sabihin ang aming order. Nang makahanap kami ng isang magandang puwesto sa loob ng coffee shop upang maupo at hintayin ang kape ay bigla niyang kinuha ang mga ipinatong kong files sa table saka iyon binuksan. “So how’s work?” tanong niya sabay buklat niyong isang folder. “Work? Haha! It’s tiring as usual, but I can still manage to... to make time for you,” tugon ko dahilan para lingunin niya ako. “How sweet of you,” aniya sabay ngiti. “Well.” Napakamot ako sa aking batok habang tinititigan ko siya. Hindi na ako katulad niyong dati na halos pa-cute na lang. As I enjoyed my time with myself, at the back of my mind, I always wanted to have a perfect relationship with a guy. This would be the third time that I would try again and risk my heart for a man. Hopefully, heto na ang time para sa hinahangad kong maayos na relasyon kahit uso ang April Fools ngayon. “Oh, this one is a kind of a serious case. A construction worker who killed two kids? Um...” aniya sabay hawak sa kaniyang baba. Napanguso ako. Sa ngayon, sakit din talaga ulo ang mga cases na nahahawakan ko. Sagot ko, “Yes. According to him, the salary was delayed for almost a week, so he killed the twins of the construction company owner which was insane.” Bahagya siyang tumingin sa akin saka tumango. Dagdag ko, “But you know, it’s nothing compared to the high-profile legal cases that you handled, Attorney Weiss,” nakangiti kong sabi habang nilalaro ang ilang hibla ng aking buhok malapit sa aking tainga. Alam ko na rin kung paano bahagyang lumandi. Ewan ko, hindi na ba ako inosente kapag ganito? “Come on,” natatawa niyang sambit. “All cases isn’t an easy work.” “Why? I remember, Mrs. Paterson was your client, right? The parent of one of the victims of Smith Serial Killings? You, against the famous doctor at New York, Grey Dwayn Smith who was believed to have killed 87 patients, although the total is quite closer to 153.” Agad niyang ibinalik ang folder malapit sa akin bago niya ako tinitigan sa mata. Kitang-kita ko ang pagkamangha niya habang nakatingin sa akin. “How did you know that?” tanong niya. “Of course, that case went viral.” “Tss. Come on, Calli. It’s a long time ago. Three years?” “I know, but that Grey was widespread on all TV channels back then.” Sakto namang dumating ang Latte na order namin kanina at pagkaalis niyong waiter na nagdala niyon ay saka muling nagsalita si Sebastian. “Yes. I mean, he’s a famous doctor. It was a surprise that Grey was a part of sheer number of cremation certificates, along with the fact that most of the cases were women.” “He wasn’t caught not until a red flag was raised by several people and an undertaker. That’s really unbelievable that even the police mishandled the investigation,” saad ko sabay higop doon sa kape. “Absolutely. Well, he was finally convicted last 2017, and committed suicide while in prison a month after.” Napailing na lang ako pagkatapos. Nakakakilabot talaga ang mga murder cases lalo na at hindi lang isa ang napatay ng killer. “Well, enough for the unpleasant topics. Where do you want to go next?” tanong niya kaya agad akong napitingin sa suot kong relo. Pagtunghay ko upang lingunin siya ay aking sinabi, “It’s past 8, aren’t you going home yet?” Sa halip na sagutin niya ako ay tumingin siya sa labas kung saan ay kitang-kita ang mga ilaw mula sa nagtataasang building at mga sasakyan habang humihigop sa kaniyang kape. “Sebastian?” muli kong tawag sa kaniya para kuhanin ang atensiyon niya. Paglingon niya sa akin ay ngumiti siya. “Would you like to come with me at my place tonight?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD