Three months ago...
“A kind of unusual Calli. Isang magandang bungad sa unang araw ng Abril.”
Agad naman akong napalingon sa may pinto ng aking kuwarto matapos kong marinig ang boses ni Mama.
“Ma?” usal ko sabay balik ng tingin sa malaking salamin sa aking harapan. “Pauso ka naman agad sa April fools.”
Tumawa naman siya.
“Trabaho ba ang pupuntahan mo o isang date?” mapang-asar na tanong niya.
“Sino iyan at nang mabigyan ng isang malakas-lakas na suntok? Matagal na rin akong hindi nakakasuntok.”
Muling pumaling ang ulo ko sa mag-asawang sabay pang nang-aasar sa akin. Nakita ko si Papa na katabi na si Mama habang nakatayo sa may pinto ng aking kuwarto.
Bakasyon si Papa ng isang buwan dito at sa isang araw ay babalik na naman siya sa Saudi para magtrabaho.
“Ano ka ba naman, Marcus? Kaya na iyan ni Calli,” sambit ni Mama sabay hampas kay Papa. “Bahagya na ngang lumandi iyang anak mo, susuntukin mo pa iyong lalaki.”
Natawa ako.
Nakita ko silang pumasok saka naupo sa gilid ng aking kama tapos saka ako pinagmasdan.
Ibinalik ko ang aking tingin sa salamin. Pagkatapos kong maglagay ng lipstick sa aking labi ay hinarap ko iyong dalawa saka sila nginitian.
“Mama, ano ba’ng unusual ang sinasabi mo kanina? Lagi naman akong naka-make-up, a?” sabi ko dito.
Tumaas ang pareho niyang kilay saka nagkibit-balikat. “You look more matured ngayong 2020 na saka nagtatanong lang naman ako. So makikipag-date ka nga ba?”
“Mama, may trabaho ako,” sambit ko sabay kuha sa aking file case, “at may date.”
Natawa naman si Mama sa akin bago niya sinabing natutuwa siya at sa wakas ay magkakaroon na raw ako ng asawa.
“Monet, ha. Sinasabi ko sa iyo. Kapag iyang si Calli, nabuntis ng kung sinu-sino lang, pagbubuhulin ko kayong dalawa!” bulalas ni Papa kaya naman ay agad ulit siyang nakatanggap ng hampas sa braso niya.
“Ang OA mo! Bumalik ka na nga roon sa Saudi! Ang ingay mo, e!” reklamo ni Mama saka niya inirapan si Papa.
Grabe. Para silang mga high school sa ginagawa nila.
“Mama, Papa, date pa lang. Hindi ko pa boyfriend. Hindi pa iyon sure,” sambit ko. “Wala pang asawa-asawa na iyan!”
“Sus! Bakuran mo na kasi agad!” kantyaw ni Mama.
“Mama!” sabay naming sigaw ni Papa kaya naitikom naman niya ang kaniyang bibig.
May ngiti sa labing umalis ako sa aming bahay para simulan ang aking araw. Iniwanan ko na iyong dalawa. Baka kasi gusto pa nilang bumuo ang isa pang anak. Napangiti pa ako bago ako sumakay sa taxi.
I was alone inside the elevator as I moved upward. It was seven in the morning when I arrived at the eight floor firm. Masyado akong masaya ng mga sandaling iyon hindi dahil sa trabaho, kung hindi dahil may date ako mamaya pagkatapos nito.
Sounded so malandi, right?
I stopped at fifth and made a quick exit. I stepped into the splendid marble floor of May and Molly Firm. Isinasayaw ko pa sa aking kamay ang hawak kong file case dahil maganda nga ang mood ko.
I was raised by a sweet and loving parents at hindi pa ako naaabuso physically to the point that I needed to file a case. Wala akong matibay na rason kung bakit nagustuhan ko ang Law kahit mahirap at nakakahirap ng buhay sa mahal ng course. Just because.
In law school, I did a lot of pro-bono work with survivors of domestic violence and s****l assault. Then I remembered the most memorable battle I had won in the court just recently.
One woman had a very abusive and violent on-again-off-again boyfriend. When she came to me with a new bruise on her arm, it was the sixth time she had filed a protective order against him as she had voluntarily dismissed the prior ones. Siya na katulad kong babae ay ang sarap niya sanang sapakin. Hindi ko maintindihan kung bakit natitiis niya ang ganoong p*******t ng lalaki. Despite being irritated with the case at dahil pinili kong maging abogado, tinulungan ko. I helped her tell her story and she won.
Few months later, I was on my way out from another big court battle, I found out from a clerk that she had voluntarily dismissed it again. Napailing ako nang bongga. She told the clerk she was lonely without him. Tapos kumirot ang puso ko.
Paano kaya magmahal nang ganoon? Iyong tipong lahat ng sakit ay natitiis?
A year later, she came back to me because his boyfriend had abused her again. I had my reservations, but I agreed to help her anyway. She told her new story to the same judge who thankfully understood the cycle of violence, and we won again.
This time, she moved away. Hindi ko alam pero sa malayo sa lalaking nanakit sa kaniya, made new friends, and the protective order stayed... ang pinakahinihintay ko.
Napangiti ako sa alaalang iyon na sana naman ay huwag mangyari sa akin dahil hindi ko alam kung kaya ko bang ipagtanggol ang sarili ko.
I had nonstop meetings throughout the afternoon and important conferences with important people. Luckily, hindi ako na-late sa date ko.
Square brown tables, glass tops, menu under glass tops, slow turning ceiling fans above, BTS’ songs, waiters smartly dressed in black and white, terracotta rustic tiled floor, large floor-to-ceiling glass windows, small vases of tulips on each table, and daily specials on a chalk board at entrance—the perfect place where I met the almost perfect guy.
“Honey, Espresso or Latte?”
Napangisi ako sa tawag niya sa akin.