Chapter 30 - Loved Me For A Second

674 Words
Masaya siguro mag-travel lalo na kung may nakahawak sa aking kamay na sinisigurong hindi na ako makakawala pa sa kaniya. Iyong tipong may hahalik sa aking noo habang sinasabing mahal niya ako. Iyon bang gusto na akong makasama habambuhay kaso palaging flat line ang pag-asang magkaroon ako ng isang masayang love life. Hindi ko alam kung hanggang pangarap na lang ba ako dahil bukod sa isa akong mamamayan na naglilingkod sa bayan at sa kapuwa ko mamamayan ay walang matinong mapaibig sa akin. Masyado na akong abala sa problema ng mga kliyente ko. Maliban kasi sa manloloko ay wala namang magandang plano sa buhay. Pero sa huli after another 4 years, mukhang trabaho ko na ang mapapakasalan ko kapag nagkataon. May sumumpa yata sa akin kaya ganito kalungkot ang takbo ng aking buhay pag-ibig. Bahagya namang muling nag-iba ang pananaw kong mukhang habambuhay na akong mag-isa nang muli akong pumunta ako sa South Korea, sa Itaewon kina Lola Yumi at Lolo Geunsoo. Naroon ako upang bisitahin sana si Lola Yumi dahil ang sabi ay may malubha siyang sakit. Hindi naman magawang lumipad ni Mama papunta sa Korea dahil nagkataon na out of town siya nang ilang linggo dahil sa activity ng simbahan. Ako ang hinahanap ni Lola kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa. Ngunit mukhang iba ang pinatunguhan ng aking pagpunta roon nang malaman kong isang biro lang pala ang lahat ng iyon. And there I met Chadri. The streets in Itaewon were filled with different colors. Isama mo pa ang foreign-friendly nitong atmosphere. Dahil doon ay bahagyang nawala ang sama ng loob ko dahil sa pinagkaisahan ako ni Mama at Lola Yumi. Maganda sa lugar at mas na-appreciate ko iyon. Kahit malalim na ang gabi ay marami pa rin ang nasa labas at nagsasaya. Me and Chadri walked for almost fifteen minutes before we reached the new opened cafe. Nang makapasok na kami sa loob ay sinalubong kami ng dalawang Korean usherette. “Annyeonghaseyo,” Hello, bati nila. “Welcome to Butterfly Cafe. You’re the last lucky couple to play and have a chance to win a brand-new Leica camera.” “Leica camera? Whoa,” namamanghang sabi ni Chadri. “Jinjjayo? Bissajyo?” Really? It is expensive, right? “Keopeuliradu haesseo?” Did you say couple? tanong ko sa kanila. “Ne,” Yes, nakangiti nilang sabi. “Neo jasineul dowajuseyo. Jeulkeseyo!” Help yourselves. Enjoy! Tutuloy na sana sa paglakad si Chadri pero pinigilan ko siya. “Chamsimanyo,” Just a minute, sabi ko saka nag-bow sa kanila. Hinila ko si Chadri sa isang tabi saka pinanlisikan ng mga mata. “Mwohaneun geoya? Neo michyeosseo?” What are you doing? Are you insane? bulyaw ko sa kaniya saka siya pinanliitan ng mga mata. “Ang liit na nga n’yang mga mata mo, pinaliliit mo pa lalo,” aniya saka niya ako tiningnan nang nakakaloko. “Why are you suddenly talking to me in Korean?” nakangiti pa niyang tanong. “Baliw ka ba? Hindi tayo magjowa! Umalis na tayo rito! Tara na sa—” “Ani,” No, pagputol niya sa aking sasabihin saka niya hinawakan ang aking kamay. “We can be couple right this instant. Just go with the flow, Calli. Sayang ‘yong camera,” dagdag pa niya saka pinisil ang aking kamay. Hindi ko alam na kahit nasa late-twenties na ako ay madadala ako sa isang gabing parang highschool love story lang na set up naming iyon. Malayong-malayo iyon sa sinabi ko noon na hindi na ako ulit papatol at bibigay sa lalaking kakikilala ko pa lang. Napangiti ako sa ideyang siguro ay magwo-work na ang ganitong set up ngayon. Malay natin na this time, things would go smoothly with kind of blooming relationship. Pero napalitan din agad ang mga ngiti ko ng isang malalim na buntong-hininga. Bago ko kasi nakilala si Chadri ay may nakilala akong katulad kong Lawyer. Full package ang isang iyon. As in makalaglag panty, mapapahabol ka nang tingin, at mapapatitig ka sa kaniya. Kaya ako? Bumigay na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD