Nakakabalisa. Nakakatakot. Hindi iyong possibility na aalis si Chadri, kung hindi iyong realization na unti-unti ko na siyang hinahayaan manatili. Tahimik lang kaming magkatapat sa harap ng gate namin habang umiihip iyong malamig na hangin ng gabi. Mula sa kabilang street ay may mahina pang videoke habang may ilang batang naghahabulan pa rin sa kalsada kahit gabi na. Ordinaryong subdivision night. Pero bakit parang sobrang lakas ng t***k ng puso ko? “And tonight?” Hindi pa rin nawawala sa isip ko iyong tanong niya. Napabuntong-hininga ako saka bahagyang umiwas ng tingin. “Matulog ka na nga.” Mahina siyang natawa. “You still didn’t answer.” “At bakit ko sasagutin?” “Because I asked nicely.” Napairap ako agad kahit ramdam kong umiinit na naman iyong mukha ko. “Good night, Chadri

