Ang sarap na lang talagang maglaho. “Ay wow, defensive,” tukso agad nito habang nakapamaywang sa gate nila. Nakasuot na naman siya ng makulay na duster habang may hawak na mug ng kape kahit gabi na. “Hindi naman kita tinatanong, Calli.” “Tita naman.” Narinig kong mahina iyong tawa ni Chadri mula sa tabi ko habang isinasara niya iyong car door. Leche. Talagang enjoy na enjoy siya kapag ako iyong napapahiya. Mula sa may terrace nila ay sumilip din si Line habang may hawak na cellphone. Mukhang kararating lang din nila ni Morris dahil naroon pa iyong motor sa labas ng gate. “Oo nga, bakit parang guilty?” sigaw pa niya mula sa taas. “Manahimik kayong lahat.” Tumawa tuloy sina Mama at Tita Lily habang ako nama’y mabilis nang naglakad paloob ng gate namin para matapos na iyong kahihiyan

