Chapter 76

1124 Words

Tahimik lang si Chadri habang nakatingin sa cellphone niya. Nawala iyong gaan sa expression niya kanina at napalitan iyon ng pamilyar na seryosong mukha na madalas kong makita kapag may kausap siyang investors. Professional. Controlled. Distant. At nakakainis dahil parang bigla akong nakaramdam ng kaba. “Ano’ng nangyari?” tanong ko kahit pilit casual iyong tono ko. Hindi siya agad sumagot. Sandali muna niyang ibinaba iyong cellphone sa mesa bago marahang huminga. “My grandfather wants me there earlier than expected.” Bahagyang kumabog dibdib ko. “Earlier?” Tumango siya. “There are issues in the company.” Tahimik akong napatingin sa kaniya. Mula sa glass window ng café ay tumatama iyong hapon na sikat ng araw sa gilid ng mukha niya habang abala iyong mga tao sa labas ng kalsada.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD