Chapter 21

1684 Words
Halos pagpawisan ako ng malamig dahil sa aking narinig. Ako ba ang talagang tinutukoy niya o nag-iilusyon lang ako? Iyong mga titig niyang nakapako sa aking mga mata ay parang nagbibigay ng kasiguraduhan sa akin na ako nga ang tinutukoy niya sa sinabi niya sa kaniyang ina. “Ya skoro poznakomlyu yeye s toboy, Mama,” I will introduce her to you soon, Mama, sabi pa niya bago niya ibinaba ang tawag. Ilang segundo bago siya muling nakapagsalita pagkatapos niyon. Parang bumubwelo pa siya kung ano ang dapat sunod niyang sabihin. Mayamaya’y huminga siya nang malalim. Sabi niya, “Well, I really like you, Calli.” “What if I don’t really trust people like Russians?” Agad na kumunot ang kaniyang noo saka niya ako dahan-dahang nilapitan. Mukhang takang-taka siya sa aking sinabi. Kahit ako sa sarili ko ay hindi ko napigilang sabihin iyon. Tila kusa nang bumukas ang bibig ko para sa gustong sabihin ng puso ko. “Why don’t we eat this fried chicken together then let’s talk about it?” I realized, ang unique ng suggestion niyang iyon. I was expecting na nagpa-palpitate siya habang pilit na itinatanong sa akin kung bakit at anong rason ko at nasabi ko iyon. Pero heto siya, nagyayaya na namang kumain para pag-usapan kung paano niya makukuha ang aking tiwala. Nanatili akong nakaupo sa kama habang siya naman ay nagmadaling inihanda ang aming kakainin. Bumalik siya sa kama na nakabukas na iyong karton na lalagyan ng manok. May dala rin siyang tray at bottled water. Umupo siya sa tapat ko habang nasa gitna namin ang pagkain. “I’m ready to listen. I’m willing to listen,” aniya. Bumuntong-hininga ako. Sabi ko, “Why?” “What do you mean why?” Tinitigan ko siya. Alam kong kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit nawalan ako ng tiwala ay maaalala at mararamdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko noon. Umayos siya nang pagkakaupo niya. Dagdag niya, “I want to know why you don’t trust Russians. I’m one of them and I like you. It will help me not to repeat any mistake, the things you don’t like, like what that guy did to you.” “Okay,” matipid kong tugon saka huminga nang malalim. “So, who is he?” “He’s a Russian-Filipino I met 2 years ago,” panimula ko. Pakiramdam ko pa ay biglang napakahirap yatang banggitin ng pangalan niya. “He’s... he’s Gaara. Gaara Judovitch.” “Siya lang kasi ang available ngayon. Miss, ano ba’ng problema? Duktor rin naman si Doc. Gaara,” aniya. Binitiwan ko siya saka muling nagsalita. “Wala po bang babae?” Agad siyang umiling. Pero agad akong nagtaka nang bigla siyang lumapit sa akin habang nakangiti. Para siyang kinikilig. Sabi pa niya habang nakaaktong bumubulong, “Si Doc. Gaara Judovitch ay Filipino-Russian siya at kaibigan niya ang may-ari nitong ospital. Siya ang titingin sa iyo mamaya. Hindi siya resident dito at sa Russia siya nakatira. Narito lang siya for a short vacation at ang sabi sa amin ay substitute siya for the meantime since wala rin iyong may-ari at ibang OB-GYN. Halos dalawang oras lang ang itinatagal niya rito kaya sige na, pumasok ka na sa laboratory. Huwag mo nang paghintayin si Doc.” Bago pa man ako maitulak nang husto ng nurse papasok ng laboratory ni Doc. Gaara ay agad akong nagpreno saka siya muling hinarap. “Ah nurse, teka lang naman kasi,” nakangiwi kong sambit. “Talaga ba? Filipino-Russian siya? Magaling ba mag-Tagalog? May asawa na ba iyon?” tanong ko pa na nakapagpakunot ng noo niya. Hindi ko rin naman alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. “Marunong siyang mag-Tagalog at sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang asawa.” Tumango-tango ako pero hindi ko maalis sa isip ko na lalaki ang magsasagawa ng exam sa akin. Bakit ba naman kasi kailangang lalaking duktor pa ang tumingin sa perlas ko para sa punyemas na pelvic exam na ‘to? Tsk! “Ilang taon na ba siya? Gaano na siya katagal na duktor? Saka gaano na karami,” tumigil ako saglit saka bahagyang lumapit pa sa nurse para ako naman ang bumulong, “ang nakita niyang pempem?” “Pempem?” ulit niya at pagkakuwa’y nasamid. “Oo, pempem. Ilan na—” “Nurse, bakit hindi mo pa pinapapasok ang pasyente sa loob?” Hindi ko na nagawang maituloy pa ang aking sasabihin nang biglang may nagsalita sa aking likuran. Isang boses ng lalaki. Halata sa tono niya na hindi siya sanay sa pagta-Tagalog ngunit kahit na ganoon ay madali pa rin naman iyong maintindihan. Pagpihit ng ulo ko para tingnan kung sino ang nagsalita ay nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ang tangkad niya at pang-boy next door ang datingan. Mayamaya’y biglang natawa si Maxim kaya nagtaka ako at napataas pa ang kilay. Agad niya iyong napansin kaya agad siyang nagpaliwanag. “I just found it cute. That’s a funny first meeting. You were so cheerful that time. I really could sense it,” aniya. “I really bet that he looks good for you be like that over your Obstetrician-Gynecologist.” Napanguso ako. Masyado akong nahumaling kay Gaara kahit sinasabi kong ayaw kong mag-asawa. Ang pagkahumaling ko nang ganoong kabilis ay nauwi lang pagkasawi ko agad-agad. Pilit akong napangiti sa harap ni Maxim. “No guy would look good in front of my eyes if they will just hurt me in the end,” sabi ko. Ang korni man pero totoo. Ngumiti si Maxim. “I understand.” Wala sa sariling napadukot ako ng manok saka iyon agad na kinagat. Sweet and spicy pa pala kaya agad akong natauhan sa aking ginawa at agad na tiningnan ang reaksiyon ni Maxim. Bumubungisngis siya at halatang nagulat at natawa sa hitsura ko. Aniya, “Be careful. It’s sprinkled with chilli powder.” Napasimangot ako saka ibinaba ang manok sa tray. “Aren’t disappointed in me?” tanong ko kaya napaangat ang kaniyang ulo. Sa hitsura niya ay hindi naintindihan ang ibig kong sabihin. “What do you mean?” “I was 21 when I met Gaara, a 32-year-old guy.” Ilang segundo niya akong tinitigan bago siya ngumiti nang malapad. Sabi niya, “The age gap, you mean? Well, I don’t have any right to get disappointed in you if your heart chose to love a man older than you. It happens and it’s not wrong. Cliché as it may sound, but unexpected things really happen.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kumuha rin siya ng manok saka iyon kinagat. Habang ngumunguya ay kaniya pang sinabi, “What happened next?” Huminga ako ng malalim saka inalalang muli ang mga sumunod na nangyari noon. “Well, we saw each other again after one week. And we got know each other a little,” sagot ko. “Of all specialties in medical school, Gynecology talaga ang napili mo? Bukod sa pananantsing sa mga pempem, ano pa ang mga dahilan mo?” “Watch your mouth.” “Joke lang. So, ano nga?” Muli siyang sumisipsip sa frappe bago niya ako sinagot. Pakiramdam ko ay ito na ang simula ng matino naming pag-uusap. Kumalma na rin kasi ang mga nerves sa mukha ko at nawala na ang pagkainis ko at lukot nito. “I have two younger sisters. For me, it’s an honor to be involved in meaningful parts of women’s lives; their s****l health, reproductive health, child bearing years, and dealing with cancer,” sabi niya bago muling kumuha ng fries. “The female body is a metaphor for her womanhood and I love the idea that I am granted to access their whole identity. Women’s health care is far superior. I really love to take a good care of them.” Nang marinig ko iyon ay bahagyang nabago ang tingin ko sa kaniya. Trabaho nga naman niya iyon. “That’s sweet,” sabi ko. “Gusto mong mag-alaga ng babae pero single ka.” Umiling siya. “It’s not necessary for me to have a girlfriend to take care a woman. As I’ve told you, I have two younger siblings. Babae sila at naaalagaan ko sila. Ganoon din ang mga nagiging pasyente ko.” Pumangalumbaba ako saka siya pinagmasdan. Ang amo ng mukha niya at pakiramdam ko ay napaka-genuine ng sinabi niya. “Ayaw mo bang mag-girlfriend o magkaasawa para hindi lang mga kapatid mo o pasyente mo lang ang inaalagaan mo?” tanong ko. “I mean, another level of taking care a woman. Iyong mahal mo, ganoon.” “Mahal ko naman sila.” “Hindi kasi—” “I get it, don’t worry.” Ngumiti siya ngunit napayuko rin agad. Aniya, “Gustuhin ko man, kaso—” Nang mapalingon ako sa labas ay hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin. “Hala, umuulan! Hoy, Gaara—I mean, Doc! Uuwi na ako!” biglang pagpapaalam ko nang makita kong malakas na pala ang buhos ng ulan sa labas. Pasado alas singko-trenta na. Gustuhin ko mang makipagkuwentuha pa sa kaniya ay nag-aalala naman ako sa pag-uwi ko. “Ihahatid na kita,” sambit niya bago pa man ako makatayo sa kinauupuan ko. Doon ko lang napagtanto na may pagkakamali rin pala ako. Siguro nga ay pinilit niyang sabihin sa akin ang totoo niyang pagkatao noong mga oras na iyon pero nauudlot iyon dahil ang dami kong tanong sa kaniya. “He’s definitely nice,” may pagtangong komento ni Maxim. “So how did you guys end up?” “He’s an Orthodox priest,” mabilis kong sagot kasabay ng bahagyang paninikip ng aking dibdib. Masakit pa rin pala. Parang muli kong nakamot ang isang sugat na dapat ay patuyo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD