“Hey, Calli. I’m... I’m sorry. I’m really sorry. I was just going to knock to check you, but then you suddenly opened the door and... and—”
“Just get me a towel, please!” tanging naisigaw ko matapos niyang magpaliwanag. Napaupo ako sa lapag dahil sa inis at hiya.
“Alright. Just give me a second.”
Doon ko narinig ang pagtakbo niya palayo. Huminga ako nang malalim dahil parang sasabog ang dibdib ko. Dati kepyas ko lang ang nakita, ngayon naman ay buong katawan ko na!
“Calli, here! Here’s the towel!”
Agad akong tumayo nang marinig ko si Maxim. Hinawakan ko ang knob sabay sigaw, “Huwag kang titingin! Kukuhanin ko na!”
Tumago pa ako nang bahagya sa likod ng pinto bago ko binuksan nang kaunti iyong pinto para kuhanin ang tuwalya mula sa kaniya.
“Calli—”
Agad kong sinaraduhang muli ang pinto nang magawa ko mahablot ang tuwalya sa kamay niya. Agad ko naman iyong ibinalot sa aking katawan.
“Okay. I’ll leave the room for a while. Come out and dressed up,” mahinahong sabi niya. “I’ll be back after 20 minutes.”
Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa marinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto, indikasyon na lumabas nga siya ng unit.
Muli akong huminga nang malalim bago lumabas ng banyo pero hindi pa man ako tuluyang nakakahakbang palayo ay agad akong napabalik sa loob nang biglang tumunog ang aking telepono. Si Line, tumatawag.
Nang makuha ko iyon ay agad kong sinagot ang tawag. Napakagat-labi ako sa ideyang baka alam na nilang wala pa ako sa Itaewon hanggang ngayon.
“Line—”
“Finally! Calli, nasaan ka na? Bakit hindi ka man lang nag-a-update sa akin kahit sa mama mo? Text nang text sa iyo si Tita Monet, hindi mo sinasagot. Ano na ba’ng nangyari sa iyo? Nasa Itaewon ka na ba?” dire-diretsong sabi niya.
Napapikit ako bago ko sinilip ang notification ng cellphone ko; 89 texts at 56 missed calls, lahat ay galing kay Madamdamin, si Mama.
Ibinalik ko sa aking tainga ang telepono saka lumabas ng banyo.
“Sorry na,” sambit ko sabay hila doon sa aking maleta para kumuha ng damit. “Hindi ko lang namalayan ang oras. Kakatapos ko lang kasi maligo saka naka-mute ang cellphone ko. Huwag na kayong mag-alala, nasa... nasa Itaewon na ako, kina Lola Yumi. Ako na ang bahala kay Mama. Tatawagan ko siya mamaya.”
Napakagat-labi ako sa aking pagsisinungaling. Ito na siguro ang pinakamabigat na pagsisinungaling na nagawa ko sa tanang buhay ko maliban sa pag-iisip noon na sana namatay na lang iyong kurakot na Baranggay captain sa lugar namin.
“Sure ka, ha? Baka naman kung nasaan ka na. O, baka naman nakipagtanan ka na, hindi mo pa sinasabi sa amin. Infairness, sosyal. Nasa Korea pa!” humahagikgik na sabi niya.
“Gaga, hindi!” tanggi ko sabay lingon sa paligid. “Hindi naman...”
Ano nga ba itong ginagawa ko? Hindi siguro pakikipagtanan ang tawag dito, hindi ba? Uuwi naman ako, e. Mayamaya’y halos tumalbog ang puso ko dahil sa nakakarinding sigaw ni Line sa kabilang linya.
“Ano? Ano’ng hindi naman?” bulalas niya. “Nakipagtanan ka? Kanino? Guwapo ba? Ano’ng pangalan? Koreano? Hoy, Calli—”
Mukhang mali ako. Kahit siguro makipagtanan nga ako, mas uunahin pa ni Line itanong kung guwapo ba ito kaysa sa kung worth it ba na nakipagtanan nga ako sa lalaki.
“Sira! Tumigil ka nga! Hindi ako nakipagtanan, okay? Nasa Itaewon ako at kasama ko si Lola Yumi,” pagpapalusot ko na lamang.
“Akala ko naman...” tila nadismayang tugon niya kaya napairap. “Oo na.”
“Sige na, magbibihis pa ako. Tatawagan ko na rin si Mama pagkatapos.”
Nang ibaba niya ang tawag ay agad na akong nagbihis. Baka kasi maabutan pa akong hubo’t hubad ni Maxim lalo na at limang minuto na lang siguro ay babalik na siya rito.
Nagsuot lang ako ng isang gray na long sleeves at shorts saka nag-ayos nang kaunti; powder, liptint saka kaunting pamango. Kinagawian ko na iyon. Kaya kapag naaabutan ako ni Mama sa kuwarto na naglalagay ng pamango sa gabi, binibiro niya ako na baka daw maakit ko na ang ang kung anong elemento. Sinuklay ko lang ang aking buhok at hindi na ginamitan pa ng blower. Pagkatapos ay naupo ako sa kama saka muling kinuha ang aking cellphone.
Nakailang dial ako sa number ni Mama pero bigo akong makausap siya. Tumingin ako sa orasan at malapit nang mag-alas nueve dito. Ibig sabihin, mag-aalas otso pa lang doon. Baka naman nagluluto?
Sa pang-anim na beses kong pagtawag kay Mama ay sinagot na niya iyon, ang kaso, biglang bumukas ang pinto ng unit kaya sa gulat ko ay agad ko iyong pinatay. Napapikit na lang ako dahil yari na talaga ako nito kay Mama. Kaysa naman marinig niyang may kasama akong lalaki rito? Sabagay, halos ibugaw niya nga ako noon, e. Hay, ewan!
Nilingon ko ang direksyon kung nasaan ang pinto. Unti-unti ay nakita ang bulto ng isang lalaking nakasuot ng gray na sando, sweat pants, at pink Crocs slippers—si Maxim. Mau dala rin siyang paper bag na sa tingin ko ay pagkain ang laman. Agad kasing humalimuyak ang amoy niyon sa loob.
Mabilis na nagtama ang aming mga mata makaraang maisara na niya ang pinto. Sa paglapit niya ay unti-unting bumilis ang t***k ng aking puso. Daig ko na naman ang nasa karera ng holdaper at biktima. Siya ang holdaper, ako ang biktima. Mukhang nakuha na nga niya ang puso ko. Hay!
“Glad you’re okay now. I brought you some food. Would you still like to eat?”
I was just so fascinated with him being like this. Iyong tipong kakikilala pa lang niya sa akin ay halos gastusan niya ako; fare, foods, even hotel fees.
Lumunok ako nang muling mag-play sa utak ko ang kahihiyang nangyari kanina. Tila nahalata niya ang pagiging uncomfortable ko ng mga sandaling iyon kaya agad siyang nagsalita.
“Look, Calli. I’m really sorry. Don’t worry about what happened earlier. I would try my best not to make you feel uncomfortable even more,” aniya na hindi na gumalaw sa kaniyang kinatatayuan.
Naroon lang siya sa may pinto at tila naghihintay pa ng hudyat ko para makapasok na siya nang tuluyan. Ang cute niya. Lalo na iyong pink niyang tsinelas.
“It’s okay,” mahina kong tugon. “I mean, let’s forget about it.”
He was just about to smile when his phone rang. Napakagat-labi siya agad.
“I’m sorry,” sabay niya sabay dukot ng kaniyang telepono sa kaniyang bulsa. Nang tingnan niya iyon ay kaniya pang sinabi, “It’s mom.”
Tumaas ang pareho kong kilay. I would bet na mukhang pareho ang mga ina namin, matanong kung nasaang lupalop na kami nang mundo. Unfortunately, hindi ko pa alam kung ano’ng itatalak sa akin ni Inay Monet lalo na at pinatayan ko siya ng tawag.
“Privet, Mama?” Hello, Mom? sambit ni Maxim makaraang masagot niya ang tawag. Naroon pa rin siya sa may pinto, nakatayo at nakatingin lang sa akin.
Mayamaya’y ngumiti siya.
“Net, ya yeye bol'she ne iskal,” No, I didn’t look for her anymore, nangingiti pa rin niyang sabi.
Hindi ko iyon ganoong maintindihan dahil masyadong slang at mabilis ang kaniyang pagsasalita. Pagkakuwa’y nag-iba ang tingin niya sa akin. Ang mga mata niya ay parang kumikislap. Iyong tipong, he looked at me so dearly as if I was the most precious woman in his life?
“I didn’t look for her anymore, Mom because I found the woman better than I was looking for.”
Shoot! My heart!