“You okay?”
Bahagya kong iniangat ang aking ulo para tingnan si Maxim. Nakahiga kasi ako ngayon sa kama niya at nag-aalis ng pagkahilo dahil sa alak.
Naroon pa siya sa may pinto ng banyo at nakatapis lang ng tuwalya sa baywang. Katatapos lang niyang maligo. Nagkukuskos siya ng kaniyang buhok gamit ang isa pang maliit na tuwalya habang nakatingin sa akin at naghihintay ng aking sagot.
“I guess,” mahina kong sabi. Huminga ako nang malalim saka dahan-dahang bumangon.
Hindi ko alam kung ano’ng pumasok sa utak ko at talagang sumama ako sa kaniya rito. Ewan ko kung epekto ba ito ng alak o sadyang maharot na ako ngayon.
Tinitigan kong maigi si Maxim nang makabangon at makaupo ako sa kama. Well-shaped body, may abs. Parang ngayon ko lang din napagtanto na lalaki siya at babae ako. Bigla akong napalunok. Paano kung may mangyari sa amin?
“Why don’t you take a bath first?” tanong niya na nakapagpagulantang bigla sa sistema ko.
Pinagmasdan ko siya at tila nag-slow motion ang pagpupunas niya ng kaniyang buhok. Iyong tipong nagsu-shoot siya ngayon para sa isang cover magazine. Kung kanina ay parang balewala iyon sa akin, ngayon ay parang nag-init lalo ang pakiramdam ko.
Tumango ako. “Yes, I better go get cleaned up,” sabi ko saka nagmadaling tumayo.
Lumakad ako patungo sa banyo pero bago ako makarating doon ay madadaanan ko muna siya na siyang nakapagpakaba lalo sa akin.
“Wait.”
Para akong kinuryente sa biglang paghawak niya sa aking braso. Lalagpas na sana ako sa kaniya pero pinigilan niya ako. Bigla pa akong natuod at hindi agad nakalingon sa kaniya.
“You suddenly look pale. What’s wrong?”
Hindi ako nagsalita. Kaya agad niyang dugtong, “Calli, what’s wrong?”
Nang sa wakas ay pumaling ang ulo ko sa kaniya ay nakita ko ang pangungunot ng kaniyang noo. Mukhang takang-taka siya sa hitsura ko.
“Pale?” halos nauutal kong sabi.
Agad niya akong iniharap sa kaniya. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat saka niya ako tinitigan.
“It seems like blood have left you. Wait,” komento niya sabay lapat ng kaniyang palad sa aking noo. “It’s weird. You’re not sick.”
Mas lalo akong nakaramdam ng init dahil sa paghawak niya sa noo ko.
“Uhm...”
Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya hanggang sa kaniyang tiyan. Gumagalaw ang animo’y inukit niyang tiyan. May butil-butil pa iyon ng tubig na parang nang-aakit sa aking mga mata. Napalunok ako kaya ibinalik ko ang mga mata ko sa mukha niya. Punyemas! Ganito ba talaga ang epekto ng alak?
“Hey, Calli. You’re making me nervous. Why aren’t you talking?”
Maxim cupped my face at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Ang hindi niya alam, kinakabahan lang naman ako dahil nag-aalala ako sa maaaring mangyari sa amin. Kung may mangyayari man?
“I’m okay. Baka assuming lang talaga ako!”
Agad akong tumakbo papasok ng banyo. Halos magkandadulas pa ako para lang makaiwas na sa kaniya.
“For the meantime,” bulong ko.
Pagkarating ko sa loob ng banyo ay naisara ko pa nang malakas iyong pinto. Daig ko pa ang hinabol ng killer dahil sa pagmamadali ko.
Bahagya pa ulit akong napapitlag dahil biglang may kumatok sa pinto sabay sabing, “Calli, I didn’t understand you!”
Sa halip na sagutin siya ay agad kong binuhay ang shower. Nakatulong iyon para hindi ko na siya marinig at isipin niyang naliligo na nga ako.
Lumingon ako sa isang malaking salamin sa kanan ko. Doon ko nakita ang hitsura ko; magulong buhok, kalat-kalat na eyeliner, maputlang labi dahil wala ng lipstick, at lantad na ang aking strap ng bra mula sa suot ko. In short, mukha na pala akong dugyot sa harap ni Maxim tapos ang lakas pa ng loob kong mag-isip na gagawan niya ako nang masama!
“Letse ka, Calli!” naiinis kong sabi sa aking sarili saka agad na naghubad ng lahat ng aking damit at pumailalim sa shower. Napasigaw na lang ako nang dumampi sa akin ang malamig na tubig mula roon. Hindi ko pala nabuksan ang heater. Gising na gising na tuloy ang diwa ko.
Para kumalma ay nagpasya akong maupo sa bathtub, binuksan ang tubig at ang heater nang maalala ko naman na nasa bulsa pala ng suot ko kanina ang telepono ko. Kinuha ko muna iyon.
Seoul Garden Hotel features accommodation with fitness center. This hotel offers a concierge service and very good ambience.
Very nice. Pagka-open ko kasi ng WiFi, hinanap ko kaagad kung nasaan kami. Walang-wala kasi ako sa huwisyo kanina kaya hindi ko na alam kung saan ako dinala ni Maxim.
“Fantastic hotel! Would not hesitate to stay here again! Staff are super nice! Special thanks to Suzy for being so welcoming and helping us with our onward journey! 5 star!” pagbasa ko sa unang review.
Super nice staffs? I bet. Kung hindi, baka hindi nila ako hinayaang kasama si Maxim. Pag-browsed ko pababa ay may ilan pa akong nakitang magandang comments.
“Very good free WiFi, which is true. Excellent central location, I bet. Good breakfast. Well, let’s see tomorrow morning. Clean and well maintained, quiet air conditioning, good location and great view of the Han River if you get the right room.”
Napataas ang kilay ko dahil sa good feedbacks. Napangisi pa ako sa ideyang mukhang yayamanin ang Maxim ninyo.
Pagkatapos kong magkuskos, maghilod, at lahat-lahat na ay napagpasyahan ko nang lumabas ng banyo. Wala rin akong naririnig na ingay mula sa labas kaya baka tulog na si Maxim. Nang tingnan ko ang lalagyan ng towel, wala iyong laman.
“Lalabas na ba akong hubad nito?”
Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano ako makakalabas ng banyo na walang tuwalya. Iyong mga hinubad ko, nabasa na dahil nasa lapag. Hay, bahala na!
Lumapit ako sa pinto saka iyon kinatok.
“Maxim?” pagtawag ko pero wala akong narinig na boses.
“Maxim? Are you there?” pangalawang subok ko sa pagtawag sa kaniya. “Do me a favor, please? Can you hand a towel over here?”
Sabi ko pa, “Maxim, can you here me? Are you there? Hello?”
Pero wala akong napala. Walang tumugon. Hindi ko alam kung tulog ba siya o lumabas pa ng unit. Naghintay ako ng ilan pang segundo bago ko masiguradong baka nga wala si Maxim. Ngumiti ako saka hinawakan ang knob.
“Calli—”
Dang it to the whole universe! Parang nag-pause ang buong paligid. Si Maxim ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto! Akma sana siyang kakatok doon at nang makita niya ang hitsura ko ay naalis niya ang suot niyang headphones habang nanlalaki ang mga mata.
“Aaahhh! Naka-headphones ka palang lalaki ka, bakit hindi mo sinabi? Mama, hindi na talaga ako virgin!” tanging naisigaw ko bago ako pumihit patalikod saka isinara ang pinto ng banyo nang pagkalakas-lakas.
Calli ninyo, titira na sa loob ng banyo.