“Would you like to grab a drink with me? Then let’s talk about anything about me and anything about you, then... about us.” About... us? I didn’t know what to react. Ang alam ko lang, parang butterfly farm ngayon ang loob ng aking tiyan. Iyong parang sabay-sabay silang nakaalis sa cocoon. “About us?” nauutal at may halong kabang tanong ko. Tumango siya sabay bangon at sa pagkagaling-galing nga naman ay halos magdikit na ang mukha namin sa ginawa niya. Parang nag-slow motion iyong pagbangon niya at kung paano siya ngumiti sa mukha kong malapit nang maging kamatis sa pula. Kumabog-kabog pa ang aking dibdib dahil sa nerbyos na binibigay sa akin ng ginawang iyon Maxim. “Yes, us.” Napalunok ako sabay kurap ng ilang beses. “Come on!” Agad niyang kinuha ang aking kamay saka ako hinila pa

