It was actually my first time to ride a bike with a guy here who happened to be my date all of a sudden. Saying a yes for allowing him to date me was just a spur in the moment. Hindi ko rin alam pero ngayon, natutuwa ako sa kaniya. “It’s really beautiful here,” aniya na ngayon ay sumasabay sa akin sa pagpadyak ng kaniyang bisikleta. “I agree,” tugon ko saka sumulyap sa paligid. Dagdag ko, “Lalo na kapag magandang katulad ko ang kasama mo.” Nanliit ang kaniyang mga mata habang nangingiti dahil sa aking sinabi. Natawa ako kasi hindi na naman niya ako naintindihan. “What’s that?” Sa halip na sagutin siya ay umiling ako. “Hey, that’s unfair! You should’ve at least tell me!” natatawang reklamo niya. “No,” mabilis kong sagot. “You’re so unfair! I can’t understand you.” “Just never mind,

