Chapter 23

1174 Words
Isa pang halik sa aking pisngi ang aking naramdaman pagkatapos niyon. Hindi ako makagalaw ni makapagsalita. May dayuhang pakiramdam akong naramdaman ng mga sandaling iyon dahil sa init ng kaniyang hininga na tumatama sa aking mukha. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib lalo pa nang marinig kong ibinaba niya ang tray sa lapag at mas lumapit pa sa akin. Ramdam kong wala ng natitirang espasyo sa pagitan namin at halos yakapin na niya ako. “Calli...” bulong ni Maxim na lalong nagbigay ng nerbyos sa akin. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakapikit. Hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit hindi ko magawang magmulat. Hindi ko alam kung takot ba ang dahilan ng pagkabog ng aking dibdib o gusto ko ang ginagawa niya kaya hindi ko siya magawang pigilan? It was not long before Maxim cupped my face. Rinig na rinig ko ang bigat ng kaniyang paghinga bago muling dumampi ang kaniyang mga labi sa aking ilong. “Look at me, Calli.” Parang may kung anong mahika ang nagtulak sa akin na sundin ang kaniyang sinabi. Pagmulat ko nga ay tumambad sa akin ang napakalapit niyang mukha. Amoy na amoy ko ang matapang niyang pamango na bahagyang nahaluan ng amoy ng manok na aming kinakain kanina. Kusang dumampi ang aking mga kamay sa kaniyang mga kamay na nasa aking mga pisngi. Sa lapit niya ay kitang-kita ko ang detalye ng kaniyang mukha. “Can I kiss you?” mapang-akit na bulong ni Maxim kaya mas lalong dinaga ang aking dibdib. Hindi agad ako nakasagot. Ang pamilyar na linyang iyon ay nakapagpaalala sa akin kay Line at sa isang palabas na napanood namin sa isang bus pauwi sa bahay isang araw nang manggaling kami sa mall. Nawala ang aking atensyon sa pagkalikot ng aking telepono nang marinig ko ang pigil na pagtili ni Line na nasa aking tabi. Kumunot naman ang noo ko dahil halos kainin na niya ang kaniyang mga kuko habang nakatingin sa TV ng bus. “Line, para kang naipit na daga riyan. Ano’ng nangyayari sa iyo?” pabulyaw na sabi ko sa kaniya sabay siniko ang kaniyang braso. Tiningnan niya ako at mas lalo lang lumakas ang kaniyang tili. Agad akong napalingon sa aming gilid nang may makapansin sa amin kaya naman ay nahampas ko ang kaniyang braso. “Gaga ka! Ang ingay mo!” Minulagaan ko siya pero sa halip na tumigil ay pinalingon niya ako sa TV. “Nakakakilig kasi, Calli! Tingnan mo, panoorin mo!” Naiinis namang tumingin nga ako sa taas kung nasaan ang TV ng bus. May magkasintahan doon sa palabas. Kapuwa sila nakaupo sa kama at magkaharap. Itong si lalaki ay titig na titig doon sa babaeng kaharap niya. “Can I kiss you?” bulong niyong lalaki sa palabas saka hinaplos ang pisngi niyong babae. Halos mabulabog ang loob ng bus sa sumunod na ginawa ni Line “Omg aaahhh!” sigaw niya at nagpapadyak pa roon. “Line, mahiya ka naman! Ang lakas-lakas ng tili mo, ano ka ba?” muli kong bulyaw sa kaniya. Tiningnan niya ako. Aniya, “Alam mo bang pangarap ko iyan? Iyan mismong ginawa niyong lalaki doon sa girlfriend niya! Iyong hahalikan! Masarap iyon—” Tinampal ko kaagad ang kaniyang bibig. “Gaga, ang laswa mo!” Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil sa kagagahan niya makaraang hindi na niya ako pansinin. Napanguso ako saka pasimpleng tuminging muli sa TV kung saan ay naghahalikan na nga sila. Masarap ba talaga iyon? “Calli, are you still awake?” Dahil sa tanong na iyon ni Maxim ay agad akong napamulat. Bumalik ako sa katotohanan. Kasabay niyon ang pagkurba ng kaniyang mga labi na nag-uudyok sa akin para sumang-ayon sa kaniyang gusto. Why wouldn’t I try it? “You want to... to kiss me?” nauutal kong sabi. Maxim caressed both of my cheeks so that I couldn’t take may eyes off from his dark brown eyes that were so soothing, making me feel like I was the most valuable woman. “Trust me,” sabi niya sa napakaseryosong hitsura at boses. It was as if this was a gamble between lose or win in a war. I knew I was completely sober from alcohol dahil sa kahihiyang nangyari kanina sa banyo at sadyang mataas ang alcohol tolerance ni Maxim kaya sigurado akong nasa huwisyo kaming dalawa. That was a hundred percent. But I just froze when Maxim pressed a brief peck on my lips. I didn’t felt harassed nor abused. No rejection. Nang tingnan ako ni Maxim para siguro silipin nang maigi ang naging reaksyon ko ay bahagya siyang ngumiti nang makita niyang hindi ako nagalit. It was not long before he landed another kiss on my lips and this time, the kiss was intense that made my body heat up. Hindi pa sa tanang buhay ko na nakipaghalikan ako sa isang lalaki pero nang gabing iyon ay parang sanay na ako kung paano tutugunin ang galaw ng kaniyang mga labi. Naibaba ko ang aking mga kamay saka itinuon sa kama bilang suporta sa aking likuran habang sinisiil ni Maxim ang ngayo’y pasaway kong mga labing walang pakundangan sa pagsagot ng kaniyang mga halik. Agad akong napamulat at napabuntong-hininga nang biglang itigil ni Maxim ang kaniyang ginagawa. Kita ko ang malaki niyang ngiti pero pakiramdam ko ay nadismaya ako. Tila’y naadik ako agad sa bagay na iyon. But it was not long before Maxim gave me another kiss, a passionate one and lied me down on bed slowly. Walang ibang laman ang utak ko ng mga sandaling iyon maliban sa posible naming magawa ni Maxim. Habang siil-siil pa ni Maxim ang aking mga labi ay naramdaman ko ang paggapang ng kaniyang isang kamay papasok sa loob ng aking suot na long sleeves. Para iyong kiliti sa akin na ayaw kong tumigil. Lahat ay bago sa akin ang pakiramdam; habol na paghinga at tila bahagyang pagtibok ng nasa pagitan ng aking mga hita. Nasa tiyan ko pa lamang ang mainit niyang kamay nang mabulabog kaming dalawa sa malakas na tunog ng aking telepono. Kusa na kaming napabitiw sa isa’t isa bago nagkatitigan. Iyong volume ng cellphone ko, lagpas yata sa full level dahil sa sobrang lakas. Dahil doon ay tila bumalik sa katawan ko ang kaluluwa ni Calli na ayaw na ayaw mag-asawa kaya agad na naitulak ko si Maxim palayo sa akin na bahagya niyang ikinagulat. “I’m sorry,” natatarantang sabi ko saka tumayo at kinuha iyong teleponong nahulog na pala sa lapag. Nang makita ko pang si Mama pala iyong tumatawag ay lalo akong napaisip sa kung anong nagawa ko ngayon. “Mama, sadya bang may itinatago talagang kalandian itong anak mong si Calli?” ipit-boses kong sabi sa aking sarili saka napakagat-labi. Namilog na lamang ang aking mga mata nang makita sa notification ang sunod na text ni Mama. “Sinong katanan mo?” Ano kayang magandang pansakal kay Line, lubid, tamsi, o sinulid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD