Chapter 24

1018 Words
Hindi ko na nilingon pa si Maxim bago ako napatakbo sa loob ng banyo. Nangangatal ang kamay ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba ang tawag ni Mama o bukas ko na lang siya kakausapin kapag nasa Itaewon na ako. Ano na lang idadahilan ko sa kaniya kapag nabuking niya na sumama ako sa lalaking kakikilala ko pa lang? I muted my phone para hindi na ito mag-ingay pa sa kari-ring. Mayamaya pa ay sumulpot sa notification ang text ni Line. “Uy, Calli. Sorry na agad!” Agad akong napairap habang nakatitig pa rin sa green button na tumatalon-talon sa screen ng cellphone ko. “Kahit kailan talaga itong si Line, madaldal!” Huminga ako nang malalim bago ko sinagot ang tawag ni Mama. Bahala na. Ang mahalaga ay hindi kami natuloy ni Maxim sa kung ano’ng nasimulan namin kanina na wala naman talaga sa plano ko. Nagulat na lang ako dahil sa halip na sigaw niya ang bumungad sa aking mga tainga ay katahimikan lang ang nasa kabilang linya. Nakagat ko ang aking kuko bago ako nakapagsalita. “Mama?” halos pabulong na sabi ko. Isang paghinga ang narinig ko pagkatapos. Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung nabuwelo ba si Mama bago ako sigawan o nag-iisip pa siya ng sasabihing sermon sa akin. “Mama?” ulit ko pero tanging paghinga lang niya ang naririnig ko. “Inay Monet?” Bahagya namang akong nagulat nang magsalita na nga si Mama. Mahinahon naman siya, sadyang nagulat lang talaga ako. “Alam kong hindi totoo ang sinabi ni Line na may katanan ka raw diyan kaya hindi ka na nagparamdam. Gusto ko lang malaman kung nasaan ka na at kung maayos ka bang nakarating diyan sa Itaewon?” Iyong mga tuhod ko, kusang gumagalaw; nangangatal. Para akong matutumba kaya agad akong naupo sa takip niyong bowl. Daig ko pa ang naligo sa yelo o ang pumatay ng tao dahil sa kaba. “Ano po. Okay lang ako, Ma. Safe. Walang labis, walang kulang,” kinakabahan kong tugon. Sana kumagat muna si Mama sa palusot ko. “Nasaan ang Lola Yumi mo? Pakausap naman ako, anak.” Heto na nga ba ang sinasabi ko. “Ano, Ma...” natataranta kong sabi bago napakamot sa ulo ko. “Ma, ano kasi... nasa CR pa kasi ako. Napadami ang kain ko niyong Tteokbokki kaya heto ako. Saka ano’ng oras na, Ma. Advance dito ng one hour. Alas dies na, tulog na si Lola.” Hindi ko alam kung umubra ba kay Mama iyong palusot ko. Nanahimik na naman kasi roon sa kabilang linya. “Sige, may tiwala naman ako sa iyo. Basta mag-enjoy ka riyan. Huwag kang pasaway sa Lola mo. Tawagan mo ako bukas para makumusta ko rin siya,” aniya na mukhang naniwala nga sa akin. Hindi ko alam kung makokonsensya na ba ako agad at aamin, e. “Opo,” tanging naitugon ko. “Saka kung sakaling nakipagtanan ka nga, lalaki agad ha?” “Mama—” Para akong nabilaukan sa sinabi ni Mama. Ngunit bago pa man ako makapagreklamo sa kaniyang sinabi ay agad niya akong pinatayan ng tawag. Letse? Hirap na hirap ako kung paano mag-iisip ng kuwento at palusot tapos gusto pa pala niya ng lalaking apo? Instant? “Calli?” Muling nabulabog ang sistema ko sa katok ni Maxim sa pinto ng banyo. “Are you alright? Please come out. Talk to me. Let’s talk,” sabi pa niya. Bigla akong nahiya sa ginawa ko kay Maxim. Parang ang bastos ko sa ginawa kong pagtulak sa kaniya gayong ginusto ko naman iyong kanina. Hay, Calli! Ayusin mo ang pagharot mo! Lumapit ako sa pinto at dahan-dahan iyong binuksan. Parehas lang kaming nakasilip sa pinto at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. “Do I need to say sorry?” bulong niya. Iyong hitsura niya ay parang takot. Takot na baka galit ako sa kaniya. Binuksan ko na nang tuluyan iyong pinto saka siya hinarap at umiling. Pagkalabas ko ay tinitigan ko siya. Sagot ko, “No, Maxim. You don’t have to say sorry. Anyway, my mom called.” Tumango-tango siya. “But why did you push me?” Huminga ako nang malalim habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman talaga siya dapat humingi ng tawad. Una sa lahat, ginusto ko iyon pero pasalamat na lang ako dahil bumalik ako sa huwisyo at nakontrol ang lahat. Ayaw kong may mangyaring mas malala pa sa isang heartbreak; ang pagsuko ng p********e ko sa lalaking hindi ko pa talaga sigurado kung mahal ba talaga ako o mamahalin ako hanggang sa huli. “I’m sorry about that, but what happened to us earlier wasn’t really in my plan,” diretsong paliwanag ko. “I should’ve been in Itaewon with my grandmother if only I didn’t go with you here. But I am not blaming anyone. I just that—” “You’re not ready,” putol niya sa sinasabi ko. Ngumiti siya. “And I understand that. I’m sorry if I became aggressive. I won’t do it again if it would just make you uncomfortable. I promise. But let me ask you one more thing.” Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang kaniyang tanong. “Do you regret that you met me?” Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. Maxim was actually a good catch and a good guy. I really wish that this relationship I created with Maxim would work out. Gusto ko lang muna na dahan-dahanin ang lahat. Sa halip na sagutin siya ay lumapit ako sa kaniya. Tumingkayad ako nang bahagya saka siya niyakap. “I am not regretting that, Maxim. Don’t worry,” sabi ko sabay tapik sa kaniyang balikat. “Glad to hear that,” aniya saka niya ako niyakap pabalik. “Let’s sleep already and I’ll take you to Itaewon tomorrow morning.” Nangiti na lamang ako sa kaniyang sinabi saka ko mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD