Kinabukasan ay nauna akong magising kaysa kay Maxim. Agad akong lumingon sa aking tabi at nadatnan ko siya sa sofa bed gilid, tahimik at mahimbing pang natutulog.
Napangiti na lang ako nang maalala ko kung ano pa’ng nangyari kagabi bago kami matulog.
“Let’s sleep? Go to bed and I’ll go... there,” aniya sabay turo doon sa sofa bed. Tumaas ang kilay ko.
Lumingon ako sa kama saka siya muling tiningnan. Sabi ko, “Why not on bed? We can share.”
“No,” mabilis niyang sagot sabay iling. “If I sleep beside you, you’re too close to me. I won’t be able to sleep.”
Nanliit ang mga mata ko sa kaniyang sinabi at kung ano ang kaniyang hitsura ngayon. Para siyang balisa na nahihiya.
“What di you mean? The bed is too big for me. I’m sure we can share—”
“Look, Calli. If we’re on bed, I bet I couldn’t refrain myself from not kissing you. Don’t blame me,” he cut in.
“A-ano?”
Nagulat naman ako sa sagot niya kaya hindi agad ako nakapagsalita pa ulit. Nagkamot siya sa kaniyang ulo bago pa niya sinabing, “I’ll go to sofa bed, okay? You can have the bed. But before that...”
Tinitigan niya ako sa aking mga mata hanggang sa bumaba iyon sa aking mga labi kaya naman ay agad akong napalunok.
“Maxim...”
“Can I kiss you one more time?”
Nag-iwas ako ng tingin. Ang hirap sabihing oo, ayaw ko rin namang tumanggi. Sa muling pagharap ko sa kaniya ay may sumalubong na sa labi ko.
He stole another kiss from me.
Namimilog ang mga mata ko dahil sa ginawa niya habang pinapanood ko siya ngayong tumakbo papunta roon sa sofa bed. Halos mahulog pa siya roon sa pagmamadali niyang tumakas sa kaniyang ginawa. Natawa na lang ako nang tumalikod siya sa kaniyang paghiga.
“Goodnight?” nauutal kong sabi bago ako napahawak sa aking labi.
“Goodnight,” tugon niya habang nakatalikod pa rin sa akin. Nahiya pa siyang tingnan ako dahil sa smack kiss pero sa laplapan—okay. Ang sagwa namang pakinggan.
Ngumiti na lang ako bago sumampa sa kama at nakatulog akong iniisip ang malambot na labi ni Maxim.
Mayamaya’y dumating na ang breakfast at sa pagkakataong iyon ay gising na si Maxim. Kumain lang kami bago naghanda sa pag-alis.
Nang araw din na iyon ay inihatid ako ni Maxim patungong Itaewon kung saan ako dapat talaga didiretso kahapon. Pero dahil sa kaniya ay naiba ang plano.
Pero masaya ako.
Habang nasa loob kami ng taxi ay bigla akong napaisip kung totoo na ba talaga ang lahat sa amin ni Maxim at kung posible ba talagang mag-work ang set up naming dalawa.
Nahinto ang mga pagbuntong-hininga ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. He intertwined it with mine kaya agad akong nakaramdam ng kilig na agad kong itinago sa kaniya.
“I really like you, Calli,” bulong niya kaya naman ay hindi ko napigilang hindi mapangiti. Bilang tugon ay humilig ako sa kaniyang balikat saka hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay.
Pagkarating namin ay nakita ko agad si Lola Yumi at Lolo Geunsoo sa labas ng kanilang apartment habang nagdidilig ng halaman.
“Lola Yumi! Lolo Geunsoo!” hiyaw ko dahilan para mapalingon sila sa gawi namin ni Maxim.
“Apo? Calli?”
Tumakbo ako papalapit sa kanila saka sila niyakap.
“Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nanggaling? Mabuti na lang at nagawan ko ng palusot nang tanungin ka ng mama mo sa akin kagabi,” sumbong agad sa akin ni Lola Yumi kaya mas humigpit ang yakap ko sa kaniya.
Napakagat-labi ako sa sinabi ni Lola. Pati siya ay nakapagsinungaling pa para lang sa akin.
“Salamat, Lola. Pasensya na po kayo,” sabi ko saka nilingon si Maxim na bitbit ang mga gamit ko.
Nang lumapit sa amin si Lolo Geunsoo na isang Koreano ay agad akong nag-bow bilang paggalang.
“Haraboeji, annyeonghaseyo,” Hello, Grandpa, bati ko sa kaniya. Ngumiti naman siya bilang tugon.
“Lola, Lolo, I’m with Maxim,” pagpapakilala ko kay Maxim sa kanila. “Maxim, come here!”
Sinenyasan ko siyang lumapit sa amin kaya awtomatiko naman siyang ngumiti.
“Good morning, I’m Maxim, Calli’s husband,” aniya makaraang makalapit na siya sa amin.
Namilog ang mga mata ni Lola Yumi, kahit naman ako. Asawa na agad? Sinundot ko si Maxim sa tagiliran niya saka siya minulagaan.
“What are you saying?” ipit-boses kong tanong sa kaniya.
Natawa naman siya. Sabi niya, “Why? It’s true.”
Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam na tawaging asawa. Parang kinikiliti ang pisngi ko para ngumiti nang malapad.
Nilingon ko si Lola na hindi matawaran ang pagngiti. Mukhang kumagat siya sa biro nitong isa.
Natatawang umiling ako. Sabi ko, “Lola, hindi ko siya asawa pero alam ninyo bang gustong-gusto niya ako?”
“Calli, don’t make me look bad,” biglang sabi ni Maxim na tila balisa na naman sa kung ano ang sinabi ko kay Lola. Hindi niya kasi iyon naintindihan kaya akala niya siguro ay sinisiraan ko siya. Natawa na lang ako. Kinindatan ko pa siya bago ko muling binalingan ng tingin si Lola na bumubungisngis lamang.
“Ang ganda-ganda mo, Apo,” aniya.
“Kayo naman, Lola. Biro agad ang pa-breakfast mo sa akin,” natatawa kong sambit kaya sa muli niyang pagtawa ay halos mawala ang kaniyang mga mata. May pagkasingkit din kasi si Lola Yumi.
Mayamaya’y tiningnan niya si Maxim sa aking tabi na walang kaide-ideya sa aming pinag-uusapan.
“Ya khochu vnuka muzhskogo pola,” sabi ni Lola na kapuwa ikinagulat namin ni Maxim.
Sandali, kailan pa natutong mag-Russian si Lola? At dahil halos kainin niya ang pagbigkas ng salita ay hindi ko iyon agad naintindihan maliban sa salitang ang ibig sabihin ay lalaki.
Lalaki?
“Lola, kailan pa kayo natutong mag-Russian?” tanong ko pero nakatuon ang atensyon niya kay Maxim.
Pagkuwa’y napalitan ng isang ngiti ang pagkagulat ni Maxim. Tugon niya, “Eto zavisit ot Calli, yesli ona khochet imet' ot menya rebenka.”
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sila maintindihan. Sa hitsura nilang dalawa ay parang pinagkakaisahan nila agad ako. Bilang pagsabat ay kinalabit ko si Maxim saka tiningnan nang masama sabay taas ng kilay.
Agad siyang napalunok. O, magaling pala siyang umintindi ng tingin language? Tingin ko pa lang, napapalunok na siya.
“Calli, apo. Huwag mo namang mulagaan ang asawa mo. Isang lalaking apo lang naman ang hiling ko, e.”
Napasapo na lang ako sa noo ko.