“Ya khochu vnuka muzhskogo pola,” I want a male grandchild, sabi ni Lola na kapuwa ikinagulat namin ni Maxim.
Sandali, kailan pa natutong mag-Russian si Lola? At dahil halos kainin niya ang pagbigkas ng salita ay hindi ko iyon agad naintindihan maliban sa salitang ang ibig sabihin ay lalaki.
Lalaki?
“Lola, kailan pa kayo natutong mag-Russian?” tanong ko pero nakatuon ang atensyon niya kay Maxim.
Pagkuwa’y napalitan ng isang ngiti ang pagkagulat ni Maxim. Tugon niya, “Eto zavisit ot Calli, yesli ona khochet imet' ot menya rebenka.” It’s up to Calli if she wants to have a baby with me.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sila maintindihan. Sa hitsura nilang dalawa ay parang pinagkakaisahan nila agad ako. Bilang pagsabat ay kinalabit ko si Maxim saka tiningnan nang masama sabay taas ng kilay.
Agad siyang napalunok. O, magaling pala siyang umintindi ng tingin language? Tingin ko pa lang, napapalunok na siya.
“Calli, apo. Huwag mo namang mulagaan ang asawa mo. Isang lalaking apo lang naman ang hiling ko, e.”
Napasapo na lang ako sa noo ko.
Parang kagabi lang, iyon din ang narinig ko mula kay Mama. Like mother, like daughter, e?
“Lola naman, hindi ko pa naman po siya asawa. Bata pa po kami,” katuwiran ko.
Tinapik ni Lola ang balikat ko. Aniya, “Bata pa pero natulog ka kagabing kasama siya?” Tiningnan niya si Maxim na nagkakamot sa kaniyang batok. “Huwag mong itatanggi dahil hindi ka pupunta rito nang may kasamang lalaki nang ganitong kaaga. Hindi ka rin naman susuot kung saan pagkalapag mo rito sa Korea kung hindi siya ang kasama mo kahapon. Ang tanong ko pa, isinuko mo na ba ang bataan?”
“P-po?”
Sa daldal ni Lola ay hindi ko napigilang ma-pressure at agad na ihilis ang topic. Agad kong ipinulupot ang aking braso sa kaniya bago siya iginiya pabalik sa daan patunong apartment.
“Alam mo, Lola, wala pong ganoon. Hindi po. Nagkataon po kasing nag-inom kami sa isang tent bar kagabi at inabot ako ng pagod. Pero promise po, walang nangyari sa amin.”
Kusa kong nakagat ang aking ibabang labi dahil sa biglang pagtatalo na nagaganap sa utak ko ngayon. Mayroon ba talaga o wala?
“Please, let me love you, Calli,” bulong niya sa aking tainga matapos niya akong bigyan ng isang halik sa aking pisngi.
Isa pang halik sa aking pisngi ang aking naramdaman pagkatapos niyon. Hindi ako makagalaw ni makapagsalita. May dayuhang pakiramdam akong naramdaman ng mga sandaling iyon dahil sa init ng kaniyang hininga na tumatama sa aking mukha. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib lalo pa nang marinig kong ibinaba niya ang tray sa lapag at mas lumapit pa sa akin. Ramdam kong wala ng natitirang espasyo sa pagitan namin at halos yakapin na niya ako.
“Calli...” bulong ni Maxim na lalong nagbigay ng nerbyos sa akin.
Hindi ako nagsalita at nanatiling nakapikit. Hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit hindi ko magawang magmulat. Hindi ko alam kung takot ba ang dahilan ng pagkabog ng aking dibdib o gusto ko ang ginagawa niya kaya hindi ko siya magawang pigilan?
It was not long before Maxim cupped my face. Rinig na rinig ko ang bigat ng kaniyang paghinga bago muling dumampi ang kaniyang mga labi sa aking ilong.
“Look at me, Calli.”
Parang may kung anong mahika ang nagtulak sa akin na sundin ang kaniyang sinabi. Pagmulat ko nga ay tumambad sa akin ang napakalapit niyang mukha. Amoy na amoy ko ang matapang niyang pamango na bahagyang nahaluan ng amoy ng manok na aming kinakain kanina.
Kusang dumampi ang aking mga kamay sa kaniyang mga kamay na nasa aking mga pisngi. Sa lapit niya ay kitang-kita ko ang detalye ng kaniyang mukha.
“Can I kiss you?” mapang-akit na bulong ni Maxim kaya mas lalong dinaga ang aking dibdib.
Hindi agad ako nakasagot.
Maxim caressed both of my cheeks so that I couldn’t take may eyes off from his dark brown eyes that were so soothing, making me feel like I was the most valuable woman.
“Trust me,” sabi niya sa napakaseryosong hitsura at boses. It was as if this was a gamble between lose or win in a war.
I knew I was completely sober from alcohol dahil sa kahihiyang nangyari kanina sa banyo at sadyang mataas ang alcohol tolerance ni Maxim kaya sigurado akong nasa huwisyo kaming dalawa. That was a hundred percent. But I just froze when Maxim pressed a brief peck on my lips. I didn’t felt harassed nor abused. No rejection.
Nang tingnan ako ni Maxim para siguro silipin nang maigi ang naging reaksyon ko ay bahagya siyang ngumiti nang makita niyang hindi ako nagalit. It was not long before he landed another kiss on my lips and this time, the kiss was intense that made my body heat up.
Hindi pa sa tanang buhay ko na nakipaghalikan ako sa isang lalaki pero nang gabing iyon ay parang sanay na ako kung paano tutugunin ang galaw ng kaniyang mga labi. Naibaba ko ang aking mga kamay saka itinuon sa kama bilang suporta sa aking likuran habang sinisiil ni Maxim ang ngayo’y pasaway kong mga labing walang pakundangan sa pagsagot ng kaniyang mga halik.
Agad akong napamulat at napabuntong-hininga nang biglang itigil ni Maxim ang kaniyang ginagawa. Kita ko ang malaki niyang ngiti pero pakiramdam ko ay nadismaya ako. Tila’y naadik ako agad sa bagay na iyon. But it was not long before Maxim gave me another kiss, a passionate one and lied me down on bed slowly.
Walang ibang laman ang utak ko ng mga sandaling iyon maliban sa posible naming magawa ni Maxim. Habang siil-siil pa ni Maxim ang aking mga labi ay naramdaman ko ang paggapang ng kaniyang isang kamay papasok sa loob ng aking suot na long sleeves. Para iyong kiliti sa akin na ayaw kong tumigil. Lahat ay bago sa akin ang pakiramdam; habol na paghinga at tila bahagyang pagtibok ng nasa pagitan ng aking mga hita.
Nasa tiyan ko pa lamang ang mainit niyang kamay nang mabulabog kaming dalawa sa malakas na tunog ng aking telepono. Kusa na kaming napabitiw sa isa’t isa bago nagkatitigan.
Mayamaya’y bumungisngis si Lola. Aniya, “Muntik lang?”
Agad akong nasamid sa sarili kong laway dahil pakiramdam ko ay iyon ang saktong sagot sa tanong ng utak ko kanina.
Ngumiti siya sa akin bago niya tinawag sina Lolo Geunsoo at Maxim na tila ay nagkasundo na habang naglalakad sa may likuran namin.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa ngiti ni Lola. Nagkibit-balikat na lamang ako bago ngumiti bilang tugon.
Tinapik ni Lola ang aking balikat habang hinihintay iyong dalawa. Sabi pa niya, “Naiintindihan ko kung ano man ang nangyari sa inyo ng lalaking iyon. Kahit hindi mo sabihin, naiintindihan ko. Proud ako sa iyo kung nagawa mong kontrolin iyon, Apo. Iyon lang ang mahalaga. Huwag ibibigay ang pinakaimportanteng bagay sa taong hindi ka pa sigurado.”