Bwisit talaga! Bakit ba lahat ng mga nakapaligid sa akin ay traydor? “Calli Silvallana!” sigaw niya habang hinahampas ang braso ko. “May pa-kiss scene ka na pala sa Korea?!” “Hindi iyon kiss scene!” depensa ko habang ubong-ubo pa rin. “At bakit ba kasi kinukuwento mo iyan?!” singhal ko kay Morris. “What?” natatawa niyang sagot. “Akala ko alam na niya.” “Hindi ko alam!” sigaw naman ni Line. Agad akong lumingon kay Chadri. At ang walanghiya— Tahimik lang na nakaupo sa sofa habang nakasandal at nakatingin sa akin na parang naaaliw. “Traitor ka rin pala,” inis kong sabi. Bahagya siyang ngumisi. “I thought it was public information.” “Public information mukha mo!” Mas lalo silang tumawa. Punyemas. Pakiramdam ko talaga pinagtutulungan nila ako. “Wait lang,” ani Line habang hawak p

