Tahimik lang akong nakatingin sa paru-parong paikot-ikot sa mga halaman sa labas ng bintana. Beautiful things leave. Palagi naman. Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang paglapag ng baso ni Chadri sa counter. Hindi siya agad nagsalita. At mas lalo akong naiilang sa katahimikang iyon. “I’m not Sebastian.” Mahina lang ang boses niya pero sapat para marinig ko. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko roon. Kasi paano kung hindi nga siya katulad ni Sebastian? Paano kung mas delikado siya dahil gusto ko siyang paniwalaan? “I should go,” saad niya pagkaraan ng ilang segundo. Bahagya akong napakurap saka napalingon sa kaniya. Tahimik lang siyang nakatayo roon habang hawak ang kaniyang baso. Nakatingin siya sa akin pero wala na iyong usual na pang-

