“Do not say anything stupid.” “Too late.” “CHADRI.” Narinig ko ulit ang mahina niyang tawa bago naputol ang tawag. Napabuntong-hininga ako habang hawak pa rin ang cellphone ko. Punyemas. Bakit ba parang lagi akong nadadamay sa gulo ng lalaking iyon? “Attorney?” tawag ng isang intern habang napapadaan sa cubicle ko. Napakurap ako saka mabilis na kinuha ang bag ko. “May emergency lang ako.” “Court-related po?” “Unfortunately, no.” Paglabas ko ng law firm ay agad akong sinalubong ng mainit na hangin ng Maynila. Traffic. Busina. Usok. At init na parang gustong tunawin ang buong pagkatao ko. Mabilis akong sumakay ng taxi habang paulit-ulit na iniisip kung paano ba nasagi ni Chadri ang kotse ng kapitbahay. At bakit ako pa talaga ang tinawagan niya? Pagdating ko sa subdivision

