Nakatayo lang si Chadri ilang hakbang mula sa akin habang hawak iyong car keys niya. Sa likod niya ay iyong pamilyar niyang sasakyan na nakapark sa gilid ng street. Tahimik iyong paligid maliban sa sunod-sunod na busina mula sa kalsada at mahinang usapan ng mga empleyadong nagsisilabasan na rin mula sa ibang buildings. Pero parang kami lang iyong naririnig ko ngayon. “Hi,” sambit niya nang mahinahon. Napakurap ako bago mabilis na umiwas ng tingin. “Hi.” Leche. Bakit parang awkward bigla? Maya-maya pa ay bahagya siyang lumapit. “Have you been waiting long?” “Hindi naman.” Tumango siya nang maliit. Tahimik ulit. At doon ko na-realize— first time yata naming maging ganito ka-conscious sa isa’t isa matapos iyong argument namin. No teasing. No playful comments. Wala. Parang pa

