Leche. Ako naman iyong nagsabi no’n. Ako iyong naglatag ng boundaries. Pero bakit parang ako rin iyong nasasaktan ngayon? “Anak?” Napalingon ako agad nang marinig ko iyong boses ni Mama mula sa may screen door namin. Mukhang kanina pa pala siya nakatingin mula sa loob ng bahay. “Bakit nasa labas ka pa?” Mabilis akong umiwas ng tingin saka pilit inayos iyong expression ko. “Wala po.” Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi na rin siya nagtanong pa. Kilala niya ako. Alam niyang mas lalo lang akong tatahimik kapag pinilit. “Pumasok ka na. Mainit pa pagkain.” Tahimik akong tumango saka sumunod papasok ng bahay. Unfortunately— kahit nasa dining table na ako habang pilit sumusubo ng hapunan, bumabalik pa rin sa isip ko iyong mukha ni Chadri kanina. “You’re right.” “We’re not together.

