Tahimik lang kaming nakatayo sa harap ng gate namin habang papalayo iyong sasakyan ni Ephraim sa street. Mula sa malayo ay may tahol ng aso at mahinang tunog ng telebisyon mula sa mga bahay ng kapitbahay pero parang wala akong marinig nang maayos dahil sa bigat ng atmosphere sa pagitan namin. “I called you five times.” Napakuyom ako nang bahagya sa bag ko. “I know.” “And you ignored all of them.” Napabuntong-hininga ako. “Galit pa kasi ako.” Bahagya siyang natawa pero walang amusement doon. “So your solution was getting a ride from another man?” Napakunot-noo agad ako. “Excuse me?” “You heard me.” Parang may kung anong kumalabit agad sa inis ko. “What exactly are you trying to say, Chadri?” Hindi siya agad sumagot. Tahimik lang siyang nakatingin sa akin habang umiihip iyong h

