“Tita Lily naman!” reklamo ko habang ramdam kong umiinit buong mukha ko sa hiya. “Ang lakas-lakas ng boses ninyo!” “Eh ano naman ngayon?” sagot agad ni Tita Lily habang nakapamaywang na ngayon sa gate nila. Nakasuot lang siya ng floral na duster at pink na tsinelas habang hawak iyong plastic na pamaypay na ginagamit niya pangtutok sa amin. “Aba’y alas-onse na, ihahatid-hatid ka nitong guwapong foreigner tapos gusto mo tahimik lang kami rito?” “Tita…” halos mahinang daing ko na lang. Mula sa tabi ko ay narinig kong pigil na pigil iyong tawa ni Chadri. Leche. Talagang enjoy na enjoy siya. “Good evening, Tita Lily,” bati pa niya nang maayos. At lalo lang lumawak ngiti ni Tita Lily. “Ayan! Ganiyan dapat! Mabait!” sambit nito saka ako tiningnan. “Ikaw kasi, Calli, parang laging galit sa

