“Ate?” nagtatakang tanong ko. “Anong ginagawa mo rito?” “Hindi ka na kasi pumupunta sa bahay kaya naman naisipan ko na dalawin ka rito sa apartment mo. Mabuti na lang at hindi ako masyadong nahirapan hanapin,” masayang sabi niya pa. “Bakit hindi ka nagsasabi na pupunta ka rito? Alam mo ba kung gaano ako kinakabahan kanina dahil baka mamaya ay may masamang loob na nakapasok sa bahay ko?” inis na sabi ko. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang panginginig ng ko dahil sa kaba at takot. Buti na lang at nakilala ko siya kahit na nakatalikod siya kanina. Dahil kung hindi ay baka nahampas ko na siya sa ulo. Masyado ata akong na-praning kanina kaya naman pati 'yong iobang kwarto at banyo ay ni-double check ko. Saka ko lang din napansin na umaga na pala dahil maliwanag na sa labas. Pakir

