Chapter 67

1695 Words

Matapos sabihin ‘yon ni ate ay nagtalo pa kami. Gusto ko kasing malaman kung bakit gustong-gusto niya na mag-resign ako, pero ayaw naman niyang sabihin kung ano ang dahilan. Hindi naman ako manghuhula na kapag sinabi niyang umalis ako ay malalaman ko agad kung bakit. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gano’n na lang ang reaksyon niya. Kung ano-ano pa nga ang sinasabi niya kay Sir Alexander na akala mo ay kilalang-kilala niya. Naiinis ako dahil kung ano-anong pinagsasabi niya at naiinis naman siya sa akin dahil pinagtatanggol ko si Sir Alexander. Hanggang sa ilang minuto pa kaming nagtalo. Natigil lang kami ng bigla na lang siyang nag-walkout. Hindi ko naman na siya hinabol pa dahil naiinis din ako. Isa pa ay siya naman ang may gusto na umalis ng hindi inaayos ‘tong pagtatalo namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD