“Ayos lang ba ‘tong kilay ko? Hindi ba siya masyadong makapal tignan?” tanong ko. Hindi kasi ako sigurado kung pantay ba ‘tong pagkakalagay ko. Tingin ko kasi ay ayos naman siya tignan, ‘yon nga lang ay baka makapal ‘yong isa tapos ‘yong isa sakto lang. “Yes, accla, oks na siya. Kaya lang parang oily ang feslak mo, mag-apply ka ng press powder. Then ayan gora ka na,” Mackie said. Hindi kami magkasama ngayon pero magkausap kami sa phone. Tumawag kasi siya kanina para mangamusta. Nakakatuwa lang din dahil nagkaro’n ulit ako ng bagong kaibigan, thanks to Hershey. “Maganda ka na sismars, tama na ‘yan, baka ma-late ka pa sa trabaho mo,” pahabol na sabi niya pa. After ko kasing mag-apply ng face powder ay ni-check ko pa ‘yong sarili ko sa salamin. Pansin ko nga ang dalas ko na rin mag-ayos
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


