Pagpasok ko sa loob ay ipinakita ko sa kanya ‘yong mini-proposal na ginawa ko. Hindi talaga siya proposal kasi kaunting information lang naman ang nakalagay do’n. Kanina ko lang din kasi ginawa ‘yon at kulang na rin ako sa time kaya hindi siya sobrang ayos. Pero suggestion ko pa lang naman ‘to kaya naman gan’yan lang muna ang gawa ko. “Mind to explain?” “Naisip ko lang po, Sir. Since for this quarter, ang plano is mapataas ‘yong sales natin, why not we use some influencers? With that, we can work together with some famous influencers and ask them if they feature our products and magazine,” paliwanag ko. “Hmm, how can we do that?” “We can first start reaching out sa mga influencers, then much better kung free lang ‘yong magiging promotion natin sa kanila, but still, we can give some t

