Chapter 81

1654 Words

Kinabukasan, dahil wala naman akong pasok ay maaga rin akong nag-asikaso. Wala rin naman akong masyadong gagawin ngayong araw kaya naman inagahan ko na rin ang punta ko sa salon ni Mackie. Akala ko pa nga ay maliligaw ako dahil hindi ako masyadong pamilyar sa lugar, pero mabuti na lang at nakarating naman ako ng maayos. Kagabi kasi ay naturo na rin sa akin ni Mackie kung saan ang salon nila. Kaya nga inagahan ko na rin ang punta ngayon dahil babalik na ulit ako sa SelfSteem. Kinausap ko kasi kaninang umaga si Miss Vivan at nabanggit nga niya sa akin na ayos lang kung aalis ako agad dahil hindi pa naman ako nakakapirma ng contract kaya naman walang magiging problema. Nabanggit din niya kanina na makukuha ko pa rin ang sweldo ko bago ako umalis. Medyo na-guilty ako dahil halos isang buw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD