Kanina ko pa naririnig na may tumutunog sa gilid ko kaya naman saglit kong dinilat ang mata ko para makita kung ano ‘yon. Nasa tabi ko lang naman ‘yong cellphone ko kaya naman nakuha ko rin ‘yon agad. Akala ko pa naman may tumatawag sa akin ‘yong pala ay alarm lang ‘yong naririnig kong ingay.
Napabangon naman agad ako nang makita ko kung anong oras na. Kaya pala kanina ko pa naririnig na may maingay ay dahil kanina pa rin tumutunog ‘yong alarm ko. Hindi ko lang talaga pinapansin kanina dahil inaantok pa talaga ako at ang sarap din ng tulog ko.
Mabuti na lang at hindi pa naman ako late, kaya lang kakaunting oras na lang din ang mayro’n ako para maghanda kaya naman dali-dali rin akong kumilos. Mabilis lang din naman akong maligo kaya naman natapos din ako kaagad at kung anong damit na lang din ang kinuha ko sa drawer.
Pagkatapos kong mag-asikaso ay umalis na rin ako agad. Binilisan ko na rin ang pagmamaneho pero sakto lang naman para hindi ako madisgrasya. Nakakaloka, kahit na hindi ako komportable sa pwesto ko ay napasarap ang tulog ko kagabi.
Sa sobrang pagod ko rin siguro kaya naman hindi ako nagising agad, pero mabuti na lang at hindi pa naman ako gano'n ka-late. Well, wala naman masyadong problema kung male-late kami ng ilang minuto, kaya lang ay hindi kasi ako sanay na ma-late kaya naman nagmamadali pa rin ako.
At mabuti na lang din at sakto lang din ang dating ko, may limang minuto pa nga ako bago mag-start ang shift ko. Pero pagpunta ko sa pagpasok ko sa loob ay nando'n na rin sila. Anong oras na rin naman na kasi kaya naman kumpleto na rin sila at abala na sa kani-kanilang ginagawa.
Dumiretso na rin ako sa pwesto ko para ituloy 'yong report na kailangan kong ipasa ngayon. Habang gumagawa ay hindi ko na mabilang kung nakailang hikab na ako kaya naman nagpasya na akong mag-kape muna. Kapag hindi kasi ako nag-kape ay baka makatulog na ako sa pwesto ko.
May kopya naman ako no’ng report sa laptop ko kaya naman dinala ko na rin ‘yon para matutuloy ko pa rin siya kahit na nandito ako sa tea room.
Mabuti na lang din talaga at hindi gano’n kahigpit dito sa department nito. Wala naman kasing problema kahit saan mo gawian ‘yong trabaho mo, basta ba ay matapos at mapasa mo siya on time. Pero syempre, hindi rin naman kami basta-basta na lang umaalis ng opisina.
Minsan kasi ay may biglaang meeting o kaya naman ay may ipinapagawa si Sir Alexander kaya naman hangga’t maaari ay nandito lang din kami sa loob ng opisina. Good thing talaga na may nasimulan ako kagabi kahit papano kaya naman tuloy-tuloy din ako sa paggawa ngayon.
Pagtingin ko pa nga sa gawa ko kanina ay may kung ano-anong nakalagay do’n na hindi ko maintindihan. Na-type ko siguro ‘yon no’ng mga panahong sobrang antok na ako.
Buti na lang din at more on paper works kami ngayon, mas gusto ko kasi na ganito lang ‘yong ginagawa kaysa kapag may shoot. Kapag ganito kasi ay nakakapagod lang mag-isip at mag-type, pero kapag may shoot kasi ay mas nakaka-stress at nakakapagod physically.
At dahil dalawang report ang ginawa ko ay hindi ko na napansin ang oras. Masyado na rin kasi akong naging abala sa paggawa kaya naman ngayon ko lang napansin na lunch time na rin pala. Sakto at nagugutom na rin ako, hindi naman kasi ako nakapag-almusal kanina.
“It’s lunchtime already? Are you guys hungry?” narinig kong tanong ni Miss Carol. “Why don't we have a meal before continuing on with our work?”
Pagkatapos kong i-double check ‘yong report na nagawa ko ay ni-print ko ‘yon agad para ipa-pirma kay Miss Carol. Pagkatayo ko ay do’n ko lang din naramdaman ‘yong sakit ng likod ko. Kahit talaga kapag nakaupo ka lang ay ang sakit pa rin sa katawan.
“Here’s the report, please sign on these,” I said at inabot sa kanya ‘yong report.
Pagkakuha niya ay bumalik na rin ako sa pwesto ko. Mamaya ko pa naman kasi makukuha ‘yon pagkatapos niyang i-check, pero mabuti na lang at tapos ko na, may iba pa rin kasi akong kailangan gawain. Mabuti na lang at nabawasan ang gawain ko.
“Let's go eat first, everyone,” sabi pa ni Miss Carol at nauna nang lumabas.
Sumunod naman sa kanya ‘yong iba. Parang mas lalo tuloy akong nagutom habang naririnig kong pinag-uusapan nila kung ano ang kakainin nila. Nagugutom na rin talaga ako pero may mga kailangan pa kasi akong tapusin kaya naman mamaya na lang ako kakain.
Kapag hindi talaga kinaya ay pwede naman ako mag-break sandali sa may tea room. Nakita ko kasi na may mga bagong tinapay kaya naman pwede na ‘yon, hindi naman ako maarte sa pagkain.
“Cheska, tara na,” tawag sa akin ni Kathy pero umiling lang ako.
“Mamaya na lang ako kakain, may mga kailangan pa kasi akong tapusin,” sabi ko sa kanya.
“Hmm, sige, take out ka na lang namin ng lunch mo,” sabi niya pa at umalis na.
Kami na lang din ni Debb ang naiwan dahil bumaba na ‘yong iba para kumain. Mukhang may kailangan din kasi siyang tapusin kaya naman hindi siya sumabay. Gusto ko rin sana sumabay sa kanila dahil narinig ko na magsa-samgyup sila.
Kaya lang ay kailangan kong unahin ‘tong mga ginagawa ko. At dahil nga puro paper works ang task ko ngayon ay masyadong time consuming. Kaya nga inabot na rin ako ng lunch bago ko natapos ‘yong dalawang report na ginagawa ko kanina.
“Sayang, gusto ko rin mag-samgyup,” narinig kong bulong ni Debb kaya naman lumapit ako sa kanya.
“Sige na sabay ka na sa kanilang kumain,” sabi ko sa kanya.
“Kaya lang ay may gagawin pa ako,” malungkot na sabi niya pa.
“Ako na lang muna ang magtutuloy niyan. May mga tatapusin pa rin naman ako kaya isasabay ko na lang ‘yang mga ‘yan.”
“Ikaw? Hindi ka pa ba nagugutom?”
“Hindi pa naman, ayos lang ako. Kakain na lang ako mamaya,” pagsisinungaling ko. Nagugutom na rin talaga ako pero ayos lang naman. Ngayon lang din naman ako magpapalipas ng gutom.
“Okay, sige, pasabay na lang,” at inabot niya sa akin ‘yong papel na hawak niya. “Susunod na ako sa kanila. Thank you, Cheska!” excited na sabi niya pa at umalis na rin.
Pagkaalis niya ay saka ko lang din na-realize na hindi ko sigurado kung paano gagawin 'to. Pero bahala na, may guide naman na nakalagaya dito sa papel, ito na lang ang susundan ko.
Magsisimula na sana ako kaya lang ay medyo nataranta ako dahil hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Parang medyo nagsisisi tuloy ako na hinayaan kong umalis si Debb. Kaya lang ay ramdam ko na gusto niya na rin kumain talaga.
Bigla kong naisipan na magpatugtog dahil mag-isa lang naman ako, sakto rin para hindi ako ma-bored kaagad dahil wala akong kasama. Ngayon ay medyo nahihilig ako sa Kpop boy group na Seventeen, pinakilala kasi sila sa akin ni Hershey at nagustuhan ko rin ang mga kanta nila.
Kaya naman simula no’n ay kinilala ko na lahat ng members ng group na ‘yon at pinakinggan ko rin ’yong mga kanta nila. At isa lang ang masasabi ko, lahat maganda, walang tapon na kanta. Ang gwapo rin naman kasi nila kaya naman isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit naging interesado ako sa kanila.
Habang gumagawa tuloy ako ay hindi ko mapigilan na mapasabay sa kanta. Minsan nga ay napapansin ko na lang ang sarili ko na umiindak kapag sobrang exciting no’ng kanta. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw kaya naman tamang indak lang ang kaya ko.
Sunod na nag-play naman ay ‘yong kanta nilang ‘Home,’ isa ‘yon sa mga favorite ko na kanta nila kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinabayan ko na ang kanta. Ilang beses ko rin kasi ‘yong pinakinggan kaya naman halos kabisado ko na ‘yong kanta.
Hindi nga lang ako sigurado kung tama ba ‘yong lyrics na kinakanta ko pero ayos lang dahil mag-isa lang naman ako. Hanggang sa matapos ‘yong kanta ay sinabayan ko pati na rin ‘yong sayaw, madali lang naman kasi ‘yong chorus part kaya naman kaya kong sabayan kahit nakaupo.
Pagkatapos kong kumanta ay tumayo na ako para i-print ‘yong nagawa ko. Kaya lang ay natigilan ako ng mapansin ko na may tao sa likuran ko. At gano’n na lang ang gulat ko ng makita ko si Sir Alexander na nakatayo sa harapan ko.
“A-ah, kasi h-hindi ko… nakabalik ka na pala Sir Alexander,” nauutal na sabi ko. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay nag-play ‘yong sunod na kanta kaya naman dali-dali ko ‘yong pinatay. “S-sorry, sir. Hindi ko napansin nand’yan ka na pala, masyado akong nadala sa kanta,” paliwanag ko.
Pero hindi naman siya nagsalita at dumiretso na lang sa opisina niya. Pagkaalis niya ay saka ko lang din na-realize kung anong kahihiyan ‘yong ginawa ko. Bakit ba naman kasi masyado kong feel na feel ‘yong kanta, ayan tuloy hindi ko napansin na dumating na pala siya.
Sobrang nakakahiya lang, bumirit pa naman ako kahit na sintunado ako. Paniguradong para akong tanga kanina, sumasayaw-sayaw pa kasi ako. Naalala ko tulyo ‘yong ginawa ko kanina kaya naman dobleng kahihiyan na ang naramdaman ko ngayon.
Buti na lang din talaga at walang ibang nakakita. Kasi kung mayro’n ay hindi ko na alam kung paano pa ako magpapakita bukas dahil sa sobrang kahihiyan. Masyado naman kasi talaga akong nadala sa kanta kaya naman nakalimutan ko na nasa trabaho pa ako.
Pero ayos lang ‘yon, sigurado ako na maliliumutan din ni Sir Alexander ‘yong nangyari kanina. Sana. Sana nga malimutan niya, kasi kung hindi ay hindi ko na talaga alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa kanya dahil sa nangyari.
“Okay. Ang dapat kong gawin ngayon ay tapusin na ‘yong mga dapat kong tapusin at kalimutan na ‘yong nangyari kanina dahil isa ‘yong masamang alaala,” wika ko sa sarili ko at bumalik na ulit sa ginagawa ko.
Gusto ko pa sanang makinig sa kanta ng Seventeen pero mas mabuting mamayang pagkauwi ko na lang.