Chapter 42

1693 Words
“It is all waste. Restart everything,” inis na sabi ni Sir Alexander at saka pabalang na nilapag sa mesa ‘yong mga report na nagawa namin. “I believe some content is still...” “What?” masungit na tanong niya kay Henry. “Still not awful at all,” halos pabulong na sagot naman nito. “Can the phrase ‘not too awful’ boost our sales?” at lahat naman kami ay natigilan dahil do’n. Hindi ko tuloy alam kung ganito ba talaga siya, ‘yong parang galit, palaging seryoso. Ang sabi naman ni Hershey ay okay naman siya, pero parang hindi naman ‘yon ‘yong nakikita ko. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalong lalayo sa kanya ang loob ng lahat kung lagi siyang gan’yan makitungo sa amin. Alam ko naman na dapat ay professional ka sa trabaho pero ni minsan kasi ay hindi ko man lang siya nakitang nakipagbiruan sa amin. Ni ngumiti man lang ay hindi niya magawa. Parang daig niya pa ‘yong babaeng may monthly period sa sobrang sungit niya. “I believe it is too practical to base good and bad ideas just on sales. You always speak so firmly. Everyone has ideas, but they are all hesitant to share them,” wika ni Bryan. Lahat tuloy ay sa kanya nakatingin ngayon. “How could their ideas be effective? A good idea forms the base of a plan.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay tuluyan nang natahimik ang lahat. Walang gustong magsalita, pero ramdam ko na lahat sila ay sang-ayon sa sinabi ni Bryan. Maski ako ay sang-ayon sa sinabi niya. Sa tuwing matatapos kasi ang meeting ay naririnig ko na nag-uusap-usap sila sa gusto nilang mangyari. Ayon nga lang ay walang may lakas ng loob na sabihin ‘yon sa meeting. Kasi naman, isang sentence pa nga lang sabihin mo ay patitigilin ka na niya kaagad kapag hindi niya nagustuhan kung ano man ang sinabi mo. Kaya ayon, madalas na tahimik na lang kami kapag may meeting. “Let's try this. First, how about let's all unwind a bit?” dagdag niya pa. Gusto ko sanang tumango sa sinabi niya kaya lang ay pinigilan ko ang sarili ko, kaya naman tumango na lang ako sa isip ko. Natatakot kasi ako na kapag gumalaw ako ay baka ako na naman ang mapag-diskitahan niya kaya naman pinipilit ko na ‘wag gumawa ng kahit anong ingay. “Once you've decided on a solid plan, we'll have a meeting. I hope your suggestions won't waste time the next time,” Sir Alexander said. Pa-simpleng napatingin na lang tuloy ako kay Bryan. Parang ang nangyari kasi ay hindi man lang niya pinansin ‘yong mga sinabi ni Bryan kanina. “How is Josh doing these days?” tanong naman niya kay Steven. “He's been getting calls from Henry. But... he gave him nothing at all.” “It looks like I put too much faith in your skills. I'll speak with him directly,” he said at umalis na. Napansin ko naman na napapikit na lang si Steven dahil sa sinabi ni Sir Alexander. Ang lungkot at tahimik tuloy ng lahat. Akala ko pa naman ay magiging maayos ang araw na ‘to pero mukhang mali pala ako. Parang natatakot na tuloy ako kapag naririnig ko ‘yong salitang meeting. Sa tuwing may meeting kasi ay laging ganito ang nangyayari. Masaya at energetic ang lahat na papasok pero paglabas ng meeting room ay para na kaming pinagbagsakan ng langit at lupa. “Lagi na lang niyang pinapaulit ‘yong mga gawa natin,” Jenn said. “He wouldn't be saying that if he were in our position,” sabi naman ni Kathy. At nagkanya-kanya na rin silang alis. At kagaya ng dati ay nagpahuli ako ng labas dahil kailangan ko pang ayusin ‘yong mga report na inihagis ni Sir Alexander. Habang nagliligpit ay hindi ko mapigilan isipin kung anong nangyari sa kanya. No’ng mga nakaraang araw kasi ay naging usap-usapan na kaya hindi na siya ang CEO ay dahil napapabayaan niya ang kompanya. Gusto ko nga sanang tanungin si Hershey tungkol do’n kaya lang ay busy din siya kaya naman hindi na rin kami nakakapag-usap. ----- Mabilis na lumipas ang mga araw at kagaya ng dati ay busy pa rin ang lahat. Sa tuwing may natatapos kasi kaming gawain ay may bagong pumapalit. Actually, parang hindi nga ata nababawasan ‘yong mga gagawin namin dahil kada araw ay may dumadagdag. “Guys! May good news ako sa inyo!” lahat kami ay natigilan sa ginagawa ng marinig namin ang sigaw ni Henry. Medyo nagulat pa nga ako dahil ang tahimik dito sa opisina tapos bigla-bigla siyang sumisigaw. “Bakit, anong mayro’n?” nagtatakang tanong naman sa kanya ni Debb. “Josh and Sir Alexander had a face-to-face negotiation opportunity,” hinihingal na sabi pa nito. “Talaga?” excited na sabi naman ni Steven. Siya kasi ang naka-assign na kumausap kay Josh kaya naman halata na excited siya sa balita ni Henry. “Their group just returned from an exhibition tour in the US. They will stay here for a while even though their initial plan was to go directly to Japan.” “That’s great! But they must be on a strict schedule for the exhibition tour, right?” tanong pa ni Steven. “Given the short amount of time, tingin ko ay baka sa airport na mismo mangyari ang meeting.” “With just a few hours? Ang imposible naman no’n,” hindi makapaniwalang sabi naman ng iba. Maski ako ay duda na magagawa ng maayos ‘yong meeting kung ilang oras lang ang mayro’n. Tapos sa airport pa, ang dami pa namang tao ro’n. Pero hindi ko rin maiwasan na mamangha sa kanya dahil nagawa niyang makapag-set ng meeting with Josh. Sabagay, baka ginamit niya ang connections niya para makapag-set ng meeting. Iba rin talaga ang nagagawa kapag malawak ang connections na mayro’n ka. Bigla naman natigilan sa pag-uusap ang lahat ng biglang lumabas si Sir Alexander. Nawala sa isip ko na nasa loob nga pala siya ng opisina niya. Hindi naman kasi siya nagpapakita sa amin kaya minsan ay hindi namin alam kung nand’yan lang ba siya o wala. “I'll go do it even if it's impossible. Someone who can't even do their own job well shouldn't be concerned,” mas lalo tuloy silang natahimik dahil do’n. Napatingin na lang tuloy ako sa kanya. Hindi naman na niya kailangan sabihin ang bagay na ‘yon, pero hindi ko alam kung bakit sinabi pa rin niya. Okay n asana ‘yong una niyang sinabi pero dinagdagan niya pa, nasira tuloy ‘yong mood ng lahat. “Steven, please provide me all the information you have on Josh. Go look up additional information about him and don’t forget to include every detail. As soon as possible.” “Got it,” maikling sagot ni Steven at nagsimula nang maghanap ng impormasyon tungkol kay Josh. “I need someone to drive me to the airport, I must review the data in the car so I can’t drive. Wait for me after 20 minutes,” sabi pa niya at bumalik na rin sa opisina niya pagkatapos iwan ‘yong susi ng sasakyan. At dahil wala naman akong kinalaman do’n ay bumalik na rin ako sa ginagawa ko. Naririnig ko pa nga ang pagtanggi nila na ipag-drive si Sir Alexander. Sino ba naman kasi may gustong makasama siya sa isang sasakyan kung gano’n siya makitungo sa iba. Ako rin naman, ayoko. Kahit na gusto ko siya ay hindi pa ako handang makasama siya na kaming dalawa lang. Pakiramdam ko kasi ay lalo lang akong manliliit sa sarili ko kapag gano’n. At saka unti-unti ko na ring nagugustuhan ‘tong department na ‘to. “Cheska, abot mo ba ‘yong nakadikit na tape sa pader?” tanong ni Bryan. Nagtataka man ay napatingin na lang ako ro’n sa tinuturo niya. Hindi naman gano’n kataas ‘yong tape pero lagpas pa rin sa ulo ko. Tingin ko naman kapag lumapit ako ay makukuha ko ‘yon. Nang matantiya ko kung abot ko ba ay tumango ako sa kanya. “Pwede bang patanggal,” sabi niya kaya naman tumango na lang ako. Akala ko kasi ay kung ano na naman ang trip niya. Tatanggalin ko na sana ‘yong tape kaya lang ay natigilan ako ng marinig ko na may pumapalakpak sa likod ko. Nagtataka tuloy akong napatiingin kay Bryan habang nasa ere pa rin ‘yong isang kamay ko. Nang ma-realize ko kung ano ang pakana niya ay mabilis kong binaba ‘yong kamay ko at bumalik na sa pwesto ko. “Guys, si Cheska na raw maghahatid kay Sir Alexander. Kita niyo naman kanina nagtaas na siya ng kamay,” natatawang sabi niya pa. “Hindi naman ako nakikipagbiruan, Bryan,” seryosong sabi ko sa kanya. Akala ko pa naman ay seryoso na siya kanina, ‘yon pala ay pinaplano siyang kalokohan. “Thank you, Cheska,” sabay-sabay na sabi nila kaya naman napaangat agad ako ng tingin. Gusto ko pa sanang sabihin na ayokong ihatid si Sir Alexander kaya lang ay isa-isa na silang nagpasalamat sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin na pakulo lang ‘yon ni Bryan pero bumalik na rin sila sa pwesto nila. At sa oras na ‘yon ay parang gusto ko na lang bugbugin si Bryan. “Hindi ako marunong mag-drive,” sabi ko na lang sa kanya. “Pero may sarili kang sasakyan. Nakita rin kita no’ng nakaraan na nagda-drive,” sabi naman niya at inabot sa akin ‘yong susi no’ng sasakyan. “You don't really seem to be liked by Sir Alexander. Kaya naman ito na ang time mo para makipag-close sa kanya,” he said. Napabuntong hininga na lang ako dahil pakiramdam ko ay wala rin akong takas sa kanya. Lagi na lang niya akong naiisihan, kainis. Gustuhin ko man na magwala ay hindi pwede dahil nasa opisina ako. Kaya naman kinuha ko na lang ‘yong susi at tinarayan siya. “Makakabawi rin ako sa kanya,” bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD