bc

Crave (Boyxboy)

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
killer
tragedy
bxb
bisexual
daemon
realistic earth
others
crime
tortured
mxm
like
intro-logo
Blurb

Isang grupo ng magkakaibigan ang nagtungo sa Probinsya ng Quezon para magbakasyon. Ngunit taliwas sa ina-akala nilang masayang bakasyon ay mapapalitan ng napakabigat at napakasakit na trahedya. Sa pananatili nila roon ay unti-unti nilang nalaman kung ano ang itinatagong mga lihim ng napakaganda at misteryosong lugar na iyon.

Ang lugar kung saan sila nakatakdang mamatay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Vincent's Pov: Madilim. Sa isang iglap ay napunta ako sa isang lugar na hindi ko pa nakikita kahit minsan sa buhay ko. Kahit nagtataka'y pinilit kong lumakad. Tahimik. Tanging huni ng mga pang gabing ibon at mga kulisap lamang ang aking naririnig. Ilang sagit pa ay nakarinig ako ng mga paghikbi ng hindi lang isang tao, marami sila. Hanggang sa ang mga paghikbing iyon ay napalitan ng malakas na pag-iyak na para bang pinahirapan at ikinulong sila ng mahabang panahon. Takot ang bumalot sa akin. Ang mga balahibo ko sa buong katawan at maging ang aking maitim at bagsak na buhok ay nagsipagtaasan. Ngunit takot man ay nag patuloy parin ako sa paglalakad-takbo hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Napahinto ako nang makaramdam ako na para bang may sumusunod sa akin mula sa aking likuran. Imbis na lingunin ko ito ay kumaripas na ako ng takbo. Sa sobrang bilis ng t***k ng aking puso at kinakapos na rin ako sa pag-hinga, ngunit hindi ako tumigil. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa madapa ako. Nakaramdaman ko ang walang kasing sakit mula sa aking likuran at nang kapain ko ito ay may kung anong likido ang dumikit sa aking kamay. Nang tignan ko ito ay mas lalo akong nagulantang. "s**t, dugo!" Hindi ako nakagalaw, namanhid ang buo kong katawan nang lumitaw sa harapan ko ang isang tao na hindi ko malaman kung ano ang kasarian. May hawak itong palakol at ilang segundo lang ay buong pwersa niya itong itinaga sa akin. Galit na galit ito. Umiiyak na ako sa pagmamakaawa ngunit patuloy parin ito sa pag-sibak sa akin. Hanggang sa... Napabalikawas ako ng bangon dahil sa nakakabinging tunog ng put**g inang alarm clock ko. Agad ko itong dinamba at ibinato dahilan para mabasag ito at makagawa ng ingay. "Vincent! Ano na naman iyan at kay aga aga ay nagdadabog ka na naman eh nag-iisa ka lang naman dyan a?" sigaw ng dakdakera kong nanay. Oo, madalas siyang maingay pero nasanay na rin ako at syempre lab na lab ko siya,kahit sobrang ingay nya. Dalawa na lang kami ni mama na magkasama sa buhay dahil maaga kaming iniwan ni papa. Sampung taong gulang pa lamang ako noong namatay si Papa sa sakit na tuberculosis kaya naman mag-isa lang akong itinaguyod ni Mama. Alam kong mahal na mahal ako ni mama kaya naman tanggap nya ang buong pagkatao ko at ang relasyon namin ni Daniel. "Wala po ma, natabig ko lang po yung alarm clock ko kaya nabasag ito," sigaw ko rin pabalik sa kanya. "Asus! Kilalang-kilala na kita Vicente, kaya huwag mo nang paikutin ang ulo ko dahil alam ko naman na ibinato mo na naman iyang alarm clock mo. Aba! Halos pang isang daan at dalawampung alarm clock na iyang binibili ko para sayo pero ayan at basag na naman dahil sa kakabato mo! Hala maligo ka muna bago mag-agahan at male-late ka na!" Kinapa ko ang buong katawan ko at bigla na lamang akong napailing. "Panaginip lang pala." Agad akong nakaramdam ng pagkataranta nang maalala kong lunes nga pala ngayon kaya naman agad akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso na ako ng CR. Para maligo, dali-dali akong nagbuhos ng tubig at nagsimulang sabunin at kuskusin ang buo kong katawan. Bumalik ako ng kwarto ko at mabilisang nagbihis ng uniporme ko, pagkatapos magpulbos ng mukha at mag-ispray ng paborito kong pabango ay lumabas na ako ng kwarto para saluhan si mama sa almusal. "Ma, 7:30 na! Late na ako kaya hindi na kita masasabayan sa pagkain,” sambit ko at akmang tatalikod na ako para sana lumabas na ng bahay pero hinila ako ni mama para maupo. “Ano kaba namang bata ka! Hala sya't umupo ka muna at kumain kahit ilang subo lang, tingnan mo nga iyang sarili mo sa salamin! Malaki ang ipinayat mo kase hindi ka na naman nagkaka kain, palibhasa kase puro pag-ibig na lang iyang inaatupag mo kaya naman pati ako ay nakakalimutan mo na," aniya. Ganito talaga si mama, hindi sya titigil sa pangugulit kaya naman umupo na ako at nagsimulang kumain. Pritong itlog, hotdog, mainit na kape, at pandesal ang nakahain sa mesa. "Ma hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko, kakain din naman ako sa lunch break namin mamaya saka hindi kita kayang kalimutan no! Lab na lab kaya kita," tugon ko sabay higop ng mainit na kape. "Asus! Sige na umalis kana at baka malate kapa. Mag-iingat ka ha at huwag magpapalipas ng gutom. Hala sige alis na." aniya sabay abot ng 2k na sa tingin ko ay allowance ko ng 1 week. "Mama meron pa po akong pera, itabi nyo na lang po at dagdag expenses din iyan dito sa bahay. Sige na mama alis na ako," sambit ko sabay halik sa pisnge nya matapos ay kinuha ko na ang bag ko sa mesa. Pagkalabas ko ng pintuan namin ay agad akong naglakad papunta sa gate namin at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ni Daniel. "Babe, kanina ka pa ba dyan? Bakit dika pumasok sa loob ng bahay?” tanong ko sabay tingin sa mamang kausap nya na nakasakay sa tricycle. "Hindi naman babe, kadarating ko lang. Kumusta ka na? Nakatulog kaba ng maayos? Alam ko kase na hindi ka makatulog ng hindi mo ako nakakatabi,” pabirong sambit nito. "Tss, asa ka! Bakit naka-tricykle ka? Si Kenjie nasaan?” Kenjie ang pangalan ng motor ni Daniel, ng babe ko. "Iniwan ko muna sa bahay, dito muna tayo sasakay papuntang university para marinig mo yung mga pag-uusapan natin. Pasok kana o papasukan kita hehe," anito. Sumakay na ako ng side car at hinayaan ko na lang magdadaldal ang aking nobyo na ipinaglihi siguro ni tita sa parrot. "Ano nga pala iyang sasabihin mo at parang mas importante pa iyan sa buhay mo?" tanong ko. "Ayan kase babe ‘di ka nagbubukas ng messenger kagabi, ‘di ba holliday bukas? Iyong bestfriend mo kasing si Kia nag-aaya na sumama ang buong Barkada sa pag-uwi nya sa Quezon Province,” sabi ni Daniel. "Oh tapos?" tanong ko. "Tsk babe naman eh. Bakit parang hindi ka excited hindi kaba sasama?" nakangusong tanong niya kaya naman bigla akong natawa. Hindi naman kase ako mahilig pumunta o mag travel kung saan-saan kaya kapag galaan na ang usapan ay auto-pass ako lagi. "Sasama lang ako kung maipapangako mong hindi ka na nguguso ng ganyan kase para kang bingot haha," natatawang sabi ko. "Saka hindi naman ako papayag na maiiwan ako, baka kung ano-ano na namang kababuyan ang gawin mo roon," dagdag ko pa. "Grabe ka naman hindi naman ako baboy. Sadyang tinatamad lang ako maligo kapag hindi kita kasabay,” nakangising sabi nya. Sa Sobrang daming daldal nitong boypren ko ay hindi na namin namalayang nasa tapat na pala kami ng University. Natanaw ko na agad ang bestfriend kong si Kia katabi ng baklang si Jeffrey na isa sa nagpangalan sa grupo naming GDS o Gangfiasin Devil Squaday, lab lab ko rin ito kaya naman kahit medyo ‘di ko type iyong name ng grupo namin ay magalang ko itong tinanggap. "Bessy!" sigaw ni Kia sabay yakap sa akin. Walang malisya iyon para sa sakin kase hindi naman kalakikan ang dede niya kaya naman kahit mahigpit siyang yumakap ay wala akong kakaibang naramdaman. "Hi Fafa Vince! Hi Fafa Daniel, 2 days lang tayong ‘di nagkita ah. Bakit mas lalo yata kayong naging hot? Ang yummy nyo talaga," ani ni jeffrey na nakakagat labi. "Eto gusto mo?" sagot ni Daniel habang pinapakita ang kamao niya. "Hoy Vaklush !Kahit kailan talaga ang kiri mo eh no?" Sabi ni Kia sabay kurot sa braso ng bakla. Habang nag-aasaran ang tatlo ay nagsidatingan na rin ang iba pang miyembro ng GDS na sina Eroll, May, at Dave na pinaka malusog sa grupo. Nasanay na kase kaming nag-iintayan sa gate ng University dahil iisa lang naman kami ng room na pinapasukan. "Nga pala guys nag-text sakin si Topher at Andrei na hindi sila papasok ngayon kase pupunta daw sila sa mall para bumili ng tent. Paki chat na lang daw ng mga napag-usapan natin para bukas," bilin ni Dave. "Excited masyado ang dalawang yon. Guys una na akong pumasok ha cr lang ako," ani Kia na halatang masama ang tingin na ipinupukol kay Eroll, mukang may LQ na naman ang dalawa. "Hoy Fafa Eyrowl ano na namang paandar ng jowa mo ha inaway mo na naman no?” malanding tanong ni Jeff kay Eroll. “Mayroon yata iyon ngayon kaya masungit haha," pabirong sabi ni Eroll. "Guys 8:30am pumasok na tayo at baka pag-initan na naman tayo ni Sir Will," putol ko sa usapan at sabay-sabay na kaming pumasok. Medyo nagulat pa ako nang hawakan ni Daniel ang aking kamay para siguro pantayan ako sa paglalakad. Pumasok na kami sa room at isa-isa nang nagsi-upo. Ilang saglit lang ay dumating na si Sir Will at nagsimulang magsalita. "Tahimik!” sigaw nito dahilan para tumahimik ang lahat ng tao sa silid na ito. "Sorry kung hindi ko kayo na inform agad pero wala muna tayong klase ngayon. Malungkot kong ipinapaalam sa inyo na si Sir Fredo ay natagpuang patay kagabi lang kaya hinihingi ko ang pakikiramay ninyo, antayin niyo na lang ang bagong schedule na ipopost ko sa ating GC, Ok, class dismissed!" Someone's Point of View: Hahahahahaha ahahaha! Wala silang kaalam-alam na ako ang pumatay sa epal na matandang yon! Sorry nalang sayo sir Fredo. Kinailangan lang talaga kitang patayin dahil hindi ang pipitsugin na matandang tulad mo ang hahadlang sa mga binabalak ko para sa kanila. Oo ako ang pumatay kay Sir Fredo dahil aksidente niyang narinig ang lahat ng pinagusapan namin ni Kuya Christian sa phone kagabi. Hindi ko naman kase inaasahang pupunta siya sa bahay ko dis oras ng gabi para manligaw, as if namang papatulan ko ang isang kulubuting mantandang tulad nya! Iwwwww maisip ko palang ay masusuka ako! Aksidenteng narinig niya lahat ng pinag-usapan namin ni kuya kaya naman kahit hindi s’ya magsalita ay alam ko ng gulat na gulat siya sa mga narinig n’ya. "Oh Sir Fredo kanina kapa riyan? pasok ka muna at kukuha lang ako ng maiinom.“ malanding sabi ko, pumasok na s’ya pero wala paring ni isang salitang lumabas mula sa kanyang bibig, mukang gulat na gulat parin siya. Nagpaalam na akong pumunta sa kusina para kumuha ng juice. Bwisit hindi pwedeng makaalis ang matandang ito rito! Alam kong narinig niya lahat, oo sigurado akong narinig nga niya! Agad na napukaw ng kumikinang na kutsilyo sa may mesa ang atensyon ko. Agad ko itong kinuha matapos ay bumalik agad ako at pumunta sa kinaroroonan ni sir Fredo at binaba ko na sa maliit na coffee table ang dala kong pineapple juice. “Sir inom ka muna, ok kalang ba?” tanong ko habang inaabot ko sa kanya ang malamig na lata ng juice. Tumingin lang siya sa’kin at hindi talaga nag sasalita. Aktong iinomin na niya ang juice nang magpasya akong pumunta sa likod ng inuupuan niyang sofa. “Sir, mukang pagod na pagod ka masyado ah, gusto mo bang i-massage kita sa ulo?” hindi ko na hinintay na magsalita pa s’ya. Agad kong hinimas ang sintido niya gamit ang kanang kamay ko habang ang kaliwang kamay ko naman ay abalang kinukuha ang matulis na kutsilyong nakaipit sa likuran ng sexy short ko. Bumaba ang kanang kamay ko papunta sa leeg niya at malambing ko itong minasahe habang ang kalahating lakas ko ay iniipon ko sa kaliwang kamay ko. Nang makakuha na ako ng tamang tyempo ay buong lakas kong itinarak sa leeg ni sir Fredo ang patalim na hawak ko, nang hugutin ko ito ay agad na bumulwak ang kaniyang masaganang dugo. Alam kong patay na s’ya pero hindi pa ako nakuntento, dali-dali akong pumunta sa harapan niya at pumatong ako sa ibabaw ng dalawang hita nya. Ginilitan ko ang leeg niya dahilan para sumirit sa mukha ko ang mainit at malagkit niyang dugo. Parang mababaliw ako sa sobrang sarap ng pakiramdam, inihilamos ko pa sa mukha ko ang napakainit na dugo niya. “Tsk tsk tsk! Paalam sayo sir Fredo, sorry ha? Matanda ka na naman at konti nalang ang itatagal mo, kaya naman dapat lang na mamatay kana! Haha ahhhahaha.” Agad kong tinawagan si kuya Christian Para itapon ang bangkay ng kawawang matanda. Paalam sa iyo, Sir Fredo. Vincent's Point of view: Ilang minuto lang mula ng umalis si Sir Will ay napag-usapan namin na pumunta sa isang fast food chain na malapit din dito sa university. "Ano ba naman yan! Sino namang matinong tao ang gagawa non kay sir Fred? Nakakatakot naman." ani May habang nilalagyan ng straw ang inorder n’yang milk tea "Attitude din kase yang si sir Fred diba? Malay ba natin kung marami palang naiinis sa kan’ya,” sambit ni Dave na kanina pang masama ang tingin sa fried chicken na nasa kabilang table. "Anyway, ikaw Kia happy kaba kase wala ng mangungulit sayo? Alam naman nating lahat na sobrang lakas ng tama ni sir Fred sayo diba? Haha," sabad naman ni Jeffrey sa usapan dahilan para masamid si Kia, umiinom kase ito ng softdrinks. "Alam mo t*ng ina ka talagang bakla ka! Bakit naman ako matutuwa e patay na nga yung tao, bunganga mo rin eh!” Mataray na sambit ni Kia sabay erap pa sa bakla. "Oy Toyo, bawal mag mura haha, pero buti na lang at wala nang mangugulit sayo. Matagal na rin kase akong inis kay sir Fred e kasi lagi ka niyang pinopormahan," sambit ni Eroll sa kanyang kasintahan. "Tagal naman ng order natin,” nakangusong sambit ni Dave. "Hoy! Iigalang n’yo nga yung tao, hindi na kayo naawa. Bahala kayo pag kayo'y minulto ni Sir," ani ni Daniel sa mapanakot na boses. "Luh haha para kana namang tanga d’yan babe," pag sali ko naman sa usapan at nagtawanan naman ang mga loko. "Pssh! Gusto mo ikaw na lang multuhin ko? Hehe," sagot naman ng boyfriend kong kande. Ilang saglit lang ay dumating na ang mga in-order namin. Pagkatapos naming kumain ay agad din naming ipinaligpit sa Crew yung pinagkainan namin. "Dito na rin natin pag-usapan ang mga plano natin para sa pagpunta sa Quezon Province bukas ha, mahirap kase pag sa GC. Ako nalang ang mag t-text kay Andrei at Topher kung ano mga napag-usapan natin, ay wait bakit nga pala hindi makakasama si Joice? Hoy Dave, ano bang pinag-gagagawa ng jowa mo bukod sa hindi na nga siya sasama ay hindi pa s’ya pumasok ngayon? " Tanong ni Kia. "Oo nga ano? Siguro busy yon sa kabit n’ya hahaha.” Mapang-asar na sabad ni Jeffrey. "Hindi naman siguro, may iba nga kaseng pupuntahan,” pagsali naman ni May sa usapan. Sa wakas ay nagsalita na rin ito, siya kase ang pinaka-tahimik sa grupo. "Oyy bessy sure kanaba na sasama? Bawal na umatras a, baka mamaya kase drawing kana naman," mapangasar na tanong sakin ng bestfriend kong pasmado ang dila. " Oo na! Sasama na talaga ako,” sagot ko. "Basta kasama ako! Auto sama din yan! Diba babe?" Pabirong sambit ni Daniel. "E Aao Toyo? Hindi mo ba ako tatanungin kung sasama ba ako? nakakainis ka naman," pag epal ni Erollsa usapan, kausap niya si Kia. "Hanapin mo pake ko!" Mataray na sagot naman ni Kia dito. "Ok guys ganito ang plano natin, dito rin tayo sa place na ito mag-aantayan para hindi na mahirapan si Dave na isa-isahin pa tayong daanan sa bahay. Ready ninyo na lahat ng kailangan ninyong dalhin. Magdala na rin kayo ng pang 3 days na pagkain para hindi tayo magutom, lalo kana Dave haha! Saka hindi na muna tayo dadaan sa amin ha, sigurado ako na pipigilan na naman ako ng Lola ko kase nga usap-usapan ng mga matatanda roon na marami daw kababalaghang nangyayari sa bundok na iyon. Usap-usapan din na ang sino mang pumasok doon sa tinatawag nilang misteryosong kuweba ng hindi kilalang Diyos ay hindi na nakababalik. Pero nako! Wala namang nagpapatunay na totoo nga iyon, sabi-sabi lamang iyon ng mga chismosang matatanda sa lugar namin! Ay oo nga pala, dapat mga 8:00 ay narito na kayong lahat ha? Para maaga tayong makaalis. Mahigit limang oras kase bago tayo makarating doon kaya medyo mahaba-habang biyahe ito.“ Mahabang paliwanag ni Kia. "Ilan nga ba tayong lahat?” Tanong ni May. "Hmm siyam tayo, si Joice lang naman ang wala eh," sagot naman ng baklang si Jeff. Matapos ang mahaba-habang usapan ay nagpalam na kami sa isat-isa. Inaya naman ako ni Daniel na pumunta sa Mall para mamili ng mga dadalhin namin bukas. Nakapag-paalam na naman daw siya kaya naman mukang sa bahay ko na naman siya matutulog. Matapos naming bilhin lahat ng dapat bilihin ay nag- aya na akong umuwi. Kasalukuyan kaming nakasakay ni Daniel sa pampasaherong jeep at mamaya ay naramdaman ko nalang na nakahiga na pala s’ya sa balikat ko dahil siguro sa pagod. Dahan-dahan kong kinuha sa bag ang cellphone at earphone ko para makinig ng paborito kong kanta. Now playing... Cause There is no guarantee, that this life is easy, Yeah when my world is falling apart, When there's no light to break up the dark thats, "Huwag na huwag kayong tutuloy kung saan man ninyo balak pumunta! Mamamatay kayong lahat!” Garalgal na tinig ng isang lalaki. Agad akong nawala sa pag mumuni-muni nang bigla ko na lang marinig ang nakakagimbal at nakakakilabot na tinig na iyon. Halos mabasag ang eardrums ko dahil sa napakalakas na boses. Paulit-ulit na rume-rehistro sa pandinig ko ang nakakabinging tinig ng isang lalaki. Sa sobrang sakit ay napasigaw na lamang ako. Tama naaaaaaaa ang sakit sakit naaaaaahhhhh! "Mamamay kayong lahat!” Sa sobrang lakas ng tinig na iyon ay sigurado akong nabasag na nga ng tuluyan ang aking eardrums. Halos mahimatay na ako sa sakit pero pinilit kong sumigaw para sana ay mabawasan ang napakasakit na pakiramdam na iyon. "Babe gising na, nandito na tayo." Tila isang anghel ang tinig na iyon dahil bigla nalang nawala ang nakakabinging tinig. Nawala na rin ang sakit ng tenga at ulo ko dahil sa napakalambing na boses ni Daniel. Dali-dali kaming bumaba dahil sa busina ni Manong driver, mukang kanina pa ito naiinis kaya naman halos buhatin na ako ni Daniel pababa ng jeep. "Sorry po manong,” rinig kong sabi ni Daniel. Agad na bumalik sa’kin lahat ng pangyayari kanina. "Huwag na huwag kayong tutuloy kung saan man namin balak pumunta? Mamatay kaming lahat?" Kanino ba ang boses lalaking iyon at anong ibig niyang sabihin? Alam kong panaginip lang iyon pero bakit alam niyang may pupuntahan kami. Nagkataon lang siguro iyon. "Hoy babe, ano ba ang iniisip mo? Kanina kapa ganyan ah?" Nagtatakang tanong ni Daniel kaya naman agad akong natauhan. "Ah wala naman, tara na." Tanging iyon nalang ang nasabi ko dahil alam kong kukulitin naman ako nito. Sa ilang minuto naming paglalakad ay nakarating na kami sa bahay, ngunit hindi maalis-alis sa isip ko kung sino at kaninong boses ang kanina lamang ay nagpahirap sa aking diwa. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.3K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook