Daniel's Pov:
Medyo nakakapagod ang araw na ito para sa akin, 03:34 na ng hapon nang makauwi kami ni Vincent sa bahay nila. Nagpaalam muna siya sa akin na magpapahinga saglit sa kanyang kwarto dahil napagod daw siya. Hinayaan ko nalang muna dahil mapapagod pa siya sa gagawin namin mamaya. Kasalukuyan ako ngayong nasa kusina para tulungan si Tita Edith sa pagluluto ng hapunan namin. Sinigang na hipon at pritong talong ang niluto niya. Alam na talaga ni tita ang lahat ng mga paborito kong pagkain, mukang mapapasarap na naman ang kain ko. Akmang huhugasan ko na ang mga pinag-gamitan namin ng pigilan ako ni tita.
"Ako na ang gagawa niyan mamaya Niel, ano ka ba namang bata ka imbis na nagpapahinga ka ay tinulungan mo pa ako, kaya ko na namang mag-isa dito."
"Maliit na bagay lang po ito tita hayaan mo nalang po ako na tulungan ka, gabi na rin po naman kaya mamaya nalang ako magpapahinga."
"Bahala ka ngang bata ka! Saka ayan kana naman sa pa tita tita mo sa'kin, sinabi ko naman sayo na mama nalang din ang itawag mo dahil anak narin naman ang turing ko sayo hindi ba? Kumusta kayo ni Vincent? Hindi kaba niya pinahihirapan?”
"Nako sorry po ma, mabait naman po siya, napakaswerte ko nga po sa kanya e.”
"Aba dapat lang siyang magbait, subukan lang niya na awayin ka at talagang mapapalo ko ang batang iyon," pabirong sabi ni mama kaya naman natawa nalang ako.
Halos madami rin kaming napagkwentuhan ni mama. Nabanggit ko na rin ang tungkol sa pag alis namin bukas, pumayag naman siya. Maya-maya lang ay pinatawag na sakin ni mama si Vincent para makasalo namin sa hapunan.
Kwentuhan, tawanan, asaran at masarap na kainan ang pinag-saluhan naming tatlo. Masarap kausap si mama kaya naman mabilis ko din siyang nakasundo at aaminin kong mas gusto ko pa siya kesa sa mommy ko.
Matapos ang napakasayang hapunang iyon ay pumasok na kami ni Vincent sa kwarto dala ang anim na lata ng beer. Ito ang madalas naming gawin bago matulog.
"Babe, pwede bang hindi nalang ako sumama bukas, para kasing hindi naman ako mageenjoy doon e.”
"Hyssst pinairal mo na naman yang katamaran mo! Dapat nga ay lagi kang naglalalabas ng masinagan naman ng araw yang balat mo. Wala ka naman sigurong lahing bampira." pabirong sabi ko sabay lagok ng beer.
"Tsk wala lang talaga kase akong hilig pumunta sa malalayong lugar, nakakapagod din kaya sa byahe,"
"Kasama mo naman ako ah."
"Oo na sige na hindi naman ako mananalo sayo."
"Talagang hindi ka mananalo, kase ako ang boss dito," pabirong sambit ko.
"Ibahin na nga lang natin ang usapan, medyo malakas na ang hangin dito hahaha,” natatawang sabi niya.
"Nalala mo pa ba, noong una kitang nakilala?”
"O tapos?"
"Uwiiyak ka noon kasi iniwan ka ng ex mong si Kennedy haha."
"Oo tapos nagalit pa ako sayo non dahil huli na ng sinabi mo sakin na yung inabot mo pala saking panyo ay ipinampunas mo sa itlog mo, hahaha! Kaya pala may buhok." Natatawang sambit niya, natawa nalang rin ako.
"Iyon din ang araw na nahulog ako sayo, kahit pa noon lang tayo nagkita ay parang kumirot na agad ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit, ibig kong sabihin ay hindi pa naman kita kilala pero nasaktan din ako noon dahil parang hindi kita kayang makitang umiiyak. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na kapag ako na ang taong mahal mo ay hindi kana masasaktan ng ganoon. Ayokong nakikita kang nasasaktan babe."
Sa sinabi kong iyon ay agad kong napansin na may ilang butil na luha ng pumapatak sa mga mata niya kaya naman agad ko s’yang niyakap.
"Oh, diba kakasabi ko lang na ayaw kong nakikita kang umiiyak."
"Ikaw kase e, pinaiiyak mo na naman ako,"
"Salamat babe ah, napakaswerte ko talaga sayo, kase hindi mo pinaparamdam sa’kin kung paano masaktan. Nagpapasalamat ako kase alam kong nandito ka lagi sa tabi ko. Mahal na mahal kita babe, hindi ko alam kung mabubuhay pa ako ng hindi ka kasama." dagdag pa niya na tuluyan na ngang umiyak. Ganito talaga siya, napakababaw ng luha niya kaya naman agad kong pinunasan ang mukha nya.
"Shh tahan na, mahal na mahal din kita."
Matapos kong sambitin iyon ay agad ko siyang iniharap sakin. Binigyan ko siya ng padampi-damping halik sa kanyang pisngi hanggang sa marating ko ang napakalambot n’yang labi. Mula sa marahan ay naging mapusok ang halik na iyon at habang naglalaban ang mga dila namin ay naglalakbay naman ang isang kamay ni Vincent sa katawan ko, gamit ang libreng kamay ay nilamas-lamas niya ang ito hanggang sa maipasok na niya ang kaniyang kamay loob ng short ko. "Ahhhhh," mahinang ungol ko habang minamasahe niya ang ngayon ay tigas na tigas na ari ko. Agad kaming naghiwalay para hubaran ang isat-isa at nang mahubad na lahat ng mga saplot namin ay pinadiretso niya ako ng tayo at sa pagkakataong iyon ay hinayaan ko nalang na siya ang gumalaw.
Mariin niyang hinahikan ang labi ko at bumaba papunta sa leeg ko. Kinagat-kagat niya ito dahilan para mapaungol ako. “Ohhh shitttt! Ang galing mo babe ahhh,” halos pabulong kong sabi dahil nanginginig na ako sa sarap na dulot niyon sa akin. Bumaba ng bumaba ang bibig niya, dinidilaan ang mga nadadanan nito hanggang sa marating niya ang kanina pa nagwawalang ari ko. Dinalaan n’ya ang ulo ng alaga ko dahilan para mapasigaw ako. “Ahhhhh, s**t subo mo na please!" Pagmamakaawa ko pero hindi niya ako pinakinggan. Paulit-ulit niyang dilaan ang ulo at ang dalawang bola ng alaga ko pagkatapos ay hinalik-halikan niya ang kahabaan ko. Unti-unting lumalakas ang ungol ko "Ughhhh ahhhhh shittt kainin mo na please."
Sa wakas ay sinunod na rin niya ang kanina ko pang hinihiling. Agad kong naramdaman ang init at sikip ng bibig n’ya sa kahabaan ko. Idiniin ko ang bibig niya kahit pa maduwal-duwal na siya. Nang maramdaman ko na malapit na akong labasan ay agad kong hinugot ang alaga ko mula sa bibig niya. Mariin ko siyang hinalikan sa labi at nang mag sawa ako ay agad ko siyang pinadapa. Nilagyan ko ng lube ang maliit na butas niya at dahan-dahan kong ipinasok ang kahabaan ko. "Ahhhh ang sakittt shitt dahan dahan lang babe please," pagsusumamo ni Vincent. Nang maipasok ko ang mahaba at mataba kong ari ay marahan muna akong umindayog.
"Ahhhhh ang sakit tasssss ang saraaaaaapppp umhhhh uggghhh bilisan mo na!"
Agad kong binilisan ang paglabas-masok ko sa napakasikip niyang butas "Ugggghh ahhjhhh saraaaap mooh.”
"Ahhhhhh hmmmmmhhh shitttt bilisan mo pa." Mas binilisan ko pa ang pangbayo sa butas niya at hindi nagtagal ay magkasunod kaming nakarating sa sukdulan.
Marahan ko s’yang hinalikang muli pagkatapos ay hihingal hingal kaming napahig. Ipinatong ko ang ulo niya sa dibdib ko at maya-maya lang ay nakatulog na siya.
04:02 palang ng umaga ay nagising na ako. Hindi muna ginising si Vincent dahil mukang masarap ang kanyang tulog. Nagpasya akong ayusin na ang mga gamit na dadalhin namin mamaya dahil alam kong mamaya pa ang gising ni Babe, napagod siguro sa ginawa namin kagabi. Napangiti nalang ako ng maalala iyon. Pagkatapos kong ipaglalagay sa bag ang mga gamit at mga pagkaing dadalhin namin ay nag pasya na akong bumaba papuntang kusina para ipagluto ang mahal ko ng almusal. Pritong itlog, hotdog, at Fried rice lang ang niluto ko. Kasalukuyan kong inilalapag sa mesa ang mga niluto ko nang dumating si Mama.
"Oh! Vincent bakit ang aga mong magising?" Bungad niya.
"Maaga din po kasi kaming aalis ma, tsaka alam kong maya-maya pa gigising si Vince kaya ako na ang nag ayos ng mga dadalhin namin.”
" E, bakit ikaw ang nagluto? Dapat ay ginising mo nalang ako nakakahiya tuloy sayo," nahihiyang sambit ni mama.
"Nako hindi naman po ako nahirapan, kayang kaya ko na'to ma, umupo kana lamang po at ipagtitimpla kita ng kape."
Agad naman akong kumuha ng tasa at ipinagtimpla si mama ng kape. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si mama na siya na ang gigising kay Vince para daw hindi na ako mag hintay, alam na alam din n’ya na kung walang gigising dito ay tiyak na tanghali na ito makakabangon. Hinayaan ko na lang,nag-spray na naman ako ng air freshener na lemon ang flavor doon kaya sigurado akong hindi na amoy zonrox ang kwarto namin ng asawa ko.
Maya-maya lang ay dumating na sila ni Vincent, lumapit muna ito sa akin at humalik sa pisngi ko bago umupo.
"Good morning babe kain kana," pagbati ko
"Si Daniel ang nagluto n’yan,” sambit ni mama.
"Totoo? Masarap naman kaya iyan?" nakangiting tanong ni Vince.
"Aba syempre mas masarap ako!” Sagot ko naman sabay kindat, natawa naman silang mag-ina.
Matapos naming kumain ay sabay kaming naligo ni Vincent kaya muling naulit ang ginawa naming masarap kagabi.
8:00 na nang makarating kami sa Fastfood chain na pinag-usapan naming antayan. Ngunit napaaga yata kami dahil wala pa ang ang mga kaibigan namin.
Third Person's Point Of View:
Habang masayang nag ku-kwentuhan sina Vincent at Daniel ay sabay-sabay na nagsidatingan ang kanilang mga kaklase at kaibigang sina May, Kia, Eroll, Jeffrey, Dave at ang huli ay sina Andrei at Topher na halatang sweet na sa isat-isa. Hindi man nila direktang sinasabi ang tungkol sa kanilang relationship status ay halatang may namamagitan na sa kanila.
Agad namang binati ni Kia ang besfriend nitong si Vincent at binigyan ito ng halik sa pisngi.
"Bessy, namiss kita haha," aniya, agad namang inirapan ni Vincent at kunwari'y nandidiring pinusanan ang pisngi nitong hinalikan ng kaibigan.
"Uy mga bruh it bseen two days since I saw the both of you! Kamusta na Vincent? Himala yata at sumama ka, hehe anong pinakain sayo nitong si Daniel at naaya ka n’yang sumama?" Pabirong bati ni Andrei na naakbay na sa gitna ng mag kasintahang Vincent at Daniel.
"Wala naman haha, try ko lang kung anong feeling ng nakakagala. Ikaw ba ay mali, kayo kumusta naman kayo ni Christopher mukang may naamoy akong matamis sa inyong dalawa ah," mapanuksok sambit ni Vincent.
"Oo nga naman Andrei, kayo naba ni Topher?" Dagdag pa ni Daniel. Hindi naman agad nakakibo ang dalawang lalaki na animo’y gulat na gulat pa sa mala kuya Boy Abundang pagtatanong ni Daniel at Vincent. Huminga muna si Andrei ng malalim at nang ibubuka na sana nito ang kaniyang bibig ay maunahan s’ya ni Topher sa pagsasalita.
"Oo! Kami na nga ni Andrei hehe," walang pag aalinlangang sabi ni Topher sabay hawak sa kamay ni Andrei na ngayon ay namumula na sa sobrang pagkahiya. Sa sinabi niyang iyon ay agad na nagsitinginan ang lahat ng kanilang mga kaibigan.
"Whoaaaahh!" Sabay na sagot ni Daniel at Vincent na ngayon ay gulat na gulat parin.
"Kingina Andrei sa sobrang dami mong chicks, kay Topher ka din pala babagsak! Congrats mga tol" ani Eroll.
"Mapapa sanaol ka nalang talaga huhu," maarteng sambit Jeff.
"Owemgi sanaol nga!" Pag sangayon naman ni Kia.
"Tssk tssk, huli na kayo sa balita,” pag sabad naman ni Dave sa usapan.
"Matagal ko na ring napapansin yang dalawang iyan, para na nga silang mag asawa noon paman e haha, ngayon lang talaga umamin ang dalawang yan." Ani May.
"Ang saya haha, meron na tayong dalawang bl couples sa grupo natin. Stay strong sa inyo mga bakla!" Ani Kia na binigyan pa ng tag-iisang flying kiss ang dalawang bl couples sa grupo, agad namang nag tawanan ang lahat.
Matapos ang masasayang kwentuhan, kainan at tawanan ng grupo ay nag pasya na silang umalis na ng Fastfood chain at lahat sila ay nag sakayan na sa loob ng van. Sina Eroll at Kia ay umupo sa tabi ni Dave na siyang driver at sa pinakalikod na bahagi naman ng sasakyan umupo ang mag kasintahang Vincent at Daniel.
Ilang saglit lang ay nagumpisa ng umandar ang kanilang sasakyan. Habang nasa biyahe sila ay inilabas naman ng baklang si Jeffrey ang kanyang video cam at agad na kumuha ng video.
"Hello guys, on the way to Quezon Province na kami hihi owemgi look o, ang lalandi ng mga kasama ko." Panimula ng bakla habang isa-isang pinapasadahan ng kanyang video cam ang mga magkakasintahan sa grupo. Matapos ang halos isang oras niyang pagkuha ng video ay nag pasya na siyang itago ang kanyang video cam. Halos tamimik na ang lahat dahil ang iba sa kanila ay nakatulog kaya naman ipinikit na rin ni Jeffrey ang kaniyang mata at maya-maya lang ay nakatulog narin s’ya.
Tatlo at kalahating oras pa ay narating na nila ang Quezon at kasalukuyan na silang papasok sa kanto ng Palmas Verdez, ilang minuto matapos nilang pasukin ang kanto ay halos mabato na ang daan kaya naman halos tumalbog-talbog na ang mga puwet ng mga nakasakay ng Van.
"Aray! hoy Dave, dahan-dahan naman ang sakit na ng pwet ko! Ang bato na nga ng daan ambilis mo pa magpatakbo." Pag daing ni Kia.
Kalahating oras pa ang lumipas ay narating na nila ang paanan ng bundok. Hindi na sila kumuha ng permit sa Municipal Office ng Sariaya dahil sabi ni Kia ay pansamantala daw ipinagbawal ang pag akyat o pag punta sa nasabing bundok.
Isa- isa ng nagsibabaan ang siyam na sakay ng van dala ang kani-kanilang mga gamit.
"Owemgi Kia, ang ganda nga dito wait, sarap mag selfie!" Namamanghang sambit ni jeffrey sabay labas ng kanyang camera at agad na kumuha ng mga litrato.
"Maganda nga itong lugar pero mukang mahihirapan tayo dahil natitiyak kong napakatarik paakyat,” ani Vincent.
"Don't worry babe bubuhatin na lang kita kapag pagod kana,”sambit naman ni Daniel.
"Guys, tingnan n’yo o si Andrei at Topher nag pi-prenuptial photoshoot haha sana ol!” Asar naman ni Kia sa magkasintahang nagpapapicture kay Eroll.
Sina May at Dave naman ay abala rin sa pagkuha ng sari-sariling litrato.
"Guys 3:30pm na! Umpisahan na nating maglakad dahil baka abutin tayo ng Dilim." Pasigaw na anunsyo ni Kia dahilan para marinig siya ng lahat.
"Teka, paano nga pala natin makikita yung kuweba? Mukang mahihirapan tayo sa paghahanap," ani Eroll. Agad namang inilababas ni Kia ang mapa na magtuturo sa kanila ng tamang daan.
Nagsimula na silang mag lakad paakyat ng bundok at habang palayo sila ng palayo ay tumatarik naman ang kanilang dinaraanan.
Si Kia at Eroll ang siyang nangunguna sa lahat dahil sila mismo ang may hawak ng mapa. Sina Topher at Andrei naman ang nasa likuran nito, sina Vincent at Daniel ang sumunod sa kanila habang si Dave naman ay halos pagtulungan ng hilahin ni Jeff at May dahil mukang pagod na pagod na ito.
Tatlong oras pa ang lumipas. At dahil medyo madilim na ay nagpasya silang tumigil. Ayon sa mapa ay halos isang oras pa bago nila marating ang kuweba kaya naman dahil pagod na ang lahat ay hingal silang naupo sa gitna ng napakapayapang kagutaban.
"Muka namang safe tayo dito kaya bukas nalang natin puntahan yung sinasabing kweba. Ok guys pahinga muna tayo saglit tapos mamaya ng konti ay umpisahan nating ayusin yung mga tent," pagbasag ni Kia sa katahimikan. Nag presinta naman si Eroll na gumawa ng apoy na magsisilbi nilang ilaw, inaya n’ya si Dave para samahan siyang kumuha ng mga tuyong kahoy ngunit tumanggi ito kaya naman sina Vincent at Daniel na lang ang sumama sa kanya. Umalis na sila gamit ang tag- iisang flashlight.
"Alam n’yo guys nakakainggit talaga sina Vincent at Daniel, kitang kita mo talaga na mahal na mahal nila ang isat isa, tignan n’yo o, kahit saan sila magpunta ay laging nakasunod ang isa." Natutuwang sambit ni May na kakatapos lang uminom ng tubig.
"Oo nga no? At dahil nga sa sobrang sweet nila, pati sina Andrei at Topher ay nainggit kaya ayon nagkatuluyan narin sila hihi sene ell may jowa," si Jeffrey naman ang nagsalita habang pinapasadahan ng tingin sina Andrie at Topher na magkatabing nakaupo sa ilalim ng puno.
"E sino ba naman kaseng magkakagusto sayo bakla ha feeling gorl ka kase, try mo kayang magpaka maton tulad nina Topher, bisexual ka nalang kase bes haha, iba na kase ngayon, karamihan sa mga pogi ay pogi rin ang hanap vaklang to!” Natatawang sambit ni Kia.
"Hindi ko kaya haha, parangarap ko kayang maging gorl no, saka maganda kaya ako! Hindi lang halata haha." Maarteng sagot ni Jeff.
" Hindi lang naman to tungkol sa looks o ganda ng isang tao Jepoy," pagsali naman ni Topher sa usapan at bago pa muling magsalita ay hinawakan muna nito ang kamay ng kanyang kasintahan.
"Madami rin naman akong naging ex girlfriend, actually kami pa nga si Zarah nung mapansin kong unti-unti na pala akong nahuhulog kay Andrei, hehe ang weird nung una, kase alam kong straight ako at purong top pero nong inamin ko sa sarili kong mahal ko na si Topher, naisip ko na hindi na pala mahalaga sakin kung magiging bottom ba ako o top basta alam kong mahal ko siya at gagawin ko lahat mapasaya lang siya" Dagdag pa nito. Nagkatinginan lang sina Dave, May, Kia at Jeffrey matapos ay sabay-sabay na bumigkas ng, "SANA ALL NGA!"
"Naks! Ang haba masyado ng sinabi mo, iiyak naba ako?" Si Andrei naman ang nagsalita na ngayon ay namumula na dahil sa mga pinagsasabi ni Topher.
"Kayo nga pala ni Eroll, kumusta naman kayo?" Pag-iiba naman ni Andrei sa usapan.
"Naku laging may LQ ang dalawang yan haha," natatawang sagot naman ni Dave.
"Hmmm wag nalang nating pag-usapan malalaman n’yo din kung bakit laging maiinit ang ulo ko don." Ani Kia na halatang naiinis.
Ilang saglit pa ng kanilang pag kukwentuhan ay dumating na ang tatlo na dala ang kanilang mga sinimot na kahoy.
Nang matapos gumawa ni Eroll ng bonfire ay nagpasya na silang ilabas ang kanilang mga tent at iba pang camping equipments at nang maitayo na nila ang kani-kanilang tent ay nagpasya na silang kumain. Dalawang bucket ng Friend chicken at Malamig na kanin na ini-take out nila sa fastfood chain kanina ang kanilang ginawang hapunan kaya naman hindi na sila nagluto.
Pagkatapos ng masayang kainan ay napagusapan nilang mag inuman.
Kasalukuyan silang nakaupo paikot sa bonfire habang umiinom ng soju at beer habang masayang nag kukwentuhan.
Samantala...
Sa isang madilim na bahaging malayo-layo sa kanilang kinarooonan ay may isang nilalang pala ang kanina pang nakamasid sa kanila. Ibang-iba ang mukha nito kumpara sa isang normal na tao. Ang buong kasuotan nito ay nababalutan ng malansang dugo, dugo ng mga mababangis na hayop na napatay n’ya noong mga nakaraang araw. Sawang-sawa na s’ya sa mga mababangis at maiilap na hayop na kanyang kinakain. At ngayon ay tila gutom na gutom na ito sa buhay na laman ng tao. Hindi na n’ya matandaan kung kailan noong huli siyang nakakain ng tao kaya naman heto s'ya, naghihintay ng tamang pagkakataon para sumalakay. Ang Isipin palang na makakatikim na muli siya ng sariwa at buhay na laman ay parang mababaliw na siya sa isiping iyon. Ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil kailangan niyang paghandaan ang gagawin, kaya naman tiniis na muna n’ya ang kanyang gutom at nagpasyang lisanin ang lugar na iyon.
Itutuloy...