Chapter 3

3578 Words
Third Person's Point of View: Dalawang lata pa lang ng beer ang naiinom ng baklang si Jeffrey ay tila lasing na lasing na ito. Kasalukuyan siyang nagtatatalon habang sumasayaw na animo’y bulate sa tugtog na nanggagaling sa inilabas n’yang wireless bluetooth speaker kanina. Habang ang lahat ng kaniyang mga kaibigan ay halos mabaliw-baliw na sa katatawa, matapos nito ay hingal s'yang napaupo. "Bro, dinala mo ba iyang gitara mo dito para i display lang haha sample naman d’yan," panunukso ni Topher kay Daniel na hawak ang gitara nito. Sa buong barkada, alam ng lahat na si Daniel ang pinakatalentado dahil bukod sa napakagaling nito sa larangan ng basketball ay biniyayaan din ito ng magandang boses. "Oo nga naman Bro, Sample! Sample! Sample!" Pagsangayon naman ni Andrei habang pumapalakpak na agad ding ginawa ng iba nilang kasamahan. "Tsk! kumanta kana kasi babe daming arte nito haha, para madali yung *Sa aking puso* nalang ang kantahin mo paboritong kanta mo iyon diba?" Mungkahi naman ni Vincent sa kasintahan. " Sample! Sample! Sample! " Sabay sabay na sigaw ng buong barkada habang pumapalakpak. "Sige na nga hehe,"pag sangayon naman nito kaya naman habang inuumpisahan na niyang laruin ang kanyang hawak na gitara ay nagumpisa na s’yang kumanta. Uulit-ulitin ko sayo, Ang nadarama ng aking puso, Ang pagibig ko’y para lang sayo, Matatagpuan larawan mo, Habang kumakanta ito ay kay Vincent ito nakatingin at sa bawat pagbigkas ng lyrics ng kantang iyon ay nakikita ni Vincent sa mga mata niya na punong puno ito ng sinseridad at pagmamahal para sa kanya. Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabit- araw, Ikaw ang nais ko sa tuwina ay natatanaw, Pumikit si Vincent at nagbalik sa kanya ang mga ala-ala noong panahonng una silang magkakilala. Ngayon ay naisip niya kung gaano siya kaswerte dahil siya ang pinili nitong mahalin. Ramdam na ramdam n'ya kung gaano s'yang kamahal ni Daniel kaya naman ipinangako niya sa sarili na hinding hindi siya mawawala sa tabi nito, na mamahalin niya ito hanggang kamatayan. Ikaw ang tunay na pag-ibig wala nangang iba, Sa aking puso'y tunay kang nag-iisa. Pagtatapos nito sa kanta habang nakatingin kay Vincent, ang mga mata nito ay tila may namumuong luha at kasabay nag pagtapos sa kanta ay agad siyang hinalikan ni Vincent sa labi. "I love you babe," anito. "I love you more Mr. Daniel.” Tugon ni Vincent matapos ay muling naglapat ang kanilang mga labi. "Omg sana ol talaga! Kailan kaya ako makakahanap ng Mr. Daniel ko," sambit ni Jeffrey. "Asa kapa bakla haha," pangaasar naman ni Kia, pinandilatan lang ito ng bakla. "Guys, tamik haha may naiisip ako. Laro tayo ng Truth or Dare bawal K.J ha? Paiikutin ko itong bote ng soju at kung sino ang matatapatan nito ay siyang taya.” Mungkahi ni May. "Ok sige sige, masaya yan," pag sangayon naman ni Dave. Tahimik ang lahat habang hinihintay kung sino ang unang matatapatan ng pinaikot na bote ng soju. Ilang segundo lang ay tumapat ang ulo ng bote kay Eroll, nagulat pa ito dahil abala ito sa paglalaro ng Mobile Legends. "Ok Eroll dahil ako ang nagpaikot ng bote at ikaw naman ang unang natapatan nito, pili ka Truth Or Dare?” "Eroll! Eroll! Eroll!” Sigaw ng buong barkada. "Sige dahil wala akong inu-urungan, dun ako sa dare!" Anito "Dare? As in Dare talaga? Ok game. Dahil tiktokerist ka naman at magaling kang sumayaw, pumunta ka sa gitna at sumayaw ka ng Pajama Party pero dapat naka underwear ka lang haha, ay wait ikaw na rin ang kumanta para masaya." Natatawang hamon ni May dito. "Hanep, sa iyo pa talaga nanggaling yan Ms. Santita! Ok yun lang pala eh, napakawalang kwenta naman ng dare mo May." Pag mamayabang ni Eroll. Hinubad nito ang suot na shirt at Pantalon, tanging underwear na lang ang suot nito pagkatapos ay pumunta na sa gitna at nagsimulang yumugyog. "Pamparampampam pamparaparampam di ako maka iskor kay Kia sama sa pakiramdam," kasabay ng pagkanta nito ay ang pag giling na akala mo'y ipinagmamalaki na nakapagaling talaga nitong sumayaw kaya agad na napuno ng tawanan ang paligid. "Owemgi papa Eyrowl ang hot non haha," sigaw ng baklang si Jeffrey. "Sus anong hot don? Para nga siyang tanga feeling may abs ampot* haha," pabirong sambit ni Kia. "Wew! Ang sabihin mo lalo ka lang na inlove sa'kin. Oh eto na papaikutin ko na ang bote, goodluck sa susunod na biktima.” Nagsimulang muli ang pag-ikot ng bote at si Vincent naman ang natapatan nito. "Truth," masiglang sabi nito. "Kingina Bro, hindi pa nga ako nagtatanong sumagot ka agad haha. Dahil truth ang napili mo, kailangan mong sagutin ang itatanong ko. Kung sakaling dukutin kayo ni Daniel ng puting van tapos, tapos kukunin nila ang mga organs n'yo, handa kabang mauna o gusto mong panoorin na lamang ang boyfriend mo na unti-unting tinatanggalan ng mga lamang loob?" Makahulugang tanong ni Eroll. Natigilan bigla si Vincent sa nakakapangilabot na tanong ni Eroll. "Syempre, mas pipiliin kong mauna kaysa naman makita kong pinagpi-piyestahan ng mga doktor kwak kwak na iyon ang lamang loob ng taong mahal ko. At kung sakaling wala talaga akong choice dahil si Daniel talaga ang dapat mauna, mas pipiliin ko nalang pumikit at magbingi-bingihan. Ikamamatay ko yon pag nagkataon. Mahal na mahal ko si Daniel at ayokong makitang nasasaktan sya." "Woah, ang sweet naman.” Sambit ni Christopher sabay hagikhik. Habang abala ang lahat sa paglalaro ay bigla silang nakarinig ng kaluskos na nanggagaling sa may masukal na damuhan di kalayuan sa pwesto kung saan sila nakaupo. "Owemgi ano yon?" Gulat na tanong ni Kia na napakapit pa sa braso ng kasintahan. Agad silang nagsipagtayuan para tignan kung anong bagay o hayop ang pinagmumulan ng kaluskos. Lakas loob itong nilapitan ni Andrei at nagulat siya sa kanyang nakita. "Ampota, pusa lang pala haha." Natatawang sambit ni Andrei, dinampot nito ang pusa at hinimas-himas. Nagtawanang muli ang lahat habang bumabalik sa kani-kanilang puwesto. Muling umikot ang bote, si Kia ang tipapatan nito at agad rin nitong pinili ang dare. "Okay Kia, walang personalan ah! May lihim kabang galit o kinagagalitan na miyembro ng ating barkada?" Nangunot ang noo ni Kia sa kakaibang tanong na iyon ni Vincent. Huminga ito ng malalim saka nag-umpisang mag salita. "Oo hindi lang basta galit! Gusto ko siyang patayin gamit ang sarili kong mga kamay! Gusto kong makita kung paano siyang mag makaawa para sa kaniyang buhay." Nabigla ang lahat dahil sa ipinakitang galit sa mukha ni Kia. Literal na nanlilisik ang mga mata nito sa galit. Wala ni isa man sa grupo ang nakapagsalita. "Hoy! Grabe kayo hahaha, biro lang yon ano! Walang dahilan para magalit ako isa man sa inyo.” "Natakot ako don ah, hayp ka talaga Kia! ang sarap sungalngalin niyang bibig mo alam mo yon? Hahaha," natatawang sambit ni Vincent. "Guys medyo late na haha, bukas na lang natin ituloy ang laro. Tara na matulog para maaga nating mahanap yung kuweba bukas. Panigurado mabubusog ang mga mata natin doon." Pag basag ni Andrei sa tawanan. Isa-isa na silang nagsipagtayuan at pumunta na sa kani-kanilang tent para matulog. "Toyo, umuna kana sa tent natin ah, tinatawag lang ako ng kalikasan. Babalik agad ako,” pagpapaalam ni Eroll kay Kia at dali-dali na itong lumayo. Sinundan pa niya ito ng tingin at nang hindi na niya ito maaninag ay nagpasya na siyang pumasok ng kanilang tent para duon na lamang maghintay. Samantala.... Nang makapasok sina Andrei at Topher sa kanilang tent ay agad silang nahiga para matulog na sana ngunit tila hindi mapakali si Andrei dahil sa napakainit na pakiramdam sa kaloob-looban nito. Kaya naman walang pag-aalinlangan niyang sinunggaban ng halik sa labi si Topher, noong una ay parang nagulat pa ito ngunit hindi nag tagal ay ltinugon na nito ang kanyang halik. Palalim ng palalim ang halikang iyon hanggang sa natagpuan na lamang nila ang kanilang sarili na wala na pala silang saplot. Matapos nang napakaalab na tagpong iyon ay habol ang hininga ni Andrei na humiga at sinundan naman ito ni Topher. Inunan nito ang bisig ng kasintahan at muling nagsalita. "Bro, salamat ha," sambit ni Andrei sa malambing na boses. "Para saan?” Tanong naman nito pabalik. "Dahil hindi mo ako ikinahiya sa mga kaibigan natin. Nagpapa-salamat ako sayo at tinanggap mo ako kahit noong una palang ay nagugulohan ka pa sa nararamdaman mo sa'kin. Natakot ako noon dahil akala ko hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko sayo. Salamat dahil ramdam ko ngayon na ipinagmamalaki mo na ako." Mangiyak-ngiyak na pahayag ni Andrei. "Sus drama mo hehe, natural noong una ay nagulat ako dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na mahal din kita. Natatakot ako sa isiping hindi tayo magiging masaya kase parehas tayong lalaki. Takot ako na baka hindi tayo matanggap ng mga tao sa paligid natin pero..." "Pero ano?" tanong ni Andrei. "Pero nong tanggapin ko ng buong buo ang sarili ko at pagkatao ko kasabay ng pagtanggap ko sayo ay saka ko lamang naisip na hindi natin kasalanan kung nagmamahalan tayo. Walang masama sa pagmamahal bro. Handa kong iwasan at iwanan lahat para sayo, kahit pa ang mga mahahalagang tao sa buhay ko makasama ka lang, kasi mahal na mahal kita at ikaw na ang buhay ko ngayon." Puno ng sinseridad na pahayag ni Topher. Hindi na nakasagot pa si Andrei, muli na lamang niyang hinalikan ng puno ng pagmamahal ang kasintahan at maya-maya lang ay nakatulog na sila. Jeffrey’s Point of view: "Mabuti pa sina Andrei At Topher, nahanap na nila ang taong makakasama nila sa buhay. Tss samantalang ako kahit anong gawin kong pag papansin ay parang wala namang epekto sa lalaking gusto ko. Sapat na ba iyon? Yung pagiging malapit namin sa isat-isa? Hindi ba puwede na mahali...” "Vaklushhh Pssst bakla! Gising ka pa?" "Put*ng ina! Panira ng moment!" Agad naputol ang pag mumuni-muni ng baklang si Jeffrey ng marinig niya ang pagtawag ni Kia. Agad niyang binuksan ang zipper ng kanyang tent at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Kia. "Oh Ateng bakit gising kapa? Hmmm, siguro nag away na naman kayo ni fafa Eyrowl! Ano kaba naman ateng palagi nalang kayong magkaaway, bakit kase hindi nalang kayo maghiwalay?" Walang prenong sambit ni Jeffrey. "Oa mo vaklang toah! Si Eroll kase, nagpaalam siya kanina sakin na magbabawas lang daw siya tapos mahigit tatlong oras na, hindi parin bumabalik. Nag-aalala na'ko sa kaniya bakla, baka kung napaano na'yon or baka naligaw." "Owemgi gorl seryoso? Hala saan natin s’ya hahanapin, napakadilim na kaya tapos witching hour na ngayon o nakakashokot!” Sambit ni Jeff. "Hay nako kahit kailan talaga napaka duwag mo!" Sagot naman ni Kia na pinaikot pa ang mga mata. Nasa ganoon silang usapan nang may kung anong bagay ang tumama sa ulo ni Kia, napatalon naman ito at napasigaw sa gulat. Nasindak ang dalawang magkaibigan nang mapagtanto nila kung ano ang bagay na iyon. Nagkatinginan ang dalawa at napasigaw ng napakalakas. "Ahhhhhhhhhh ta*ginaaaaaaaahhh!" Sabay na sigaw ng dalawa. Matapos ng nakakabinging sigaw na iyon ay nagsilabasan ang iba pa nilang mga kaibigan at nagimbal ang lahat ng makita ang putol na braso. Kapansin-pansin rin dito na halos sariwa pa ito dahil sa dugo na lumalabas sa parteng pinagputulan nito. "Tan*ina! Tan*ina! Kanino ang putol na brasong ito? Sinong halang ang kaluluwang gumawa nito?" Natatarantang pasigaw sambit ni Daniel. "Sandali, nasaan si Eroll?" Tanong naman ni Dave. "Tatlo't kalahating oras na siya buhat ng magpaalam sa akin na magbabawas daw siya tapos, tapos hanggang ngayon hindi parin bumabalik siya bumabalik." Mangiyak-ngiyak na sagot ni Kia. "Hala! Hindi kaya," parang nagulat naman si May at napatakip sa bibig. Hindi kaya ano?" Naguguluhang tanong ni Andrei at Vincent. "Hindi kaya kay Eroll ang putol na brasong iyan?” Ani ni May na biglang namutla sa sinabi. "Ano kaba naman May, hindi kay Eroll yan kilala ko ang lahat ng parte ng katawan ni Eroll, may tattoo iyon ng maiit na dragon sa kaliwang braso." Paliwanag ni Kia dito. "Kia, hindi mo talaga makikita ang tattoo ni Eroll, kung kay Eroll nga ang brasong iyan. Pagmasdan mong mabuti, halos wala ng balat iyang braso oh, hindi kaya sinadya iyong tanggalin ng killer para hindi natin makilala?" Ani ni Vincent. "Bessy naman eh, tinatakot mo naman ako. Saka anong killer? sino namang gustong pumatay sa kanya eh tayo-tayo lang ang tao dito." Sagot ni Kia pabalik. "Ok Guys, relax! Ibaon nalang muna natin ang putol na brasong iyan, pagkatapos sama-sama nating hintayin si Eroll na makabalik dito. Baka nag-iikot lang ang isang iyon." Mungkahi ni Daniel. Matapos maibaon ang kawawang braso ng kung sino mang may ari niyon ay nagtipon-tipon silang lahat at naupo sa tapat ng tent ni Kia at Eroll para hintayin ang pagbabalik ng nawawalang kaibigan. Ngunit inabot na sila ng pagsikat ng araw ay wala paring Eroll na bumalik. Eroll's Pov. Matapos kong makapagpaalam kay Kia ay dali-dali na akong lumayo para makapagbawas. Kinilig pa ako pagtapos umihi at nang maisara ko na ang zipper ng aking pantalon ay may matigas na bagay ang humampas sa aking likod. Sa sobrang sakit niyon ay agad akong nahilo at nawalan ng malay. Pag mulat ko ng aking mga mata ay nakatali na ang mag kabilang kamay ko at mga paa. Nagsimula na akong kabahan at kahit anong pag pupumiglas ang gawin ko ay tila walang nangyayari. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang taong bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Sa tulong ng maliwanag na buwan ay kitang kita ko na parang tao nga ito. Kakaiba ang mukha nito kumpara sa normal na tao. Bukod sa kulubot na balat nito mula ulo hanggang paa, mapapansin din ang mga mata nito na halos lumuwa na sa sobrang laki, hindi rin normal ang maraming bukol nito sa katawan. Ang buong wangis nito ay halos kahawig ng karakter ng killer sa isang sikat na pelikulang Wrong Turn ngunit mas nakakatakot ang hitsura nito. "Sino ka? Anong kailangan mo sa’kin hayop ka! Pakawalan mo ako." Galit na sambit ko ngunit parang hindi niya ako naririnig. Bigla akong kinabahan sa inilabas niyang chainsaw at binuhay iyon, ngumiti pa ito ng nakakaloko kaya naman lumabas ang madumi at nangingitim nitong mga ngipin. Habang palapit siya ng palapit sa akin ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Nagulat ako ng bigla niyang putulin ang pagkakatali ng kanang bahagi ng aking paa gamit ang chainsaw. Akala ko ay pakakawalan niya ako ngunit mas nagulat ako ng walang babala niyang inihimampas ang umaandar na chainsaw sa kanang paa ko at hindi pa ito nakuntento hinampas narin niya ang kaliwang paa ko kaya naman halos malagutan na ako ng hininga sa sobrang sakit na aking nadarama. Ramdam ko ang pagsirit ng masaganang dugo sa naputol kong mga paa. Nagsimula na akong pumalahaw ng iyak habang naririnig ko ang nakakakilabot na halakhak ng taong unti-unting pumapatay sa akin. Muli niyang inangat ang chainsaw at pinutol ang pagkakatali ng magkabila kong kamay kasabay nito ang pagbagsak ko sa lupa kaya naman mas lalo pang dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Muling lumapit sa akin ang taong iyon. Tumigil ito saglit at may kinapa sa bulsa ng kaniyang maruming pantalon. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na blade iyon at ng lumapit ito sa akin ay laking gulat ko ng hiwain niya ang palibot ng braso ko at hinatak dahilan para humiwalay ang balat ko sa braso. Napasigaw ako ng malakas sa sobrang sakit ngunit tila napakagandang musika iyon sa pandinig ng mala halimaw na lalaki. Tumawa pa ito ng malakas at muling hinampas ng chainsaw ang kaliwang kamay ko. "Ahhhh parang awa muna, hindi ko na kaya, patayin mo na lang ako!“ Pagsusumamo ko ngunit parang hindi n’ya parin ako naririnig. Matapos niyon ay ang kanang kamay ko naman ang pinutol n’ya at hindi pa siya nakuntento. Gamit ang naputol kong kamay ay hinampas hampas niya ang mukha ko habang humahagikhik. Sa sobrang sakit ng pangyayaring ito ay ginusto kong wakasan na agad niya ang aking buhay. Tumigil ang lalaki sa pag hampas sa mukha ko gamit ang naputol kong braso, lumayo ito saglit at agad na bumalik dala ang mahabang karet. Lumapit ito sa akin at walang awang Isinaksak sa tiyan ko ang matulis na bagay na iyon at iniikot-ikot pa ang kahoy sa loob ko, pagkatapos ay hinugot iyon. Kasabay ng pag angat nito ang pag hiwalay ng bituka ko at ilang lamang loob ko na halos bumuhol na sa kahoy na may patalim. Nasilayan ko pa ito bago ako malagutan ng hininga. _______________________________ Vincent's Pov. Inabot na ng pagsikat ng araw ang paghihintay namin sa pagbabalik ni Eroll ngunit hanggang ngayon ay wala paring Eroll na nagpapakita. Magdamag kong inalo-alo ang bestfriend kong si Kia dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. "Guys, mas makakabuti kung itutuloy natin ang pagpunta sa kuweba. Magbakasakali tayo na baka dumiretso na doon si Eroll, kilala natin siya na may pagkaloko-loko at siguro ay ginu-goodtime niya lang tayo, baka nauna na siyang pumunta don." Pagbasag ni Christopher sa katahimikan. "Paano naman natin masisiguro na doon nga siya pumunta Topher? Madilim pa kanina ng mawala s’ya,” sagot naman ni Kia dito. "Bes tama si Topher, minsan talaga ay hindi maganda ang biro ni Eroll kaya naman sigurado din ako na nauna na nga siyang pumunta doon para mag-alala tayo." Ani jeff. "Kung Ganoon, humanda talaga sakin yong Toyoin na iyon dahil kapag nakita ko siya ay makakatikim iyon ng matindi sa akin." Galit na sambit ni Kia. "Ok guys, kain na muna tayong lahat. Pagkatapos ay Iligpit na natin ang ating mga gamit nang sa ganoon ay makaalis na tayo ,para mahanap agad natin ang kinaroroonan ng kuweba,” ani Dave. Si May, Topher at Andrei ang nagtulong para sa paghahanda ng aming kakainin. Habang kami naman nina Daniel, Dave at Jeffrey ay nagtulong-tulong sa pagtatanggal ng mga tent at pagliligpit ng aming mga gamit. Sinulyapan ko si Kia na umiiyak parin sa isang tabi. Hindi ko na lang ito pinansin at ipinagpatuloy ko na lamang ang pagtulong sa mga kaibigan ko. Matapos naming kumain ay agad din kaming umalis at tinahak ang daan na itinuturo ng mapa na hawak ni Andrei, nagpresinta ito na siya na ang humawak dahil hindi parin makausap si Kia. Wala pang isang oras na paglalakad ay nasilayan na namin ang hinahanap naming kweba na dalawamput-tatlong hakbang nalang ang layo sa amin. Kapansin-pansin ang napakagandang hugis nito at ang perpektong hugis din ng lagusan na napapaligiran ng mga halamang may malalaking ugat. Buhay na buhay din ang mga nag gagandahang mga bulaklak sa paligid nito. Mapapansin din ang mga malaking puno ng balete na berdeng berde ang kulay ng dahon. "Oh my God! Ang ganda pala talaga ng lugar na ito, para akong nasa isang paraiso sa unang panahon kung saan kalilikha pa lamang ni Adam at Eve, napaka perfect nito sarap mag selfie." Namamanghang sigaw ni May na agad din tumakbo para lapitan ito. Nagsimula siyang kumuha ng litrato. Sinundan na lamang namin siya at habang abala ang mga kaibigan ko sa pag hanga sa napakaganda lugar na iyon ay bigla akong napatigil. Bigla akong nakaramdam ng malamig na pagyakap ng hangin na dumadampi sa balat ko. Nagsipagtaasan ang balahibo ko sa katawan at bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag ngunit masama ang pakiramdam ko na para bang may mangyayaring hindi maganda. Tinapik-tapik ko ang mga pisngi ko at napailing. "Wala to baka napagod lang ako sa paglalakad." Nasabi ko na lamang sa isip ko at nagsimulang lumakad palapit sa mga kaibigan ko. Matapos naming mag pictorial kuno ay nagpasya na kaming pumasok sa lagusan ng kamangha-manghang kuwebang iyon at naglakad. Kataka-taka na ang bawat sulok nito ay may nakatirik na naglalakihang kandila, kandilang parang tila hindi natutunaw. Kapapan-pansin din ang malaking rebulto ng ibon, may korona itong tinik at ang mga pakpak at balakibo nito ay gawa sa mga matutulis na bato, nakakakilabot ang hitsura nito. " Ang creepy pala sa loob nito guys." Ani ni Andrei matapos kuhanan ng litrato ang bawat sulok ng lugar na ito. " Anong creepy? Ang ganda kaya! Kahit sa panaginip ay hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang lugar na ito, sampalin mo nga ako bes para magising ako," samabit ng maarteng si Jeff, nagulat pa ito nang sampaliin ni Kia kaya napasapo ito sa kanyang pisngi. "Hahaha ang arte mo kase bakla," natatawang sagot ni Kia. "Okay hindi na muna ako magagalit dahil napatawa kita. Kanina kapa kase tahimik," anito. Hindi na sumagot si Kia at nagpalinga-linga nalang ito sa paligid. Ipinag-patuloy namin ang paglalakad habang isinisigaw namin ang pangalan ni Eroll, nagbabakasakali kami na makita namin siya dito. Bigla akong napaisip sa mga nangyari kahapon. Palaisipan parin sa amin kung sino ang naghagis ng putol na braso kay Kia. Sana ay hindi kay Eroll ang brasong iyon dahil pag nagkataong hindi na namin siya mahanap ay tiyak na hindi namin alam kung paano ito ipapaliwanang sa mga magulang niya. "Ahhhhhhhhhhhhhhhh!” Napatigil ako sa pagmumuni ng biglang sumigaw si Kia ng napakalakas. Umeko ang sigaw nito sa buong paligid kaya naman nilapitan namin siya at nagimbal kaming lahat sa nasaksihan ng aming mga mata. Nakilala agad namin kung kaninong bangkay ang nakahandusay sa harapan namin. Si Eroll, putol ang mga binti at mga braso, dilat ang mga mata nito at ang mas nagpasama ng aming mga sikmura ay ang wakwak nitong tiyan na wala ng lamang loob. Bumaligtad ang aking sikmura at agad lumabas sa bibig ko ang mga kinain ko kanina Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD