Simula
Abala ang mga kasambahay sa mansyon ng mga Sanchez para sa pag-uwi nina Mr. and Mrs. Sanchez ngayong araw. Isang oras na lamang ang kanilang hihintayin para batiin ang dalawa.
"Miss Anika, handa na po sa kusina," bigkas ng isang kasambahay na nasa edad apatnapu't tatlo. Siya ang pinakamatanda sa limang kasambahay na nanunungkulan sa mansyon.
"Ang mga pagkain po ba?" tanong ng isang dalaga nang hindi nililingon ang nauna. "Pati po ba ang favorite nilang wine?" dagdag ng dalagang si Anika saka humarap kay Manang Selia nang matapos na niyang idikit ang mga pink balloons sa likod ng malaking pintuan.
"Yes, miss," tugon ni Manang Selia nang may ngiti sa labi.
Nagningning ang mga mata ni Anika at napatalon pa siya sabay palakpak dahil sa pagkasabik na makasamang muli ang kanyang mga magulang matapos ang halos limang taong pananatili sa States para sa pagpapalago ng bago nilang negosyo roon, ang Sakura Perfume na ngayo'y kilala na sa America at laging sold-out.
"Salamat po sa pagtulong. Let's just wait them!" masayang turan niya kay Manang Selia bago siya umupo sa malambot na sofa ng maaliwalas na sala.
Nanatili pa rin ang ngiti sa labi ni Manang Selia habang pinagmamasdan kung gaano kasaya ang dalaga sa pag-uwi ng kanyang mga magulang. Ito kasi ang unang beses na makita niyang sabik ang dalaga sa loob ng tatlong taong panunungkulan niya rito. Hindi man niya nasubaybayan ang pag-laki ni Anika ngunit ramdam niyang kulang ang atensyon na ibinibigay ng kanyang mga magulang sa kanya.
Katulad ng inaasahan, isang pamilyar na busina ng sasakyan ang narinig nilang lahat at ito ang hudyat kay Anika na tumakbo ng mabilis palabas ng bahay. Naabutan niya si Lovely na nagbubukas ng malaking tarangkahan upang makapasok ang isang iim na Hi Ace.
Hindi na mabura pa ang ngiti sa kanyang mga labi habang bumababa ng sasakyan ang mag-asawa. Isang mainit at mahigpit na yakap ang ginawang pagsalubong niya sa kanyang mga magulang.
"I missed you both! I'm glad you're arrived, Mom, Dad," bigkas ni Anika sa pagitan ng kanyang pag-hikbi.
Niyakap din siya pabalik ng mag-asawa dahi masaya rin silang makita ang kanilang nag-iisang anak. Hinaplos ni Ginang Sanchez ang itim at mahabang buhok ng anak. Lalo niya pang na-miss si Anika dahil hindi pa rin nagbabago ang amoy ng kanyag buhok na strawbery scented.
Habang ang dalawang kasambahay na nakatayo sa malaking pintuan ay napatingin na lamang sa isa't-isa habang may hawak na tig-isang confetti. Ito sana ay isang surpresa ngunit tila nakalimutan ni Anika ang kanyang plano. Napakibit-balikat na lamang ang dalawa at inutos sa kanila ni Manang Selia na itabi na lamang ang mga ito.
"We prepared lunch specially for you so let's taste it," masayang anyaya ni Anika sa kanyang mga magulang. Sabay-sabay silang naglakad papasok ng mansion at siya ang naa gitna habang hawak ang bisig ng kanyang mga magulang.
"Salo na kayo, Manang," anyaya ni Ginang Sanchez sa mga kasambahay. Noong una ay nahihiya sila ngunit nang segundahan ni Ginoong Sanchez ay saka sila nagsi-upo upang makisalo.
"Manang, how's my daughter? Hindi naman po ba pasaway?" pangangamusta ni Ginang Sanchez habang nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato.
"Mommy," pagpipigil ni Anika pero natawa na lamang sila.
"Naku, Madam ngayo ko nga lang po siya nakitang masayang msaya dahil s apag-uwi niyo po," tugon naman ni Manang Selia.
Nakipagkwentuhan pa silang lahat sa isa't isa ngunit natigil lamang sila sa kanilang tawanan nang tumunog ang door bell.
"Do we expect visitors?" tanong ni Ginoong Sanchez na tila naging tanong din nila sa isa't isa.
"Ako na pong titingin," prisinta ni Lovely bago iwanan ang kanyang pagkain. Pagbalik niya'y si Dion kasama ang asawa't anak, ang sumusunod sa kanya.
"Hi, Tita, Tito! Welcome home!" masiglang bati ni Rishan na asawa ni Dion. Nakipag-beso siya sa mag-asawa at ganoon din ang ginawa ni Dion, ang pinsan ni Anika na siyang pamangkin ni Ginoong Sanchez.
"Come to Nana," magiliw na utos ni Ginang Sanchez sa apo niyang si Vin, limang taong gulang na anak ng mag-asawang Dion at Rishan.
"Mabuti pa ang pinsan mo, may anak na. Ikaw kahit boyfriend, wala ka," hirit ni Ginoong Sanchez sa kanyang anak.
"Daddy!" nahihiyang protesta niya. "Shempre wala pa 'yong the one for me," katwiran niya ngunit tawa lamang ang naitugon sa kanya ng lahat.
Natuloy ang simple ngunit masayang salu-salo kasama sina Dion at ang kanilang mga kasambahay.
Sa kabilang banda, kumalat ang viral news tungkol sa isang CEO na wala na raw interest sa mga babae dahil ang kilalang babaero at happy go lucky sa mga bar noon ay naging seryoso na ngayon at hindi kakikitaan ng interest sa kanino man, bagay na ikinasakit ng ulo ng lalaking tinutukoy nila.
"What the hell are they doing?!" asar na tanong nito sa hangin.
"Tingnan mo pa 'to," saad ng kanyang secretary na si Steve ngunit nag-kukubli sa pangalang Jerry.
"Hi, guys! Welcome back to my channel! So for today's video, ibabahagi ko sa inyo ang interesting topic tungkol sa isang billionaire. But before that, click the subscribe button below and hit the notification bell para araw-araw kayong updated! So siney itetch na kilala as womanizer noon pero nagbago dahil sa kanyang first love? Ayan, I posted the silhouette. Clue? He is now a CEO of his father's company," saad ng isang gay sa vlog na kanilang pinapanood.
Napahilot siya sa kanyang sentido dahil kung anu-anong fake news ang ikinakalat tungkol sa kanya, kasama ang kanyang mga hot pictures.
Sunod namang pinakita ni Steve ang mga comments sa isang f*******: post tungkol sa kanya na siya raw ay interested na sa mga gay.
No wonder why Arvie Johnson Capistrano, the CEO of Capistrano Company is not dating girls already. It is because he has an affair with his same s*x. Plot twist: many boys.
354K Likes 567K Comments 100K Shares
Rose Ilacad: Sayang naman sia :(
Kim Ascana: Ayan, karma na niyan! babaero kasi
Luie Santos: Baka may naliitan sa kanyang espada kaya ganun HAHAHAHA
Cholo Vidal replied: Baka espada rin ang gusto kamo tol
Christine Meyer: Keri lang! basta pogi paanak pa rin ako!
Avila Silva: Ateng Hunter oh ayan mentioned kita. crush na crush mo noon oh
"Sinong impakto ang nagpapakalat ng fake news tungkol sa 'kin?" Mainit ang ulo niyang nagtanong kay Steve. Maging ito ay wala ring kaalam-alam sa nangyayari dahil kaninang umaga lamang ito nagsimula at ngayong tanghali lamang nila napansin.
"Anong gagawin natin niyan?" tanong ni Steve sa kanya ngunit nanatili muna siyang tumahimik. Bumuntong hininga siya habang nag-iisip ng maaaring gawin dahil makakaapekto sa negosyo niya lalo na at marami siyang partnership sa business.
Si Steve ay kaibigan niya dahil boyfriend siya ni Reign, ang babaeng minsang pinagkasundo sa kanyang ipakasal ngunit hindi natuloy dahil ayaw nila ang isa't isa.
"Pupunta ako sa company bukas para kausapin ang mga board at 'wag paniwalaan ang walang kwentang fake news na 'yan. Ayusin mo muna ang mga appointment ko," utos niya sa kanyang secretary bago ito tuluyang umalis sa tinutuluyan niyang condo unit.
Napahilot na naman si Arvie sa kanyang sentido dahil sa mga kumakalat na fake news. Hindi niya naman mawari kung kanino nagsimula o kung anong pakay ng taong guwagawa niyon.
Matapos siyang uminom ng isang baso ng malamig na tubig ay nakatanggap siya ng text message mula kay Steve na nagsasabing may new appoinment siya bukas ng umaga sa president ng Sanchez Corporation.
Napatitig siya sa pangalan ng kumpanya. Ito ang kumpanyang gusto niyang pag-invest-han ng perfume para sa cosmetics kung saan ay partner siya.