Your Spilled Coffee

1084 Words
Anika's Point of View We are having our dinner when my mom starts the conversation. "Are you sure about being a janitress? Come on, Anika nakapagtapos ka ng Business Management. I am not being judgemental about your job but it is not our expectations." A disappointed reaction formed on her face. "Mom, bakit hindi na lang po kayo maging masaya sa desisyon ko. Besides, if Rishan didn't meet Dion, for sure naging waitress na rin siya before and she was willing to do it." "That was before, Anika," mariing sabat ni Mommy. "Hon, let her be. It's part of her experience nang maging aware ang anak natin kung ano ba talaga ang reyalidad. We've been there, remember?" malumanay namang wika ni Dad. Sa huli, umayon na rin si Mommy sa gusto ko. I am excited for my first job. After dinner, I called Rishan and told her the good news. "Really? Buti pumayag sina Tita." "But still disappointed," malungkot kong tugon. I closed my personal computer and sat on my bed while still holding my phone. "Intindihin mo na lang sila Tita. If I were your mother, shempre ganun din ang magiging reaction ko." She had a point. "Okay, Rish, thank you for your time. How's your husband? Tell me kung niloloko ka niyan, itataya ko ang company namin para sa'yo," pabirong wika ko. She laughed hard too as if I made the funniest joke. "Don't worry, mas yayaman ka pa dahil walang tayaan ng kumpanya ang mangyayari." She's still laughing. I automatically smiled knowing that she already found her happiness in life. She has her husband and a cute little angel. I wish I have too. I shook my head with that thought and hang up the call after saying goodnight to each other. I stared at the ceiling and I encouraged myself to be more excited for tomorrow. "Right, Mom and Dad loves me so they'll still support me." Kinabukasan, 7:20 AM pa lang ay nakabihis na ako. I am wearing a white blouse, fitted jeans, and white sneakers. "Good morning!" Panay ang pagbati ko sa mga nakakasalubong ko sa company. Some will greet back but others ignored me. Well, at least I am not like them. The receptionist smiled at me, looking at me from head to foot. Tinapat ko sa scanner ang fingerprint ko kasabay naman ng mukha ko sa lens para mag-register ang pangalan ko at makapag-time in. I am quite familiar with the technologies and so on. Mabilis akong pumunta sa Utility Room dito lang din sa first floor. Naabutan ko ang ilang janitress katulad ko. May mga lockers din dito sa bungad at sa kabilang kwarto naman ang mga tools and equipments for cleaning as well as those branded cleaning agents. "Hi," nahihiya kong pagbati while waving my hand. They looked at me as if I did wrong. "Bago ka po ba?" Tanong ng isa sa kanila. She looks so young and innocent. "How old are you?" I asked out of nowhere until I realized what I've done. "Sorry, I'm too excited to work. Yes, today is my first duty." "Ang yaman mong tingnan, iha," pagpupuri sa akin ng kasama niyang mas matanda. Parehas nila akong kinikilatis with their amazing expressions. I remained silent while flashing my smile. "Oh siya, magsimula na tayo at baka mapagalitan pa ng supervisor." pag-anyaya ni Mrs. Luz habang inaabot naman sa'kin ni Ms. Mae ang mop at hard-surface cleaners. "Alam mo Ate Anika, ngayon lang ako natawag na miss sa trabaho ko. Dahil sa'yo, nawawala ang pagod ko at lalong magpupursigi," masayang wika niya. "Pero Ate Anika, pwedeng Mae na lang po ang tawag mo sa'kin? Para feel ko na may ate ako," dagdag niya. "Ako rin, Anika, ikaw lang ang tumawag sa'kin ng Mrs. na katrabaho ko." "Wala po 'yon. I am happy to meet you both. Sana po mas matagal pa tayong magkakasama." We are heading to the second floor where we are assigned to. Napakalinis at organized ang office. The interior design reflects how big this company is. While walking on the hallway, Mae bumped someone unexpectedly and the coffee splashed on the floor. Arvie's Point of View "Arvie, anak 'to ni Mr. Hererra 'di ba?" Pinakita ni Steve ang litrato ng isang babae mula sa kanyang iPad, ngunit hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin habang kami ay naglalakad sa hallway. "Hindi ako interesado sa kanya," tipid kong tugon habang humihigop sa aking kape. "I am worried na baka tumanda kang binata. Subukan mo lang naman," pangungumbinsi sa akin ni Steve, ang makulit kong Secretary na nagtatago sa pangalang Jerry. "Kung hindi lang para sa inyo ni Reign, matagal na sana akong naghanap ng secretary na hindi pakielamero sa buhay ng may buhay," tugon ko para tumigil na siya kakaindorso sakin ng kung sinu-sinong babae na hindi naman ako interesado. "Sabi ko nga titigilan ko na," wika niya. Aba mabuti naman at nakaramdam. "Who will I meet today?" Nakalimutan ko kung sino ang may appointment sakin ngayong umaga because it's too many. "President of Sanchez Corporation, Boss." Alerto siyang sumagot. Basta nag-English na ako, alam na niyang oras na para magseryoso at mamaya na ang kwentuhan. Paliko na kami nang mabangga ako ng isa sa mga taga-linis kaya ang hawak kong kape ay natapon sa kanya. "Aray, mainit!" daing ng babaeng nabangga ako. Agad namang lumapit sa kanya ang isa pang babae na kasamahan nila. She is holding the mop. "Please, hold this. Thanks." Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at pinahawak ang mop sa akin. Napanganga ako sandali. Napatingin ako kay Steve na humahagikhik sa gilid. "Anong nakakatawa?" inis kong bulong na may halong panlalaki ng mata. Agad naman siyang tumigil ngunit halatang gusto pang tumawa. Binalik ko ang tingin ko sa dalawang babae. "Don't touch it. I will take you to the clinic," rinig kong wika ng babaeng nagpahawak sakin ng mop na 'to. Ngayon lang ako nakakita ng janitress na fluent mag-English. Dayuhan ba 'to at naubusan ng pera kaya nagtatrabaho sa kumpanya ko? "Sir?" She snapped her fingers in front of my face. "What?" iritado kong wika para pagtakpan ang pagkatulala ko. "May I have the mop now, or you want to clean? It's my pleasure. Please clean your spilled coffee. Thank you." nakangiti niyang wika sabay lakad ng mabilis palayo kasama ang kanyang kasamahan na natapunan ko ng kape. Ngunit nagsalita pa ito ulit, " Next time, don't walk randomly while having a coffee. You may have it at home. Thank you again!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD