Chapter 3

1624 Words
__Belleyel's POV__ Three month's earlier... MY name is Belleyel Sandfeid, I am 18 years old. Being in college is hard for me. And I am already in fourth year but still I haven't have a permanent friends except for my best friend Snow who always protected me whenever I'am in trouble. I got employed in an early age. 17, tinaggap ako ng mga tito ko para mag-trabaho sa bukirin nila pero hindi ako nagtagal doon dahil muntikan na akong magahasa ng tito at pinsan ko. Buti nalang nandyan si Snow no'n. So pinatira ako ni Snow sa bahay niya at lagi niya akong pinababantayan sa mga gangster buddies niya. Oo gangster si Snow, but she's my friend, we're in different personalities but we love each others qualities. My parents? Well I came from a broken family. Nagka-kabit si Dad at mas pinili niya si kabit, at si Mom? Yon pumatol rin sa iba tapos iniwan lang ako sa ere kasi ayaw sa akin nung lalaki kaya iniwan nila ako kay lola. Pero nung namatay si lola ay pinamana niya sa akin ang pera niya sa bangko. At ang laman niyon ay Thirty million. Why settle for small things? Imbes sa malaking bagay na meron ako? Kasi I am still saving it. Kung sakali mang nagkasakit ako ay gagamitin ko yung pera na iyon kaya nagpapakahirap akong magtrabaho. I have to be independent. "Belle, papasok ka na?" Tanong sa akin ni Snow habang pakusot-kusot pa ng mata. Tumango ako. Saka ko inayos ang black shoes ko. "Kumain ka na ba nyan?" "Oo, pinagluto na rin kita Snow." Nakangiting sabi ko saka isinukbit ko na yung bag ko sa balikat ko. Umiling-iling siya saka bumaba ng kama. Sa gulat ko ay bigla niyang sinundot yung dibdib ko. "Maumbok na iyan ah!" Natatawang sabi niya saka tinignan yung kanya. "Samantalang sa akin kulang ng three inches ng laki kaysa sayo." Pero malaki pa rin yung dibdib niya, abnormal lang kasi talaga yung kalakihan ng boobs ko. "Ingat ka sa mga lalaki Belle hah?" Paalala niya sa akin nang palabas na ako sa apartment namin. Tumawa ako saka ibinalik yung tingin sa kanya. "Ingat ka rin sa pakikibugbugan hah?" Bigla siyang napahawak sa ulo niya. "Sh*t may meeting pala kami ng gang ko." Umiling-iling ako saka sinara na ang pinto at tinakbo na yung paradahan ng jeep. Sa totoo lang nga si Snow yung leader ng grupo nila. Bayolente yon pero sa akin mabait siya. She always protects me. Parang magkapatid na nga kaming dalawa. Nakarating naman ako sa school ng walang kagalos-galos kaya hindi naman magagalit si Snow nyan.Minsan rin kasi, parang nanay din iyon kung magalalala sa akin. Nilibot ko yung paningin sa kabuuan ng school na papasukan ko. Milltowe College. It's my first day in this school kaya kinakabahan ako ngayon. I sighed and brace myself. As I stepped in the school everyone turned their attention at my direction and I took that as a warning. I composed myself and walked, just ignored them. Buti nalang nakayanan kong maglakad kahit ramdam ko ang mga titig nila sa akin. Really, first day was the hardest. "Hi!" Nilingon ko yung lalaking kumalabit sa akin. Napasinghap ako nang masilayan ko yung lalake. He is too handsome, parang hinulog ng langit ang kagwapuhan nito. Mas lalo na nung ngumiti ito sa akin ng malawak. He has a smile that can make any girl crazy. Ang ganda din kasi ng mata niya, parang kumikislap kasi ito habang matagal mo itong tinititigan. "Bago ka lang ba dito? I never seen anyone as beautiful as you are." Namula ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Natawa lang siya. Natulala naman ako sa tawa niyang iyon. Wala lang, nakakatulala kasi. "By the way, my name is Westly Drake. And you are?" Nilahad niya ang kamay niya na tinaggap ko naman. "Westly Drake? What kind of name is that? And my name is Belleyel Sandfeid." "Belleyel? What kind of name is Belleyel?" We both laughed. He already released my hand and offered me a piece of paper. "Nagre-recruit kami ng member para sa club namin. Wanna join us?" Tinaggap ko yung papel at ibinulsa ko iyon. "Ahh...pag-iisipan ko." Tumango siya saka hinimas-himas ang batok niya. "Um...alis na ako." Sabi ko. At para namang natauhan siya kaya naglakad na siya paalis at nagpaalam na. Bumuntung-hininga ako at nilingon siya only to see that he's staring at me. Imbes na umiwas siya ay ningitian niya pa ako saka kumaway-kaway. Naglakad nalang ako saka hinanap ang magiging classroom ko. Agad ko din namang nakita iyon kaya hindi na ako nahirapan. Ang nagpahirap lang sa akin ay ang titig nila sa na hindi ako nilulubayan. Uso ang pagiignora kaya inignora ko nalang sila. At buti pumasok naman lahat sa utak ko yung mga discussion ng professor. " Ate a-anong pangalan mo?" I sighed. Kaninang first subject pa kasi sila tanong ng tanong kung anong pangalan ko, and really? It's getting on my nerves! Ningingitian ko lang sila at umaalis na ako. Merong ibang makulit at pinagpipilitan pa talaga na sabihin ko pangalan ko. Pagkatapos ko pa ngang sabihin eh hihingin pa yung number ko. Sinasabi ko nalang na wala akong cellphone. At mga hudyo nag-aalok pa na bilhan ako ng cellphone. "Ikaw!" Napakislot ako nang may biglang umakbay sa akin. Tinignan ko yung kamay niya na nakalagay sa balikat ko at tumungo iyon sa mukha niya. "Hi Belle!" Si Westly iyon. Nakangiti siya ng malawak habang nakatingin sa akin. At bakit ba kapag ningingitian niya ako ay napapatulala na ako sa kanya?! My crush na yata ako sa gwapong ito. "Westly?" "Yes! Just call me West, I prefer that." Tumango-tango ako. "Okay..." "So, Belleyel...have you decided to join us? Come on it would be fun!" Umangat yung gilid ng labi ko. "Fun? Sure, clubs are fun, and nice but–" "Yes! That would be nice. Madami kaming ginagawa doon! And I sure you'll have some great time!" Umiling-iling ako habang napapangiti na rin. "West...bakit ba gusto mo akong sumama sa inyo? Marami namang mas maganda na babae dito sa school ah!" Parang gusto ko tuloy kutusan ang sarili sa nasabi ko. Really? Madaming maganda? Bakit hindi ko nalang sinabi na magaling umakto at papasa para sa drama club? Iyon naman ang tinitignan diba? "Nothing. I just wanna see you everyday." "Hah?" Parang mali yata ako ng pagkarinig sa sinabi niya. Pero kung tama ang narinig ko, ano naman ang ire-react ko? Hindi naman pwedeng harap-harapan mong ipakita sa kanya yung kilig mo? Oo, kinikilig ako. "I said..." Napaangat ako ng tingin sa kanya nang bigla niyang nilakad ang mumunting distansya namin at hinawi ang nakatabing na buhok sa mukha ko. "I want to see you everyday." Parang hinampas ako sa pangalawang beses. I didn't expect him to repeat it, I was hoping that he would deny it. "W-what do you mean?" Ngumiti siya kaya napatanga na naman ako sa kanya. Baka nga tumutulo na ang laway ko sa kagwapohan niya. "I don't know. I just want to see you. Maybe that's what you call...uhm...longing?" "Pfft..." Napatawa ako sa sinabi niya. Haha! Longing? Give me a break! "I know. I said something funny!" I shook my head. "Not at all. You said something crazy!" Napapangiti na rin siya saka tinignan ako ng diretso. "So...wanna join?" "Okay! I think I will try!" "So it's a yes?" "Do you want me to take it back?" Tanong ko sa kanya kaya agad siyang umiling at ngumiti pa siya. Nagyaya siyang ihatid ako pauwi pero tumanggi ako kaya hanggang sa gate niya lang ako inihatid. "Ano? 4 o'clock yung meeting natin bukas hah?" "Sige. Sisipot ako." "Sure?" Tumango na nga lang ako kasi ang kulit niya. Tumalikod na ako at naglakad na palayo sa kanya. I sighed and looked at the sky. Another day is done... Ngumiti ako nang maalala ko si West. Hay...I don't know why everytime I think of him I smile. It's a bright day for me. It's peaceful... Pero nagulat ako nang biglang may nahulog na katawan sa harapan ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin doon sa nahulog na tao. Naka-luhod ang isang paa nito sa sahig kaya alam kong okay lang siya. But I decided na hindi siya okay dahil may mga dugo siya sa kamay at braso niya. Nanlaki ang mata ko saka dinaluhan siya. "T-teka. Okay ka lang ba? Bakit ka dumudugo–" Nagulat ako nang bigla niya akong marahas na tinulak sa dingding at marahas niya ring sinabunutan ang buhok ko. "A-ah!" Daing ko. Pinanood ko siya nang akmang sasaksakin niya ako gamit ang hindi ko napansing gunting na hawak niya. Binalot ng takot ang buong sistema ko kaya napapikit ako at hinintay ang kawakasan ng buhay ko. Pero nagtaka ako nang ilang saglit pa ay wala akong naramdaman na may sumasaksak sa akin. Kaya unti-unti akong dumilat at nakita ko ang isang pares ng itim na itim na mata. Nakatunghay ito sa akin na parang kinakabisado ang mukha ko. Duguan ang kanyang mukha pero nakikita ko pa rin ang kagandahan ng pagkakaukit ng ilong nito, ang labi nito na may sugat sa gilid, ang mata nito na nakakapanghina kung tumitig. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maihiwalay ang tingin ko sa kanya gayong napakasama ng tingin nito sa akin. Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko ay nahigop niya ang buong lakas ko sa simpleng pagtingin niya sa akin. Inilapit niya yung mukha niya sa akin kaya bigla akong nanginig at nangilabot mas lalo na nang bumulong siya sa tenga ko gamit ang boses niya na napakalamig at napakadiin. "We will meet again..." Pagkasabi niya non ay inamoy-amoy niya ako saka unti-unting lumayo at tumakbo na palayo sa akin. Hindi ako gumalaw hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Nanghihina na napadausdos ako mula sa pinagkakasandalan ko. Hinahabol ko ang aking hininga habang nakatingin sa sahig. Parang nakalimutan ko na kasi ang paghinga simula nang makita ko siya. Who is he? Nangilabot ulit ako nang makita ko ang duguan niyang mukha sa aking imahinasyon. Umiling-iling ako saka nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. I chose to keep my mouth shut to what I see. Pakiramdam ko kasi na kapag sinumbong ko siya ay kayang-kaya niya akong hanapin at gantihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD