Magmula ng magising ako, pakiramdam ko nasa ibang mundo ako.Naririnig kong may babaeng umiiyak sa tabi ko. "Mahal, nasaan ka? " Gumising ka na please, promise ipakilala ko na si Angela sa iyo." "Sino kaya ang babaeng ito at ano ang kaugnayan niya sa akin", bulong ko sa sarili ko. Ginalaw ko ang daliri ko para malaman na gising na ako. Nakatingin lang ako sa kanya ng inangat niya ang kanyang ulo. "Miss sino ka?" tanong ko sa kanya. Sumama ang mukha niya , di niya ako sinagot. Maya - maya pumasok ang mga doktor at nurses sa room ko. Isa-isa nilang tingnan ang kalagayan ko. "Kamusta Dr. Sanson? sabi sa akin ng doktor na halos kaedad ko. "Okey lang naman ako Dok, pero parang masakit ang ulo ko wala akong maalala." "Nandito ka sa sarili mong ospital dahil naaksidente ka kahapon", paliwanag niya

