Analyn POV Kinabukasan di pa rin nagising si Anthony pero ayon sa doktor okay naman ang kanyang mga vitals. "Mahal, Langga ko gumising ka na. Gusto ka makausap ng anak mo eh. Patawarin mo ako kung naging madamot ako sa iyo. Hindi na mauulit, mahal nasaan ka? Gumising ka na , please." Umiiyak ako ng maramdaman kong may gumagalaw sa kamay ko. Nakita ko si Anthony, nagising na siya pero nakatingin lang siya sa akin."Langga, kilala mo ba ako?" tanong ko sa kanya. "Sino ka Miss? "tanong niya sa akin. Parang nadurog ang puso ko kasi di niya ako kilala. Agad kong pinindot ang emergency button papunta sa nurse station kaya nagsitakbo ang mga ito sa room ni Anthony. " Ma'am, labas ka muna check lang namin si Dr. Sanson." utos sa akin ng doktor. Nag-aalanagn ako pero sumunod na lang ako sa kanya.

