Analyn POV Halos takbuhin ko ang pasilyo ng ospital makita ko lang ang mukha ng mahal ko. Inalam ko sa nurse station ang kinroroan ni Anthony, kilala na nila ako kaya sinabi nila sa akin na nasa emergency room pa ito. Pagdating ko doon nakita ko ang kanyang mga magulang. Hindi ko alam kung tutuloy ako o hindi dahil kahit minsan hindi kami nagkakilala ng personal. Laging patago ang pagkikita namin ni Anthony. Nang umangat ng ulo si Tita Conchita ngumiti siya sa akin. "Oh, iha halika." , tawag niya sa akin. Para namang nabunutan ako ng tinik kaya napayakap ako sa kanya. "Kamusta na po si Anthony?" tanong ko sa kanila. "Kasalukuyan pa siyang inooperahan sa ulo", sagot sa akin ni Tito Alejandro. Napahikbi ako ng malakas. "Kasalanan ko po ito, kung sinabi ko na sana sa kanya noon pa na siya

